CHINKY's POV
E di pagkatapos ng trabaho.Nauna na akong umuwi kay Chrys. Ganoon naman talaga e. Kanya-kanyahan kami. Baka ma-chismis.
Ayon masaya na naman akong nagluto ng aming dinner. At dahil special ang araw na ‘to dahil sa pagkapili ko bilang individual designer, I cooked something special: Fettuccine. Sa madaling salita, spaghetti. HA-HA. Nag-iinarte lang. I made it yummier and saucier ha-ha-ha..
‘Yong spaghetti na parang niluto ng isang magaling na Italian chef. A-hi-hi.. I tasted it! And it was hmmmm... Delicioso! Very appetizing, very enchanting to look at and... teka puro na ako puri sa niluto ko ha. A-he-he.. *sumarado ang pintuan sa harap* Dumating na yata si Chrys. For sure gutom na rin ‘yon.
Tiyak na maglalaway siya sa akin—este sa specialty ko. Ako nga sarap na sarap e. Pati si Baby sa tiyan ko walang reaksyon, ibig sabihin nagustuhan din n’ya.
"Hmm.." he inhaled the delicious scent of my niluto, with pikit-eyes pa ‘yon ah. No’ng makapasok siya sa loob ng kusina.
"Kain na." yaya ko, then I smiled secretly.
Halata naman kasing naglalaway na siya sa mga inihain kong pagkain. Umupo na siya sa harapang upuan.
Ulam: Chinken adobo tapos iprinito ko, chao fan rice. At ‘yong fettuccine.
Chrys: No IMIK. Panay lang ang subo n’ya sa pagkaing nasa harapan n’ya.
Waah! Busy siya sa pagkain n’ya. Para siyang hindi nakakain ng isang taon. PG na PG ang peg niya.ha-ha-ha. Siguro hindi ito nakakain ng lunch n’ya ng mabuti kaya bumabawi siya ngayon. Nagsimula na rin akong kumain. Mabait naman pala siya e kapag gutom ha-ha. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain, masarap kasi sa pakiramdam ‘yong sarap na sarap ‘yong taong kumakain ng luto mo.
"Why?" tanong n’ya, na ikinabalik ko sa katinuan ko.
Nakatingin na din pala siya sa akin. Hindi ko na siya napansin, lumilipad na kasi yata ‘yong isipan ko e.
"Wala." I smiled.
"Bakit ka ngumingiti dyan na parang ewan?" naiiling na sabi n’ya.
"Wala nga." Natatawa ko na namang sagot,
Basta ayoko sabihin na natutuwa akong panuorin siya, baka mamaya bigla na naman siyang tupakin, biglang hindi ubusin ‘yong pagkain, madami pa naman.
"Fine!" sagot n’ya, saka na siya kumain na lang ng tahimik.
Ayon tapos na ako kumain, siya hindi pa. Nag-overtime siya sa pagkain. Patuloy lang sa pagkakain n’ya sa chicken adobo . Teka nga lang muna!! Nagtataka talaga ako sa mokong na ‘to e, hindi siya nagsasalita masyado ngayon ha!
Ayy.. puno pa kasi ‘yong bunganga n’ya, pero hindi ako sanay na hindi siya madaldal ngayon ha. Dati kasi nakikipag-asaran to death ‘to e. ‘Yong tipong kumukulo na ‘yong dugo ko ngay. Ano kayang meron—Oh my Gee! Hindi kaya nagbago na siya-dahil sa halik n’ya sa akin kanina?
Was it really about the kiss?
"Why did you kiss me awhile ago?"
Wala sa sariling nadulas ang dila ko. Nyak! Bakit ko ‘yon naitanong? Oh my gee! Awkward na tuloy! Napa-ubo siya sa kanyang narinig, muntik pa n’yang ng naibuga sa akin ‘yong spaghetti na nasa bunganga n’ya. Ew!
Ubo pa rin sia ng ubo. Hala, hindi na siya natapos sa pag-ubo. Kaya napatayo na ako saka ko siya inabutan ng tubig at hinagod ang likod n’ya, pero mabilis siyang tumayo at lumayo sa akin.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...