JC's POV"Uy bespren! Gising!" Naramdaman kong may yumuyugyog sa 'king balikat. Ano ba naman 'tong si Sydney?! Sabi ko 'wag nya akong istorbohin kasi gusto kong bumawi ng tulog eh.
Nyemas din kasi 'tong si Sydney. Pinuyat ako kagabi. Wait? Alam ko ang mga iniisip nyo, wala kaming ginawang kababalaghan. Nagmovie-marathon lang kami. Nanood kami ng Conjuring.
Wala daw kasi siyang magawa kaya pumunta sa bahay at kinulit ako para manood ng movie na 'yun at sirain ang beauty rest ko.
Magkalapit lang kasi ang bahay namin. Walking distance. Magkaharapan lang bahay namin. 'Di ba walking distance lang?
Sa sobrang lapit nga, halos gawin na nyang tambayan ang bahay namin, or should I say, halos du'n na siya tumira sa amin.
Wala naman daw kasing tao sa kanila. Siya lang mag-isa. Ang mommy niya kasi nasa Canada, OFW. Tatay niya? 'Di ko alam.
Bestfriend ko na siya since eight years old. Nung time kasi na namatay si Mama dahil sa isang car accident. Na hit-and-run siya at hanggang ngayon, hindi pa nahuhuli kung sino man ang may gawa sa kanya nun.
And because of that, nagdecide si Papa na lumipat ng tirahan, from Manila to Quezon City. Ang layo 'no? Ewan ko ba diyan kay Papa, sabi raw niya gusto niyang makalimot pero ang lapit lang ng pinaglipatan.
At du'n ko nga na-meet si Sydney.
Naaalala ko pa hanggang ngayong kung paano kami nagkakila. At dahil 'yon sa isang lollipop.
"JC, anak! Bili ka nga ng suka sa tindahan!" Pagutos sakin ni Papa.
Ba 'yan?! Naglalaro ako dito ng power-puff girls eh! Ang hirap talaga 'pag only child, ikaw lagi ang nauutusan. Kainish!
"Sige po Pa! Wait lang!" Inaayos ko na ang mga power-puff girls at pumasok sa loob.
Pagdating ko sa loob.
"Pa, nasa'n na po yung pambili?"
Kinuha niya ang mga barya at inabot sa akin.
"'Yan na. Bilisan mo, malapit na maluto 'yung sinaing. Susunod ko na 'to." Pagkaabot niya ay agad na siyang bumalik sa kanyang ginagawa.
"Ayy, anim na piso lang Pa? Pengeng piso? Bibili po akong favorite kong lollipop." Tapos nagpa-cute ako para bigyan akong piso.
"Ha? Ikaw talaga anak. Ang hilig mo talaga sa lollipop."
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...