JC's POV
Minulat ko ang aking mga mata. Napahawak agad ako sa ulo ko. Shit. Ang sakit ng ulo ko. "Arrrrgggghhhh!!!!" Ba't ba ang sakit ng ulo ko? Grabi, parang binibiyak ang ulo ko sa gitna. Ang sakit sakit talaga!
Nilibot ko ang paningin ko. Nasa sariling kong kwarto na pala ako. Ano ba'ng nangyari sa akin? Hindi ko matandaan! Hinilot ko ang sentido ko, pinipilit alalahanin ang mga nangyari sa akin kahapon.
Ang natatandaan ko lang: nakita ko kahapon si Gian, nagkwentuhan kami, and then..inaya niya akong uminom.
"Do you want to drink?"
"Ah? Drink? Hola! Hindi ako umiinom.."
"C'mon. Para na din mawala 'yang sakit na nararamdaman mo. To ease your pain just for awhile. Let's go...we have our own bar."
"Hehehe! Wala akong pera Gian eh. Alam mo namang estudyante pa lang tayo.."
"Don't worry. It's my treat. C'mon!"
Uminom ako ng uminom nun. Binibigyan ako ni Gian ng iba't-ibang inumin. Una tequila, pero nung sunod na, hindi ko na alam ang tawag basta ang alam ko, iniinom ko lang lahat ng ibinibigay niya sa akin, nakakahiya naman kasi kung tatanggi ako 'di ba? It was his treat nga taw. Ayoko naman siyang ma-offend kahit papano...and then..kinausap ko siya..naglabas ng sama ng loob.
"Alam mo ba kung paano kami nagkakilala ng bestfriend kong 'yun?"
"Hindi, paano ba kayo nagkakilala?"
"Nung bata pa kami, nakita ko siyang malungkot dun sa harapan ng tindahan ni Aling Nena. Tinanong ko siya kung bakit siya malungkot pero ang sabi niya 'Wala! Wala kang pakialam!' sabi ko ang sungit naman ng bata 'to pero hindi ko pa din siya tinigilan kaya tinanong ko ulit siya. Tinignan niya muna ako ng masama bago niya sinabi sa akin kung bakit siya malungkot. Wala pala siyang tatay nun..tapos 'yung mama niya, hindi raw uuwi kaya siya malungkot. Alam mo..halos parehas nga kami ng sitwasyon...kasi wala na akong nanay pero..may tatay ako. Binigay ko 'yung nag-iisang favorite kong lollipop sa kanya, gift ko sa kanya kasi malapit na raw ang birthday niya. Simula nung oras na 'yun, naging magkaibigan kami, hindi lang magkaibigan ah? Matalik na magkaibigan.."
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...