Chapter 19: Confession after Humiliation

10.7K 349 17
                                    

JC's POV

"Pa, nandito na po ako." Pagtawag ko pagkapasok ko sa napakaganda naming bahay. Hinubad ko ang sapatos ko't umupo sa sofa, isinandal ko ang ulo ko dito at bumuntong hininga ng napakalalim, 'yung kasing lalim ng Marianas Trench.

Shemay naman kasi! Nakakapagod ang araw na ito! Para akong nagswimming sa dagat ng emosyon. Ang daming nangyari, ang dami kong naramdaman sa isang araw, mix-emotion ba kamo ang tawag? Hindi lang mix, kundi pour, simmer, fried, at etc. Ano pa man ang tawag sa mga iyon, hindi mawawala ang katotohanang, mababaliw na ako kapag naramdaman ko iyon ulit sa isang araw. Tulad ng:

Una, 'yung humiliation na nagawa ko kanina sa loob ng basketball court. Myghad! I feel so humiliated. I feel so damn and it's my fault in the first place! Kung hindi lang talaga sa pesteng eagerness ko na makita at mahanap ang magnanakaw na iyon, I wouldn't end up humiliated by my own mistake in front of judgmental people. Ako na ang kahiya-hiya.

Pangalawa, 'yung pesteng Jason na 'yun! Nakakapika din kasi iyong lalaking iyon eh. Everytime na naalala ko 'yung last words na sinambit niya, kinikilabutan ako. 'Yung feeling na lahat ng buhok sa katawan ko tumataas kapag naaalala iyon (exclude the private part). Mygahd talaga! My first kiss was stolen by the school's-basketball-captain-kiss-stealer-crazy-maniac whose name is Jason! I wonder kung bakit ang haba ng bansag ko sa kanya, pero feel kong madadagdagan pa 'yan eventually.

And lastly but not the least, 'yung bestfriend kong TANGA! Capslock para intense, para damang-dama sagad-sagaran sa kanyang buto! Like what the hell?! Iniwan siya ng babaeng 'yun tapos isang kiliti lang bibigay na. Nakakainis siya! Hindi niya ba ramdam na naiinis na ako sa katangahan niya? So stupid! Not him but me. So stupid of me liking my one and only bestfriend.

Wtf?!! Omo!! Did I just say I like him?

Yes! I said that! And yes I'm certified baliw of answering my own question!

Well, come to think of it, it's way better, liking of him instead of choosing whether my feeling is infatuation or I am already in love with him. Ugh! Sasabog na ata ang ulo ko isama niyo na rin ang puso ko please lang?!

"Anak, problema bukod sa mukha natin?"

"Ayy butiking may lawit!" Napahawak ako ng de oras sa dibdib ko. Kinabahan naman ako sa presensiya ni Papa.

"Pa naman, next time naman, paabiso ka na na riyan ka na, hindi 'yung magsasalita ka agad-agad diyan na parang multo...lam niyo naman pong magugulatin ang napakaganda niyong anak." Singhal ko dito. Tumawa na lang siya sa mga nasambit ko.

"Magugulatin ka talaga anak, tulad ng Mama mo. Hahahaha! Pero ano'ng problema bukod sa mukha natin?"

"Pa! Ano'ng sinasabi mong problema bukod sa mukha natin? Bakit may problema ba sa mukha natin? 'Ang ganda-gandang nilalang natin, 'wag mong..sabihing.. Omo! Hola si Papa?! How so mean of you?!"

Napatawa na lang si Papa sa kaartehan ko.

"Ang sabi ko, anong problema bukod sa mukha nating napakagwapo't napakaganda, binibigyan ka ba ng problemang ng napakaganda mong mukha?" Sambit niya. Umupo siya sa tabi ko.

"Wooah si Papa, nailusot mo pa iyon ah? Galing natin magpalusot ah? 'Lam ko naman po ang tinutukoy niyo Itay. You can't fool me. He-he-he-he." Peke kong tawa.

"Biro lang anak. 'Di, seryoso? May problema ba anak?" Tanong niya. Tanaw ko sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Isang bagay na ipagpapasalamat ko sa buhay ko ay ang pagkaroon ng tatay gaya niya. Kung napasama siguro siya sa aksidente nung gabing iyon baka, nasa Mental Hospital ako lumaki. Baka nabaliw ako ngayon. Pero, baliw na ako di ba? Certified na nga eh. Ugh!

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon