JC's POV
"Ang tagal naman ni Sydney umihi. Umihi ba talaga 'yun? Baka naman nagka-LBM na 'yun ah?" Inip na tanong ni Selena.
"Oo nga JC. Puntahan na kaya natin?" Suggestion ni Justin.
Inip na inip na itong dalawa kong kasama kakahantay kay bes. Pero I don't blame them naman kasi pati ako, naiinip na rin dito. Almost thirty minutes na rin kami naghahantay rito. Nagsisimula na rin ang tumaas ang beastmode level ko. Average pa lang itong nararamdaman ko ngayon.
Ano bang nangyari dun sa lalaking 'yun? NagkaLBM ba siya, kaya ang tagal-tagal niyang gumamit ng banyo? Pero ang sabi niya kanina, naiihi lang siya. Baka may nangyari. Kapag hindi talaga valid ang reason niya, lagot talaga siya sa akin.
"Wait, tawagan ko lang ah? Kapag hindi sumagot, gora na tayo doon."
"Go JC. Inuugat na rin ako rito." Inip na utas ni Selena.
Iniripan ko lang ito.
I fished my cellphone from my pocket and dialed his number.
Calling Bes...
*ringback tone*
"The subscriber cannot be reached, please try again later."
"Nyeta! Hindi ikaw ang gusto kong kausap! Si Bes! Si Bes! Hindi ikaw! Bwiseet!" Singhal ko sa girl operator. Napabaling sa akin ang dalawa.
Sa inis ko, muntik ko nang maihagis ang cellphone ko, mabuti na lang talaga, napigilan ko ang sarili ko. Nakakainis din kasi itong si bes eh. Ang tagal niyang umihi, ano, may UTI ba siya kaya ang tagal tagal niya sa banyo? Tapos, tinatawagan, hindi naman sumasagot! Imbyerna!
Kundi lang talaga ako nahihilo, baka nagbeast-mode na ako rito. Moderate palang 'to. Ewan ko lang kung anong magawa ko kapag tumaas beastmode level ko. I can't imagine since hindi ko pa naman narereach ang peak level ng pagiging beastmode.
"Uy JC, sino'ng kaaway mo diyan?" Tanong ni Selena.
"Nothing. Halika na, sugurin na natin 'yung lalaking iyon!"
"Halikan na?" Pagtukso ni Justin.
"Huwag mo 'kong simulan Justin! Naku!" Hamon ko dito.
Siniko siya ni Selena.
"Huwag mo na ngang asarin. 'Lam mo naman na mainit ang ulo eh."
Tama yan Selena. Pagsabihan mo yang kapatid mo.
"Peace!" Sabay peace-pose ni Justin. Inirapan ko lang siya.
"Halika na nga nang makauwi na tayo. Lagot talaga 'tong si Sydney sa akin. Jojombagin ko talaga 'to nang bonggang-bongga!" Singhal ko habang papasok ulit sa school. Tinawanan lang ako ng dalawang kasama ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. Pinagtitripan pa ako ng dalawang ito, alam nilang BT ako ngayon.
Bago kami makapasok sa gate, may lumabas na dalawang estudyanteng nakauniform ng soccer, katulad nung nagbuhat kay Angela kanina. Mukha silang napa-away, ang kusot ng mga damit nila eh, including their faces.
We ignored them and continued to walk.
Papasok pa lang sana kami sa building kung saan naroon ang pinakamalapit ng banyo, na kung saan din nadoon ang clinic na pinanggalingan ko kanina, at kung saan din, nakita ng dalawang kong mga mata at pati na rin ang dalawang pang pares ng mata ng aking mga kasama,
NA AKAY-AKAY LANG NAMAN NI SYDNEY ANG DATI NIYANG EX.
Oo, caps lock yan para intense.
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...