SYDNEY's POV
Nung bata pa ako, lagi kung iniisip kung bakit wala akong tatay katulad ng iba. Iniisip ko din kung bakit si Mama lang ang meron ako. Wala akong natatandaang nakasama ko ang tatay ko kahit isang saglit lamang. Miski ang mukha niya ay hindi ko matandaan. Naiinggit ako sa tuwing nakikita ko ang mga classmates ko na buo sila kapag family day.
Family, consists of one mother, father and a child to call it a FAMILY.
The day when the family day held, I was supposed to be happy, because family day nga 'yun pero alam ko sa sarili ko nung time na 'yun na ni isa sa parents ko ay hindi makakapunta. Una, si Mama ay nasa ibang bansa nung mga oras na 'yun. Pangalawa, wala akong nakagisnang tatay.
Wala na nga akong tatay wala pa rin sa tabi ko ang nanay ko kaya tinatak ko nung araw na 'yun na kailanman, hindi ko na mararanasan ang maging buo kami ng aking pamilya.
Nung time na naging magkaibigan kami ni JC, naranasan ko ang magkapamilya, hindi man sa dugo at least sa kanila naranasan ko ito sa kanilang mag-ama. Hindi nila ako tinuring na iba and I'm very thankful with them.
Kaya nga nung tinanong sa akin ni Mama kung gusto ko raw bang makita si Papa, nagulat ako. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang i-bro-brought-up niya ang topic na 'yun since siya ang nagsasabi sa akin noon na huwag na akong magtatanong pa tungkol sa tatay ko dahil iniwan na niya kami at hindi na siya babalik pa.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon sapagkat hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa kanya. Kung gusto ko ba o hindi. Ang tanong: gusto ko nga ba siyang makita despite of what he has done to me, to us? After he left us?
Gumugulo sa isip ko ang mga bagay na iyon pero...may part sa'kin na nagsasabing makipagkita ako sa kanya, not just to meet and greet with him but also to ask him about all of the questions that have been bothering me all my life.
Walang anu-ano'y um-oo ako sa kanyang katanungan. Bahagya pang nagulat ang mukha niya pero napalitan ito ng kasiyahan. Hindi ko na kinwestyun pa kung bakit ngayon lang niya ito sinasabi dahil gusto ko rin.
Binigay ni Mama ang araw at oras ng pagkikita naming mag-ama.
Nakarating na ako sa lugar kung saan kami magkikita ng aking ama. Tin-ext din sa'kin ni Mama kung ano'ng hitsura ng tatay ko, kung ano'ng suot at kulay.
Naka-itim na long-sleeve at medyo may kahabaan ang buhok.
I looked every corner of the place to know if he was already came and there I saw a man sitting back few meters away from me. Fit for the person I was looking for. And then suddenly, I felt my heart pounded. I stiffened. Don't know if I would step forward or runaway from that place.
Kinakabahan ako. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan. Dala ba ito sa pagkagusto kong makita siya at tanungin kung bakit wala siya sa tabi ko o ...sa sayang nararamdaman ko na sa wakas after how many years ay nakita ko na siya?
Naglakad na ako papunta sa inuupuan niya at binati siya.
"Hello po! Are you Simon Mark Hernandez?"
Humarap siya sa akin at medyo nagulat pa. He has a same features of face like me. Ang pagkahulma ng mukha, tabas ng ilong at pagkapungay ng mata. No doubt, he's my father! But one thing I noticed, mukhang balisa siya at hindi mapakali sa kanyang inuupuan. Malaki rin ang mga eye bags niya tandang wala siyang sapat na tulog. Tumango siya at ngumiti ng kaunti.
"O-oo. Sige maupo ka." Anyaya niya. At agad naman akong tumalima.
Naka-tungo lang ako at nakatingin sa lamesa. Hindi ako makatingin sa kanyang ng diretso dahil nahihiya rin ako sa kanya. Well, it is normal to feel that way.
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...