Chapter 16: The Crazy Maniac

9.5K 323 25
                                    

JC's POV

Naglakad na ako ng mabilis at binuksan ang pintuan pagdating ko doon nakita ko siyang nakatayo. Naka-side-view siya. Nahuli na rin kita sa wakas! Lagot ka sa'kin ngayon! Hindi ka na makakawala. Pagbabayarin kita sa pagnakaw mo ng first kiss ko!!

"Sorry I'm late. May gina-"

"HOY! WALANG HIYA KANG MAGNANAKAW KA! NANDITO KA LANG PALA NAGTATAGO?! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA NAKAWIN ANG FIRST KISS KO! PAGBABAYARIN KITA SA GINAWA MO! Sigaw ko sa kanya.

Napalingon siya sakin at bahagyang nagulat.

"Ako? Magnanakaw? Ng ano ulit? Ng first kiss mo?" Ngisi niyang tanong. May pangisi-ngisi pa siyang nalalaman ah? Nagulat ba siya sa presensiya ko? Dapat lang. At dapat hindi niya ginawa ang bagay na 'yun!

Sasagutin ko sana siya nang may nagsalita.

"Bespren? Ano'ng ginagawa mo dito?"

Bigla akong kinilabutan sa narinig ko.

Si bespren ba 'yung nagsalita?

Nandito siya sa court?

At narinig niya ang mga sinabi ko?

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. At laking gulat ko nang makita ko ang mga taong nakaupo sa sahig kasama ni bespren. At hindi lang 'yun, may mga estudyante din sa taas na naka-upo.

Nagulat ba sila sa mga sinabi ko?

Maging ako, nagulat ako sa mga nakita ko? Ba't ang daming tao? Ba't hindi ko sila nakita at napansin kanina nu'ng pumasok ako dito? Ganun na lang ba ang eagerness kong makita ang magnanakaw na 'to thag I did not recognize them?

Nakakahiya!!!

Kung pwede lang sanang lamunin ako ng lupa ngayon! Lamunin na ako! Nagmamakaawa ko. Kung pwede sana, tawagin si Matteo Do at ihinto ang oras or si Doraemon, para pumasok ako sa time machine niya at pumunta sa oras bago mangyari ang nakakahiyang sitwasyon na ito! Please save me from this humiliation created by me!!

Hindi ako makagalaw. Na-rattle na rin ako mga nakikita ko. Speechless ang drama ko ngayon. Ano'ng gagawin ko?!!

Nakita ko na nagbubulungan na sila. Sigurado akong, ako ang pinag-uusapan nila. Siyempre naman oo! Isang estudyanteng pumasok sa isang court at nagsisisigaw tungkol sa pagnanakaw ng first kiss niya sa isang lalaking hindi niya kilala. 'Yan siguro ang headline sa page ng Gossip News bukas!

"Uy, Jason, hinalikan mo ba talaga siya?" Tanong ng isang lalaking kasama ni bes na nakaupo sa sahig.

"Oo nga. Ikaw ah? Iba na pala ang hilig mo ngayon!" Paggatong pa ng isa.

"Oo nga Jason."

"Manahimik niya kayo!" Pagtigil sa kanila ni bes. Nakatayo na siya ngayon.

Bumaling ako dito. Alam kong nagtataka siya sa mga sinabi ko pero alam ko rin na na-confirm na niya ang hinala niyang may sikreto ako.

Hindi na ako mapakali sa kinakatayuan ko. Gusto ko nang umalis sa lugar na 'to pero parang nanghihina ang mga tuhod ko't hindi ako makapagsimulang makalakad.

"Totoo ba ang sinabe ni bespren? Totoo bang hinalikan mo siya?" Nabigla ako sa tanong ni bes. Hala! Hindi pwede ito. Alam ko kapag tumanggi itong lalaking ito sa tanong niya ay aawayin niya ito. Alam kong magagalit siya dahil kilala niya ako, at naniniwala siya sa mga sinasabi ko. Pero, sabihin na nating 80% sure ako na siya 'yung magnanakaw na iyon. Pero ngayon, parang bumaba na sa 50%. Hindi na ako masiyadong sigurado.

Lumapit siya sa tinatawag nilang Jason.

Nakacross-arms lang 'yung Jason at si bes, naka-clench na 'yung fist.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon