Chapter Sixty One: ♥

18.6K 263 0
                                    

CHINKY’s POV

 Dumating na kami nina Elix and Lola galing sa Tagaytay para sa tatlong araw na bakasyon doon. It was one of the best experiences ever. Ang saya talaga! Ang ganda ng view, ang sarap ng hangin, nang food, nang ambiance—actually lahat e. Tapos ang dami naming pinasyalan na lugar.

“Nag-enjoy ka nga ba talaga?” biglang tanong sa akin ni Elix ng makapasok siya sa room ko. Nakalimutan kasing isara ni Lola ‘yon kanina, galing kasi siya dito, para tingnan ang mga pictures na nakuhanan namin, mula sa phone ko.

“Oo naman, nag-enjoy ako!” sagot ko sa katanungan n’ya.

He smiled. “But your eyes says NO!”

“Sira!” kako. Saka ako muling sumandal sa headrest ng kama ko.

Tumabi siya sa akin.

“Tell me, what do you want me to do?” biglang sabi n’ya na ikinalingon ko sa kanya.

“What?”

“Tell me what do you want me to do, para matulungan kang maalis ang sakit na nararamdaman mo.”

“Elix, I don’t get you.”

“I know, you know, what I was saying Chinky,”

            “Elix, you don’t need to do anything, just stay beside me, okay na ako.”

“But I can’t afford to see you sad.”

Napasandal tuloy ang ulo ko sa balikat n’ya. Ramdam ko kasi ‘yong concern n’ya sa akin. He’s really my super bestfriend. He knew me! Naiiyak na tuloy ako.

“Just stay here beside me.. And don’t leave.”

Naramdaman ko na lang ang pag-akbay n’ya sa akin.

“I will. I will.” bulong n’ya. “Okay, get rest now.” Saka n’ya ako tinulungang mahiga sa kama ko at kinumutan. “Goodnight Chinky!” at hinalikan n’ya ako sa aking noo, bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ko.

ELIXIR’s POV

I know she’s still in love with my coward cousin! And I know too that Chrys is still into her! Ang duwag n’ya talaga! Kung siguro masama lang akong tao, matagal ko ng inagaw si Chinky, mula sa kanya!

Paano kaya kong agawin ko na nga talaga si Chinky mula sa duwag kong pinsan na ‘yon? Siguro naman, it’s my high time para ako na ang mag-alaga at magmahal kay Chinky! Hindi na ako natutuwa na makita siyang nagkakaganyan dahil kay Chrys!

Kung walang ginagawang move ang pinsan ko, ako na lang ang gagawa ng paraan! I don’t want her to get hurt again and again! I know kaya ko siyang pasayahin! I know makakalimutan rin n’ya si Chrys sa tamang panahon. Hindi ko siya iiwan, anupaman ang mangyari.

Bumaba n ako no’n para kumuha ng inumin sa kusina ng maabutan ko si Chrys doon.

“Dumating ka pala.” Kako. Hindi ko kasi ini-expect na makikita siya ngayon.

“Yeah! May pinuntahan kasi akong malapit dito, kaya dito na rin ako matutulog. Dumating na pala kayo.” sabi n’ya.

“Yeah! Kanina pa. Actually nagpapahinga na nga sina Lola at Chinky e.”

Saka ako nagtuloy para kumuha ng inumin ko sa ref saka naupo sa tapat n’yang silya.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon