JC's POV
"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Sydney habang relax na relax na naka-upo sa sofa namin habang nanonood ng replay ng NBA Finals. Pirming-pirmi si bes. Ganyan yan! Feel at home na talaga. Kulang na lang kunin nya ang mga gamit nya at dito na tumira.
"Pake mo?" Mataray kong sagot.
Tinignan niya ako ng masama. "Sa bahay ni Selena." Sagot ko habang inaayos ko ang mga materials na gagamitin namin mamaya para sa project namin sa English. Pairing kasi ang pagpasa ng project na ito.
Nanggagalaiti nga ito kasi, hindi siya ang nabunot ko. Lakas ko kasi kay Universe!
"Okay class! Listen up." Pagsaway ni Ma'am sa amin.
Taray ni Ma'am may pa 'listen up, listen up' pang nalalaman. Pwede namang listen na lang. Tignan mo 'yow' na next ngan.
"I will be giving you a project and it's pairing. Isn't it amazing?" Tanong niya habang nakataas ang on-flick nyang kilay. Naghiyawan naman ang buong klase dahil dun.
Pairing nanaman. Sana hindi na talaga si bes ang makapartner ko. Lagi na lang kasi siya ang kapartner ko tuwing pairing ang paggawa ng project. Nakakaumay na. Ikaw ba naman, buong taon, siya laging kasama mo, tingnan nating kundi ka maumay.
"Okay, but you have to pick your partner first from this fish bowl."
Yes! Sure na tong hindi ko mabubunot si bes! Pero sana hindi talaga siya kahit ngayon lang.
"Ako ang bunutin mo ha?" Sabi ng katabi kong pampam.
"Ayoko nga!" Pagtanggi ko.
"Kailangang ako ang piliin mo!!" Daing nya.
"Well, bahala na ang kapalaran." Sabi ko. Tapos tinignan niya ako ng masama. Heto nanaman siya! Umiiral nanaman ang possessiveness niya.
Kaashar!
"When I call your name, come here in front and pick your lucky partner... Abante, Jessica!" Lumapit na si Jessica at bumunot.
"Sinong nabunot mo?" Tanong ni Ma'am. "Si.. Villanueva po." "Okay Villanueva!"
![](https://img.wattpad.com/cover/83404255-288-k574808.jpg)
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...