Chapter Twenty Two: Fall ♥

24.2K 381 23
                                    

CHINKY’s POV

Inihatid ako ni Elixir hanggang sa mesa na sinabi ni Chrys sa akin kanina, bago siya nagpunta sa umpukan ng kanyang mga kamag-anak. Pero ang ipinagtataka ko, nasaan na si Chrys? Hindi naman siguro siya pumasok sa loob, e hindi naman namin siya nakasalubong.

Napalinga ako sa paligid. Wala naman siya. Umuwi na kaya siya? Mabilis akong napalingon sa garahe kung saan naka-park ang kotse n’ya. Pero nandoon pa naman ‘yong sasakyan n’ya.

Waaah! Nagugutom na ako! Kapagdaka ay napansin ko na lang na naglalakad na pala si Chrys palapit sa mesa kung saan n’ya sinabi kanina. Hmrf! Saan naman kaya siya galing?

“Nagugutom na ako,  saan ka ba galing?” kako pagkalapit n’ya.

Pero ang mokong kinunutan pa ako ng noo, saka na siya dumiretso sa mesang pinagkukuhanan ng mga pagkain. Teka, ano’ng problema n’ya? May kasalanan ba ako sa kanya? E siya naman ‘tong kadarating lang!

Hindi ko talaga ma-gets ang isang ‘to e! Sumunod na lang ako sa kanya at kumuha na rin ng pagkain. At dahil masasarap ang nasa harapan ko, nawala na uli ang pagkayamot ko. Ang dami kong kinuhang pinya, tapos ketchup for my dessert.

Nang makaupo na kami sa mesa ay mabilis ko ng nilantakan ang pagkain ko. Nagutom kami ni Baby. Lumalaki na din si Baby. Ang bilis ng mga araw. Mamaya college na siya! Charot!

“Ong sosorop.” (ang sasarap) sabi ko habang puno ang bibig ko ng pagkain.

Waah! Lamon na itong ginagawa ko. HA-HA-HA. Mabuti na lang at naisipan nitong si Chrys na sa may walang gaanong tao pumuwesto. Ayos! Nakakakain ako ng malalaking subo!

Naramdaman kong nakatitig na pala siya sa akin,kaya sinalubong ko ang mga tingin n’ya. Siguro kung nakaka-hiwa lang ang mga tingin na ipinupukol n’ya sa akin, gutay-gutay na ako. Ang talim e. Nakakatakot. Ano ba talaga ang ginawa kong kasalanan sa kanya?

“Ba-Bakit ga-ganyan ka makatingin?” hindi ko napigilang itanong.

Kinakabahan na din kasi ako. Mamaya n’yan bigla na lang n’ya akong saksakin ng hawak n’yang tinidor. Joke lang. Pero ang akala kong sasagot siya sa katanungan ko, nagsimula na uli siyang kumain.

Waah! Ano’ng nangyari sa kanya? Kanina okay pa naman siya. Ano kayang nakain o nainom nito na nakapagpa-pipi sa kanya? Lagi na lang niyang inumin ha!

ELIXIR’s POV

Masaya ako kasi marami sa pamilya namin ang narito ngayon. Sana lang din nandito si Mommy and Daddy. Oh no! I shouldn’t be sad. This is a party, dapat masaya.

Isa pang nakadagdag sa excitement ko ngayong gabing ‘to ay ang pagdating ng hindi ko inaasahang bisita. Si Chinky.

Actually iinvite ko din sana siya, kaso masyado na akong naging busy, kaya nawalan na ako ng time. Luckily nandito pa rin siya. Kaya ang saya ko! She’s funny, cute and witty. Ang sarap niyang kausap. Kaya nga ilang araw pa lang kaming nagkakakilala pero pakiramdam ko forever ko na siyang kilala.

By the way, hindi ko pa pala nakikita si Chrys with his wife. Nasabi kasi sa akin ni Lola Yna na nag-asawa na daw siya neto lang. Pero secret marriage lang daw, kaya bawal ipagkalat. Kaya sshh.. lang.

“Salamat po sa pagpunta Tito, Tita. Enjoy lang po.” Sabi ko sa mga nakakasalubong kong mga kamag-anak namin.  “Lola, kumain ka na din po.” Busy kasi si Lola sa pakikipagkuwentuhan sa iba pa naming mga kamag-anak. Nakalimutan na yatang kumain.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon