CHRYSLER’s POV
“I have to go.” Biglang paalam ni Chinky, saka na siya agad na umalis.
Tinawag pa nga siya nina Bianca, pero walang lingon-likod na nagpatuloy na siya sa paglalakad.
“I think, kailangan ko ba ring magpahinga. Enjoy na lang.” Paalam ko na rin, saka na ako tumayo at tuluyan ng umalis sa lugar.
“Sige Sir!” paalam pa nila sa akin.
Kumaway na lang ako sa kanila habang nakatalikod na ako at naglalakad patungo sa tinungo ni Chinky. Hindi siya pumasok sa loob ng hotel e, kaya malamang nagpunta siya sa kung saan. Susundan ko siya, kaya ako nagpaalam sa kanila.
Naglakad ako papunta sa parke, at ayon, mabilis ko siyang nakita sa may swing na nakaupo habang nakayakap sa sarili n’ya. Kung bakit ba naman kasi naka-sleeveless siya at naka-short pants siya, e gabi na! Ang dami pa namang lamok, saka mahangin din! Tss!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
CHINKY’s POV
Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng jacket sa balikat ko, kaya mabilis akong napalingon—si Chrys!
“Okay lang ako.” Saka ko tinanggal ang jacket n’ya at ibinalik sa kanya, pero muli rin n’ya ‘yong ipinatong sa balikat ko, kaya hindi na ako kumontra.
Medyo maginaw na din naman kasi noon. Kaya hinayaan ko na lang din. Nagpupumilit e. Inabala ko na lang uli ang aking sarili sa panunuod ng mga bituin sa kalangitan kahit parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng kaba na nararamdaman ko.
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo siya sa katabi kong swing, pang-tatluhan kasi ‘yong swing e.
“Bakit ka umalis doon?” bungad n’ya.
“Ha?”
Hindi n’ya pwedeng malaman ang dahilan ko! Na naiiyak akong makita siyang kumakanta dahil naaalala ko ang kahapon na kasama siya, habang masaya n’ya akong hinahandugan ng mga awitin n’ya.
Ayokong sabihin sa kanyang nami-miss ko siya, kasi ayoko na! Nakalimutan na siya ng puso ko! Pero bakit gano’n na lang mag-inarte kanina? Naiinis ako sa sarili ko kasi—akala ko naka-moved on na ako! Naiinis ako sa sarili ko kasi ang bilis bumalik ng nararamdaman ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon ang lakas pa rin ng epekto n’ya sa akin.
Pero hindi ko na ‘to dapat na maramdam! Kung bakit ang hirap sawayin ng puso! PASAWAY NA PUSO! Kung tao lang ‘to, kanina pa ‘to nakatikim ng palo sa pwet eh!
“Ang sabi ko, bakit ka umalis doon agad?” pag-uulit n’ya.
“Eh ikaw, bakit ka din umalis doon?” pagbabalik tanong ko naman.
Nakita ko siyang napakamot sa batok n’ya.
“Ikaw ang unang tinanong e.” sabi n’ya.
“Eh ikaw ang gusto kong unang sumagot e.” sabi ko naman.
“Actually magpapahinga na sana ako, kaso parang gusto ko pang magpahangin somewhere na tahimik, kaya ako napadpad dito, e saktong nakita kita dito.” Sabi n’ya.
Parang na-disappoint ako sa isinagot n’ya. Akala ko kasi sinundan n’ya ako dito e. Tss. Assuming na naman kasi e!
“Ahhh, nakakarelax nga dito.” Kako na lang, saka huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomansaPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...