Chapter Fourteen: A Devil with Heart ♥

31.2K 431 15
                                    

CHINKY’s POV

Hay, natanggal din ang buhangin sa mata ko dahil ‘yon sa tulong ni Brent. Ayan, nakakakita na uli ako, ‘di na masakit. Tapos, ilang saglit pa ay.. May kung sino na lang na humablot ng braso ni Brent at ilang sandali pa ay nakita ko na lang siyang nakahalik sa may buhanginan.

Nyaaaah! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat! Someone knocked him out! Tumaas ang mga tingin ko sa taong walang pakundangang sumuntok sa kanya. Kyaaaa si—si—Chrysler Cruise!!!!!

“Anong ginawa mo?!” naiinis na sabi ko kay Chrys.

Saka ko mabilis na dinamayan si Brent na noon ay papatayo na rin mula sa pagkakahalik n’ya sa buhangin. Chrysler is really a pain in the ass! Grrr.. Anong ba ang ginawa ni Brent sa kanya at basta-basta na lang n’ya itong sinuntok? Ano yon may 'trip-trip' disorder siya? Kung sinong napag-tripan n’ya, basta-basta na lang n’yang susuntukin? ‘Nak ng blue na baboy naman oh!!

“Okay ka lang ba Brent?” sako ko mabilis na inabot sa kanya ‘yong panyo ko para ipamunas sa pumutok n’yang labi. Kawawa nga e. Sumu-sobra na talaga ‘tong Chrys na ‘to! 

“He’s a maniac, can’t you see that?” mayamaya ay paratang pa ni Chrysler kay Brent. “Palibhasa desperado kang magpapansin sa mga lalake, kaya—“

 *plak* Isang malutong na sampal ang iginawad ko sa pinsgi n’ya. Inabot ko ang pinsgi n’yang ‘yon sa abot ng aking makakaya.

“Wala siyang ginagawang masama sa akin, tinutulungan lang n’ya akong tanggalin ‘yong bunhangin sa mata ko and for your information, hindi ako katulad ng ibang mga babaeng iniisip mo!” bulyaw ko sa kanya.

Pati nga si Brent ay napatulala dahil sa pag-aaway namin ng Chrysler na ‘to sa harapan n’ya. Buti na lang at napakabait ni Brent at hindi siya bumawi ng suntok sa Devil na ‘to.

“Hindi ka n’ya hahalikan?” parang tanga pang tanong ng lalaking ‘to.

 Baliw! Nakakairita! Ano ako sira ulo na basta-basta na lang magpapa-halik sa kung sinu-sinong mga lalaki at in public place pa?

“Bahala ka sa buhay mo!” galit kong sabi. Saka ko binalingan si Brent. “Nice meeting you, gotta go." Tumango lang siya sa akin.

At mabilis na rin ako naglakad palayo sa kanilang dalawa. Asar! Gusto kong mag-enjoy e. Kaso may panira! Aaaah! Makakain na nga lang. Naglakad na lang uli ako para maghanap ng makakainan! Gusto kong makalimutan ang nakakainis na lalaking ‘yon!

Hotel’s Resto

Buti na lang kasama na sa hotel package ang pagkain sa mamahaling Resto na ‘to. Kaya hindi ko na kinakailangang gumastos pa. Buffet siya kaya mabilis akong kumilos para makarami na! Waaah! Mukhang masasarap lahat. Kaloka. Nawala agad ang inis ko dahil sa mga grasyang nasa harap ko. Pwede kayang mag-take out mamaya pagkatapos kong kumain?

Grabe! Ang daming pagkain! Hmmmm.. Ang babango pa. Nakaka-TL naman oh! (TL: Tulo Laway) E di nakipila na rin ako. ‘Yong mga naunang pila sa akin ang liliit ng mga nilagay sa mga plato nila. Nakakahiya man pero sa isang tray, tatlong malalaking pinggan ang naroon para paglagyanan ko.

Sila siguro madalas ng makakain ng mga ganitong pagkain. Ako kasi bihira lang, baka nga sa susunod—hanggang panaginip na lang ako makakakain ng mga ito. Halos nga manlaki ang mga mata ng mga taong nagse-serve para mag-refill ng mga pagkain sa empty bowls.  

Eat all you can to ‘di ba? Kaya huwag silang mag-re-reklamo.  E di after ko pumila, pumuwesto na ako sa pinaka-huling mesa sa dulo. ‘Yong place na isolated. ‘Yong ako na lang ang naroon dahil ang iba, nasa bandang harapan.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon