Prologue

47.2K 916 62
                                    

Sa buhay natin, hindi pwedeng wala tayong ka-close sa school, sa classroom, sa bahay, mga kaibigan, kaibigang tatakbuhan mo kapag kailangan mo ng tulong at higit sa lahat matalik na kaibigan, in English, Bestfriend.

Pero paano kung ang itinuturing mong bestfriend ay sobrang higpit sa'yo, in English ulit, Possessive.

'Yong tipong, lahat ng ginagawa mo at sa'n ka man mapunta dapat alam niya.

Kung anong kinakain mo.

Kung saan ka galing.

Kung sino ang kasama mo.

Kung anong oras ang uwi mo.

Kung bakit ka na-late umuwi,

Kung ano'ng ginagawa mo at the moment.

Kung bakit ganito post mo sa facebook, instagram, at tweet mo sa twitter.

Kulang na lang, maging commander-in-chief mo siya na ni-re-report ang mga nangyari sa kanya sa buong araw.

Pero sa lahat ng bagay na hihigpitan niya, lovelife mo pa ang hindi niya in-exempt.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na 'yan.

Siguro dahil, magchildhood-friend kami, kaya gano'n siya.

Pero sa mga bagay na ginagawa niya, bakit hindi ko magawang umangal?

Baliw ba ako kung sasabihin ko sa'yong nage-enjoy ako sa ginagawa niyang paghigpit sa buhay ko?

Sa gay na gaya ko, ang magkaroong ng, let me say - sobrang caring, thoughtful, i-insert na rin natin dito ang salitang gwapo, at siyempre hindi mawawala ang word na possessive - ay isang suwerteng bagay para sa amin.

Hindi lahat ng gay nagkakaroon ng ganyang bestfriend. Ako lang!

So, before I start my life-twisted story with him, let me introduce the beautiful and lucky gay in the universe, John Chariel Carreon.

And the one I am referring to is, Sydney Mark Hernandez, and He's my Possessive Bestfriend.  

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon