Chapter 14: The Magnanakaw

9.3K 307 26
                                    

JC's POV

Pagdaan ko sa harap ng pintuan ng storage room, bigla akong nagulat nang may biglang humigit sa kamay ko at pwersahang akong pinasok sa silid na 'yun.

"Waaaaaaaaah! Mumu!!!!"

Pagkapasok niya sa akin sa silid na iyon, sinarado niya agad ang pintuan at ni-lock ito. Tinulak niya ako sa likod ng pintuan at kin-orner doon. Kinulong niya ako sa pamamagitan ng isa niyang bisig. Bigla akong nakadama ng takot sa kanyang ginawa. Sino ba namang hindi matatakot? Kanina, may narinig akong kaluskos banda sa desk ni Ma'am Dimaculangan, tapos nung tumatakbo ako may bigla-biglang maghihigit ng kamay ko, sinong hindi matatakot dun?

"S-sino k-ka?" Utal kong tanong dito. Hindi pa rin niya binibitawan ang isa kong kamay.

"Sssshhhhhh.." Pagsaway niya sa akin.

"Anong ssshhh? Sino ka ba talaga ha?" Tinry kong tanggalin ang pagkakapit niya sa kamay ko pero hindi ko matanggal. Ang higpit ng paghawak niya. Sino ba 'tong hunghang na 'to? Hindi ko maanigan ang mukha niya sapagkat ang dilim dito sa silid na ito. Nyemas! Baka rapist 'to!

"Huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa atin dito." Bulong niya sa tenga ko. Biglang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan ko sa pagbulong niyang iyon Shemay naman kasi, ang sexy ng boses niya. No. Erase. Hindi ngayon ang oras para lumande JC!

"Sino'ng makakarinig kung sakali? May pinagtataguan ka ba?" Tanong ko sa kanya. The fact na pinapatahimik niya ako, it means may pinagtataguan itong hunghang na ito!

"Sssshhh! Ang ingay mo!" Saway niya ulit sa akin.

"Ba't ba ayaw mong sabihin ha? Siguro.. Kriminal ka 'no? Hinahabol ka ng mga pulis kaya nagtatago ka dito?!! Omo! Kriminal ka?!" Pagbintang ko dito.

Omo talaga! Baka masangkot pa ako sa gulo nito.

"Hindi ako kriminal! Tumahimik ka nga! Kapag hindi ka tumahimik diyan-"

"Ano? Ano? Kapag hindi ako tumahimik anong gagawin mo? Papatayin mo ako? Sige, pero sisigaw muna ako bago mo gawin iyan! Tulong! Tulong! Nandito iyong hinahanap niyo!" Pagtawag ko ng tulong. Kailangan ko nang makakatakas dito mula sa lalaking ito. Baka patayin pa ako nito kung sakali, ayoko pang ma-tegi!

"Tulong! Tulong!"

"Hindi ka talaga titigil?" Gigil niyang tanong. Hindi ko siya sinagot bagkus ipinagpatuloy ko ang pagtawag ng tulong.

"Tulong! Tulong! Tu-" Hindi ko na natapos ang huli kong nasambit nang tinakpan niya ang bibig ko. Bwiset talaga tong lalaking ito! So, dahil sa ginawa niya hindi na ako makasigaw ng maayos.

"Tumahimik ka muna. Pwede?" Bulong bpa niya.

Hindi pwede ito. Kailangan may gawin ako, pero anong gagawin ko? E tinakpan ng hunghang na 'to ang bibig ko. Hindi tuloy ako makasigaw ng maayos.

Pero may isang bagay na pumasok sa aking isipan. This is the only way. I need to do this.

Tumigil ako sa pagsigaw at..

Kinagat ko ang isang daliri ng kamay niyang nakatakip sa aking bibig.

"Aaaaaah! Aray! Tama na!" Daing niya. Natanggal ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko. "Ba't mo ginawa 'yun?" Tanong pa niya habang namimilipit sa sakit.

"Tinatanong mo pa? Siyempre tinatakpan mo ang bibig ko!"

"Arrrgggghhhhh! Magbabayad ka!" Sabi pa niya. Lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.

Nagulantang ako sa ginawa niya.

"A-anong g-ginagawa mo?" Rattle kong tanong.

"Tinatanong mo pa? Siyempre, pagbabayarin ka sa ginawa mo!" Lumapit pa siya nang bahagya sa akin.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon