CHINKY's POV
Bakit ang tagal naman yata n’yang bumili ng bananaque? Gaano ba kalaki ‘yon? At hindi na yata n’ya mabuhat-buhat? Pero ilang minuto pa ay nakita ko na rin siyang naglalakad pabalik sa kinaroroonan ko—nang naiiling at naka-kunot ang noo.
Nakipag-away na naman ba siya sa mga nagtitinda ng bananaque? Pinainit ba ng mga tindera ang ulo n’ya, kaya ganyan ang hitsura n’ya? Nakuuu, napaka-hot headed talaga n’ya kahit kailan. Haay!
"Nakipag-away ka na naman no?" tanong ko sa kanya ng makalapit na siya ng tuluyan sa akin. Agad n’yang inabot sa akin ‘yong binili n’ya, saka siya naupo sa tabi ko.
"Hindi no, ikaw nga ang inaaway e, ipinagtanggol lang kita. " halos pabulong n’yang sabi pero narinig ko naman ng kaunti.
Kumagat ako sa bananaque, kyaaa! Ang sorop!! *puno ang bibig*
"Bokot oko ong onoowoy?" (Bakit ako ang inaaway?) Puno kasi ang bibig ko ng kinakain kong babanaque e. Kaya mahirap magsalita.
"Wala! ‘Wag mo na ngang tanungin." Sabi n’ya, saka siya tumingala sa kalangitan.
Nilunok ko muna ‘yong nginunguya ko bago uli nagsalita. "Nakuu, if I know nainis ka lang sa mga babaeng ‘yon kasi nagpapa-cute sila sa'yo, okay lang naman sa akin kung type mo din sila—"
"Will you just keep quiet? You're ruining ambiance." Sabi n’ya.
Joke lang naman e! Ang highblood talaga n’ya! Napatingin din tuloy ako sa tinitignan n’ya! At napangiti ako. Waaahh.. Ang unti-unting pagdilim ng kalangitan ang inaantabayanan n’ya. Ang romantic!
"Gusto mo?" alok ko ng bananaque sa kanya, pansin ko kasi iisa lang ang binili n’ya e.
"It's all yours, ubusin mo ‘yan, 500 isa n’yan!" sabi n’ya.
P500 daw isa nito? Ano bang klaseng saging ito—ginto? HA-HA-HA. Weh?
"Naku, ang mahal naman nito, pwede bang isanla ko na lang itong isang piraso?" natatawa kong biro sa isa pang saging na hindi ko pa nakakagatan.
"Do you think I'm joking?" sabi n’ya, saka siya tumingin sa akin.
Ang seryoso lang?
"Oo na, P500 na isa nito. Ang mahal naman nilang maningil, por que ba guwapo ka at mukhang mayaman, ganoon na sila maningil ng bayad? Halika at ng mai-report natin sila sa kinauukulan." Sabi ko, saka ko na inubos ang kinakain ko at hinila na siya patayo, pero nanatili pa rin siyang nakaupo.
Kapagdaka ay ako na ang hinila n’ya palayo sa lugar.
"Let's go to some other place, tell me, ano ang pinaka-sosyal na lugar na masarap kainan dito sa inyo?" he asked.
“I know some place.” I smiled.
Sumakay kami ng sasakyan n’ya, saka na kami tuluyang umalis sa park and after 20 minutes ay ipinark na n’ya ang sasakyan sa parking lot at bumaba na kami, nandito na kasi kami sa lugar na gusto kong kainan.
Ang RC's Resto na pagmamay-ari ng mga kaibigan kong sina Chester Marie at Roi Tan.
"Is this the place?" nagtatakang tanong ni Chrys sa akin.
Tumango naman ako. Totoo kasing masasarap ang mga pagkain dito e. Ito ang business na pinagkakaabalahan nilang dalawa simula ng maging mag-bf-gf sila and soon to be a married couple. Mula sa naipon daw nila from their previous jobs, nakapagpatayo sila ng mini-Resto. Hindi ganoon kalakihan pero hindi rin naman siya maliit—sakto lang. Nakakain na rin ako once dito at ang the best ng mga foods, kaya recommendable siya. Thumbs up!
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...