CHINKY’s POV
“Manong, wait lang sabi eh!!” hingal na hingal kung sabi.
Waah! Medyo malayo-layo na din ang natatakbo ko ha. Siguro mga 1km na. Ang sakit na nga ng mga legs ko. E di no’ng hindi ko na kaya, bigla na lang akong sumalampak sa semento kong saan ako nakatayo. Kyaaa! I’m so deadly tired!
*beep beep*
May kung sinong bumusina sa akin na nasa may gilid ko—teka, wala ako sa kalsada okay, nasa safe road ako kung saan walang sasakyan at dinadaanan lang ng mga tao. Pero ‘yong bumusina sa akin, nasa road siya ‘yong dinadaanan ng mga sasakyan.
“Hey miss, you okay?” narinig kong may nagsalita after no’ng beep-beep thing na ‘yon.
E di napalingon ako sa nagsalita. At nag-twinkle ang aking mga mata ng makita ko ang taong ‘yon! Natanong ko na lang sa sarili ko—teka, nasa langit na ba ako? He-he. Bakit bigla na lang ako nakakakita ngayon ng isang guwapong anghel? Narinig kong bumukas-sumara ‘yong pintuan ng sasakyan n’ya, pero dahil natulala nga ako dahil sa kaguwapuhan ng kaharap ko, e di hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
“Miss?” narinig ko pang sabi n’ya.
Kung hindi pa siya pumitik sa harapan ko, hindi pa ako matatauhan e. Parang naging habit ko naman na yata ang pagtutulala. Palibhasa napapalibutan ako ng mga nag-gu-guwapuhang mga nilalang. Nakalahad na pala ‘yong palad niya sa akin. Pero hindi ko siya crush ha! Defensive?
Kasi nga may asawa na ako okay! E di tinaggap ko ‘yong kamay n’ya. Itinayo n’ya ako mula sa aking pagkakasalampak.
“Are you okay? Akala ko nahimatay ka na e, kaya hinituan kita ng sasakyan.” sabi n’ya. Kyaaa! Ang gentle naman ng man na ito.
“Okay naman ako, kaso may hinahabol kasi ako.” Oo nga pala, ‘yong teddy bear ni Chrys!!! “Pwede mo ba akong ipagpaneho para sundan ‘yong truck ng basurahan kanina?”
“Truck ng basurahan?”
Tumango ako. “ Nandoon kasi ‘yong teddy bear ni Chrys—“ napahinto ako sa pagsasalita, ibuking ba naman sa iba na si Chrysler Cruise ay may malaking teddy bear—mamaya lagot pa ako kapag nalaman n’ya. “Nandoon kasi ‘yong teddy bear ko na accidentally natapon ko!” Ano daw? Basta something like that!
“You mean nasa truck ‘yong teddy bear mo?” tanong n’ya. Tumango naman ako.
He laughed. Waaahh, ang guwapo naman ng hinayupak na ‘to. Pero wala akong time para mag-appreciate ng guwapo. Baka mamaya matabunan na ang teddy bear na ‘yon ng iba pang mga basura. Kyaaaa! Mali-late na din ako sa trabaho!
“Halika ka na!” saka ko siya hinila palapit sa kotse n’ya.
Nauna na nga rin akong pumasok sa loob e. Kapalmuks no? In need lang.
“Okay, saan siya nagtungo?” tanong n’ya.
Itinuro ko naman ang bandang North. At dahil naka-south ‘yong position nong car niya, lumiko pa siya, saka n’ya mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Teka nga pala, hindi ko pa alam kung mabuti o masamang tao siya. Basta na lang akong sumakay. HALA! Pero dahil guwapo naman siya—ipinalagay ko nalang na mabait siya. Saka angelic ‘yong face niya parang kay Chrysler—kaya imposibleng salbahe ito, pwera na lang kung kaugali n’ya rin ang Devil na ‘yon.
“Bakit ba mahalaga ang teddy bear na ‘yon sayo? Iniregalo ba ‘yon ng special someone mo?” tanong no’ng lalake sa akin. Nyek! Hindi ko pa nga pala kilala ang pangalan niya.
“Oo e.” sagot ko na lang, para wala ng tanong-tanong.
“By the way, I’m Sean Elixir, you can call me Elixir, you’re?” pagpapakilala n’ya na noon ay nakatingin pa siya sa front mirror ng sasakyan n’ya.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...