Chapter 29: Insensitive

9.1K 324 32
                                    

SYDNEY's POV

"Hindi ko kilala pre pero ang alam ko, mukhang may lahi 'yung lalaki. Para ngang classmate niyo iyon eh. Matangkad tapos may hitsura. Sinubukan ko ngang tawagin siya pero hindi niya ako naririnig. Medyo malayo din kasi ako nun sa kanya." paliwanag niya.

May kasamang lalaki si JC? May lahi, matangkad. May hitsura at tsaka...classmate namin? Sino naman kaya 'yun? Hindi kaya si...

Hindi pwede! Bakit kasama ni JC ang taong iyon? 'Di ba ang sabi ko sa kanya, huwag siyang lalapit sa lalaking "yun? Nag-iinit ang dugo ko! Feeling ko parang nangangati ang kamao ko.

"Kailan mo sila nakitang umalis?" gigil kong tanong sa kanya. Kinuyom ko ang kamay ko.

"Ah..kanina pa 'yung lunch. Bakit pare? May problema ba kayo ni JC?" alalang tanong niya.

"Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon! Kailangan kong makita si JC!" tinalikuran ko na siya para makaalis nang pigilan niya ako.

"Wait lang pre! Sasama ako! Sasama ako sa paghahananap kay JC." hindi na ako tumanggi pa kaya tinanguan ko na lang siya. Sabi ko nga kanina, kakainin ko muna ang pride ko para lang mahanap si JC. Kahit ngayon, parang sasabog na ako any moment dahil sa nalaman ko.

Si JC, kasama ang amerikanong-hilaw na 'yun? Ano namang balak ng lalaking iyon kay JC? Naalala ko tuloy ang nangyari dati.

Flashback

One year ago..

(Prom)

"Oh, bespren. Ba't ka nakasimangot diyan?" tanong ko kay bespren habang nakapangalumbaba siya. Inirapan niya ako.

"Tinanong mo pa 'yan talaga ah? Ano, dito na lang tayo? Gusto kong sumayaw dun! Huhuhuu! Nakakainis ka bes! Ba't hindi mo ko pinapayagang sumayaw? Inaya na ako ni Justin kanina?!" maktol niya na parang bata.

Nginitian ko siya. Ang cute talaga ni bespren kapag nagmamaktol siya nang ganito. Hindi ko kasi siya pinayagan nung inaya siyang i-sayaw ng dota boy na 'yun eh. Wala lang! Ayoko lang. Wala akong kasama dito kapag sumayaw siya dun. Maiiwan akong mag-isa dito. At tsaka, baka may gawing masama pa 'yung lalaking na 'yun sa kanya. Hindi ko mapagkakatiwalaan 'yun. Kaya hindi pwede.

Hindi ko kasi mahanap si Angela eh. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Sabi niya, pupunta siyang wash room pero hanggang ngayon, wala pa. Saan na kaya 'yung babe ko na 'yun? Gusto ko na siyang i-sayaw eh.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Diyan ka lang bespren! Huwag kang aalis! Huwag ka ring makikipagsayaw! Kukuha lang ako ng pagkain natin kaya stay put ka lang diyan."

Hindi niya ako kinibo bagkus lalung naging sambakol ang mukha niya. Ganyan lang bespren! Bawal ka pang magboyfriend, ang bata-bata mo pa.

Naglakad na ako papunta dun sa table kung saan nakaserve ang pagkain. Pagkadating ko doon, kumuha ako ng dalawang paper plate para sa 'ming dalawa ni bespren. Ang daming pagkain, for sure mabubusog si bespren nito. Nakakatuwa lang isipin na makita ang mukha niya habang lamu-lamon 'to. Alam kong gutom na 'yun. Hindi ba naman kumain kanina kasi excited siya sa prom na 'to.

Mabuti nga, sinama ng principal ang mga sophomores sa prom na 'to eh. Dapat kasi, juniors at seniors lang ang kasama pero nung ipanalo ng isang sophomore student ang isang geo-quizz-bee sa regional, ay nagdecide siya na isali na kami dito. Sophomores lang din ang nakapasok sa finals at wala man lang nakapasok na kahit isa man lang sa juniors at seniors kaya super thank you ang mga sophomores sa estudyanteng iyon.

Kumuha na ako ng pagkain. Spaghetti, maja blangka, pansit, leche plan at kung anu-ano pa. Mas dinamihan ko ang serving kay bespren para naman tumaba siya. Ang payatot kasi nung bespren kung 'yun eh. Ayaw kumain ng gulay.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon