Chapter Forty Four: Sino ka? ♥

20.9K 319 30
                                    

CHRYSLER's POV

Napatayo ako kaagad ng makita kong lumabas ang Doctor at mga nurses mula sa cubicle kung saan ginagamot si Chinky. Kinakabahan pa rin ako. Para akong mawawalan ng heart beat anytime.

"Do-Doc?" nanginginig ang buo kong katawan.

Pero bigla kong naramdaman ang pagtapik ni Elix sa balikat ko. Nandito na din pala siya  kasama ng iba pang family members ni Chinky sa likuran ko.

"Kayo po ba ang guardian ng pasyente?” tanong ng Doctor na mabilis ko ring tinanguhan. “Nagtamo siya ng major head injury—according to her CT scan—there was a blood clot in her brain and we must undergo the brain surgery as soon as possible..."

Basta madami pang sinabi ang Doctor sa akin, pero bigla ng nagsara ang tainga ko ng marinig ko ang sinabi n’yang dapat na daw sumailalim si Chinky sa surgery sa lalong madaling panahon.

Saka na rin umalis ang Doctor, hindi ko na nga ring nagawa pang itanong kung kamusta na ang anak namin. I was in great shocked and I feel like dying. Hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong napapaupo sa sahig. Pero mabilis akong dinamayan ni Elix.

"Be strong, kaya n’ya 'yan." Sabi n’ya na nagbigay sa akin ng kaunting pag-asa.

Right! Chinky is a brave girl, kaya n’ya ang Brain surgery na ‘yon. Please God, help her.

After a minute ay tinawag uli ako no’ng Doctor, saka may pin-assign sa aking papel, hindi ko na ‘yon binasa, basta ang sabi ng Doctor pagka-pirma ko no’n, anytime daw ay pwede ng ma-operahan si Chinky. Basta kung saan siya safe, doon agad ako.

Ngayon ay dadalhin na rin agad si Chinky sa Operating room. Nakasunod lang kami sa kanya. I missed the lively and noisy Chinky. Para akong buhay na patay na naglalakad papasok sa loob OR ng pigilan ako ng mga nurses. Bawal daw kasi ang mga watchers sa loob.

Wala na akong lakas para lumaban kahit gusto ko pang pumasok sa loob. Dammit! This was my entire fault. Ako dapat ang nagsu-suffer at hindi siya. I face my palm and cry. I am so much in pain. Nasasakatan ako para kay Chinky.

After an hour ay dumating na rin sina Nanay at Lola sa hospital. Pero nasa loob pa rin ng OR si Chinky. Hindi na namin namamalayan na almost 4 hours na rin pala siyang inooperahan. Wala pang isa mang lumalabas mula sa loob ng OR.

"Tumigil ka na nga kakalakad dyan, nahihilo na ako e." sita sa akin ni Lola.

Napatango ako, saka uli ako umupo sa isang sulok. Kinakabahan kasi ako e, nanlalamig na ang aking buong katawan. And after an hour ay bumukas na rin ang pintuan, saka mula doon ay lumabas ang stretcher kung saan nakahiga si Chinky.

"Saan niyo na siya dadalhin?" tanong ko doon sa mga Nurses.

Habang nakasunod lang sa kanila.

"Sa ICU na po tayo Sir." Imporma no’ng lalakeng Nurse sa akin.

Pagkarating namin sa ICU ay isang tao lang ang pwedeng makapasok. Halos mahimatay nga uli siya ng makita n’ya si Chinky sa ganoong kalagayan. I understand her!

Napayakap ako sa likuran ni Nanay. "I'm sorry po.." paulit-ulit na bulong ko sa kanila.

Tumango si Nanay, saka tinapik ang kamay ko na nakapalibot sa balikat n’ya. Kapagdaka’y agad na ring pumasok si Nanay sa loob ng ICU.

ELIXIR's POV

Halos dalawang araw na ang lumilipas, pero hindi pa rin nnagkakamalay si Chinky. Ang sabi ng Doctor, safe na siya at hintayin na lang daw namin siyang magising. Siguro nga ay matagal lang daw ang epekto ng in-inject nilang Anesthecia sa kanya.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon