Chapter 17: The Man With A Reasonable Heart

10.4K 343 15
                                    

SYDNEY's POV

Habang nagwawalis ako dito sa gilid ng soccer field namataan kong nag-uusap sila bespren at 'yung Jason. 'Yung Jason na bumastos kay bespren. Hindi ko lang talaga maintindihan, kung bakit niya hinalikan si bespren eh.

Ano, dahil trip lang niya? Trip niyang humalik sa taong hindi niya kilala? Pero hindi rin ako sigurado kung hindi niya talaga kilala si bespren like WTF?! Manghahalik ka ba ng taong hindi mo kilala? Maski ako, kailanman hindi magagawa 'yan!

Ano pang sabi niya kanina, na nagagalit ako kasi hindi ako naka-una sa first kiss ni bespren? WTF again?! Binabastos niya talaga si bespren kaya hindi ko talaga napigilan ang sarili ko kanina. Kung hindi lang talaga dumating si Mr. Soriano kanina, pinaglalamayan niya na ngayon ang pangit niyang mukha!

Naiinis talaga ako ngayon, thinking na may bumastos sa bespren ko. Hindi ko na rin masiyadong maintindihan ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw! Parang gusto kong manapak!

Sa sobrang inis ko, nasipa ko ang mga pinupulot kong basura!

"Arrrggghhhh!"

Ba't ba ang daming kalat dito sa soccer field?! Hindi ba nila alam ang tamang tapunan ng basura?! Mahirap bang magtapon ng basura sa tamang basurahan?! P*tcha talaga oh?! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga tao kung umasta parang hayop! Kainis!

"Mukhang galit na galit ka ha?"

Bigla akong nagulat sa nagsalita mula sa aking likuran. Nilingon ko ito.

"A-angela?" Ani ko.

"Hi? What are you doin' here? And why are you taking those trashes?" Tanong niya.

"Ah.. May community service kasi kami kaya ginagawa ko 'to. Hehehe." Ani ko.

Ano ba 'yan?! Nakakahiya naman na nakita niya ako dito. Baka isipin niya, basurero ako sa lagay ko.

"Ah. Okay. By the way, are you free tonight?"

"Ha?"

Parang nabingi ata ako sa sinambit niya.

"I said, are you free tonight? You know, the last time we talked, I mean, we didn't much talk that day. I'm just thinking na... If we can continue our conversation. Kung okay lang sa 'yo."

"Ahm. Oo naman. Okay lang sa akin."

Bigla naman umaliwalas ang mukha niya.

"Great. Same time. Same place. Hehehe. I'm so happy na pumayag ka." Sabay hawak niya sa braso ko. Napatitig ako dito. Ano ba 'tong puso ko, ba't bumibilis ang tibok?

"Hehehe. Ako din." Tinanggal na niya ang kamay niya sa braso ko.

"Okay. Mamaya ha? Sige, mauna na ako. See you later." Sabay wink niya.

Kininditan niya ba ako? O imahinasyon ko lang 'yun?

'Yung kaninang inis na nararamdaman ko parang napalitan ng excitement. Ba't ba ako nae-excite sa pagkikita namin mamaya. Hindi kaya!

"Bes, tapos ka na?" Bigla naman ako nagulat sa presensiya ni bespren.

"A-ah..hindi pa, wait lang. Malapit na akong matapos." Inayos ko na ang mga basurang sinipa ko kanina.

"Mukhang masaya ka bes ngayon ha?" Tanong ni bespren. Bumaling ako dito. Bakit ganito ang expression ng mukha niya? Poker-face? Pero kita ko sa mga mata niya na naiinis siya.

"Ano'ng masaya? Hindi naman ha? Kailan pa naging masaya ang pagpupulot ng basura?" Ani ko.

Mukhang nakita niya ang pag-uusap namin ni Angela kaya ganyan ang expression ng mukha niya. Pero bakit?

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon