JASON's POV
May isa akong taong nagugustuhan ngayon. Sa totoo lang, hindi naman siya ang tipo ko, hindi naman siya isa sa tipong ko tulad ng: hindi naman siya maganda, hindi naman siya katangkaran, hindi rin mahaba ang buhok niya tulad ng mga babaeng natitipuhan ko ni hindi balingkinitan ang kanyang katawan at wala rin siya ng isang bagay na madalas inaasaam ng mga kalalakihang tulad ko at higit sa lahat....hindi siya BABAE. Ngunit, hindi kaso sa akin 'yun sapagkat kabilang ako sa kasariang tinatawag nilang "bisexual".
Isang araw, habang may laro ang ang team namin, aksidenteng napadapo ang mga mata ko sa kanya, i-sho-shoot ko na sana ang bola nang makita ko ang taong 'to na naglalakad. Nakangiti. Maaliwalas ang mukha. Hindi siya maganda na mapapasecond-look ang mga lalaking tulad ko. Ngunit, ng mga oras na iyon, hindi ako napasecond-look kasi unang dapo pa lang mga mata ko sa kanya, hindi ko na kailangan mapabaling ng isang beses pa dahil nakuha niya ang atensyon ko sa una pa lang.
Hindi ko na na-shoot ang bola dahilan para matalo ang team namin. Hindi ako nagsising hindi ma-shoot ang bolang 'yun nung araw na 'yun dahil kung na-shoot ko iyon, hindi ko siya makikita. Hindi ko siya mapapansin. Hindi niya makukuha ang atensyon ko at hindi titibok ang puso ko ng ganito. Korni man na sabihin ang linya ito, pero na-love at first sight ata ako sa kanya.
Hindi man alam ng karamihan ang tunay kong kasarian at 'bisexual' man kung tawagin ng iba, hindi napigilan nito ang paghanga ko sa lalaking ito.
At simula sa araw na iyon, tinatanaw ko siya sa malayuan. Hindi man niya ako kilala, okay lang sa akin. Makita siyang masaya ay masaya na ako. Nagkaroon ng isang rason ang pagpasok ko school na 'to at mabuhay sa mundong ito.
JC. JC ng pangalan niya. Narinig kong tawag sa kanya ng kaibigan niyang lalaki. Iyon pala ang pangalan niya kaya tinatak ko na 'yun sa utak ko.
Habang naglalakad ako papunta sa clinic, para humingi ng patches para sa back-pain ko, nakita ko siya, nakatayo hindi kalayuan sa clinic, mukhang galing siya sa labas. Ang saya ko na makita siya. Parang pain reliever siya. Nawala bigla ang sakit na iniinda ko sa likod ko. Ngunit, hindi siya nakangiti ngayon, mukhang may iniinda siya ngayon. Pero, ano'ng iniinda niya? Pero parang, nakatingin siya sa kung saan. Sinundan ko ito, at nakita ko 'yung lalaking tumatawag sa kanya ng bespren na may kaakay na babae.
Binalik ko ang tingin ko dito, at tinignan ang mata nito. Bakit parang nararamdaman kong nagseselos siya dun sa babae? Hindi kaya....may gusto siya sa lalaking iyon? Totoo ba itong hinuha ko? Kaya ganun na lang ba ang titiig niya sa bespren niya?
Ang suwerte ng bespren niya dahil gusto siya ng taong gusto ko. Bakit parang kumikirot ang puso ko ngayon? 'Yung sayang nararamdaman ko kanina nang makita ko siya ay parang bulang bigla naglaho. Kung ang bespren man niya ang magpapakasaya sa kanya, 'di ba dapat maging masaya ako para sa kanya? Pero, bakit parang hindi ko magawang maging masaya sa kanya?
Simula nung oras na iyon, ipinangako ko sa sarili kong titigalan ko na ang paghanga ko sa kanya, kahit hindi man kami nagkilala at least alam kong mapapasaya siya ng bespren niya.
Nilibang ko ang sarili ko kahit broken-hearted ako nung oras na iyon, tinry kong kalimutan ito. Para maglibang at makalimot, nakipagdate ako sa babaeng inireto sa akin ng kaibigan kong si Jex. Pumayag akong lumabas dahil gusto kong makalimot, pero kinain ko lang din ang mga sinabi ko.
Nagmeet kami ng babaeng inireto sa akin ni Jex. Maganda siya. Sopistikada. Kung tipo ko lang din ang pag-uusapan, pasado siya. Pero kung ang tipo ng puso ko ang pag-uusapan, bagsak siya. Pero kahit ganun, itinuloy ko pa rin ito. Isang gabi, nagpagkasunduan naming magkita ulit. Sa isang coffee shop sa Freedom Park.
Casual lang ang usapan namin. Sa labas kami nakapwesto. Habang nagkwe-kwento si Alexa, ang ka-date ko, nakita ko ang taong pilit ko nang kinakalimutan. Si JC, nandito! Nakaramdaman ulit ako ng saya. Makita ko lang siya, masaya na ako.
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...