JC's POV
"Sumagot ka bench. Kinakausap kita. Bakit ba kailangan ko pang maramdaman itong punyetang feelings na 'to? At sa bestfriend ko pa? Ang daya mo naman eh! Sagutin mo ako! Speechless ka ba kaya hindi ka makapagsalita diyan! Ha? Ha! Suplado! I hate you! Para kang si Sydney! Manhid, kainis kayo! Magsama kayong dalawa!" I crossed my arms. Nababaliw na talaga ako. Pati upuan inaaway ko. Baliw. Baliw. Baliw.
"Sino'ng manhid?"
Napatayo ako sa sobrang gulat ko. Biglang nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa aking likuran.
Mygosh!
Hindi pwede ito!!!
Dahan-dahan akong humarap sa taong nagsalita. Nakangiti ang pagbungad nito sa akin. Hindi pa rin ako makapagsalita. It's been a long time that we've seen each other.
"Hi! Miss me Mr. Carreon?" Bati niya sabay kaway.
'Yung kaninang paninigas ng katawan ko ay bumalik na sa normal.
I sighed. Kinabahan naman ako du'n.
"Hayy! Salamat naman Doc na ikaw 'yan." I said with relief tone. Masiyado lang ata akong pre-occupied sa nangyayari kanina sa amin ni Sydney napagkamalan ko tuloy na si Sydney 'tong si Doc James. Naghahallucinate ata ako.
"Bakit, may pinagtataguan ka ba?" Takang tanong niya. Umupo ako ulit sa bench at siya ring upo nito. Ganun pa rin siya, gwapo. Pero hindi na siya ganun kalungkot katulad nung last time na pagkakita namin. Well, basically, it was our first meet up though. Ngayon, medyo umaliwalas na ang mukha nito. Nakamove-on na kaya ito?
"Uy!" Pagkuway niya. "Natulala ka nanaman sa kagwapuhan ko. Hindi ka pa rin nagbabago." Sambit niya sabay ngiti.
"Makapagsabi naman 'to ng 'hindi ka pa rin nagbabago' parang magkilala na tayo ng matagal ah? Isang beses pa nga lang tayo nagkita." Singhal ko dito.
"Well, this is the second time, isn't it?" Ngumiti ulit siya. Hola! Parang ang saya talaga nito ah.
"Oo na lang." Pagsuko ko. Umayos siya ng upo at tumitig sa isang puno.
"How's your oplan? Was it going well? Did you already find out now?" Tanong niya.
Ah! Oo nga! The Oplan: Finding The Truth! Halos makalimutan ko na 'yun ah. Mabuti ipinaalala niya ulit.
"Right timing talaga ang pagdating mo doc! Alam mo, kung dati kailangan ko ng Cardiologist, ngayong, parang kailangan ko nang magpatingin ata sa isang psychiatrist!"
Bumaling ito sa akin. Nagtataka ang expression ng mukha nito.
"Psychiatrist?" Tumango lang ako. "Bakit mo naman kailangang magpatingin sa psychiatrist? Nababaliw ka na ba?"
"Oo! Nababaliw na ako! Baliw na ako! Baliw na baliw na ako!" Sambit ko dito na parang nababaliw. Hindi siya nagsalita. Mataman lang niya ako pinakinggan. As if, tinitimbang niya ang mga sinasabi ko at mga sasabihin niya.
"Nababaliw na ako. Nung nakaraan, hindi ako makatulog kakaisip kung bakit hindi ako nagulat sa mga nalaman ko tungkol kay Sydney kasi nga sabi mo 'di ba, if I found myself surprised by the things I don't have knowledge about him then I am infatuated. So, I did not surprise then, I'm in love. After that, I got a message from him, greeting me a good night and with that message, at the last part of it, there was 'Mwaaah' with a kiss mark and I didn't sleep well in that night thinking that, why did he need to put a kissmark if he's just greeting me a goodnight? That's so odd.." Bumaling ako dito. Ganun pa rin ang expression ng face niya, it's like he's interesting with my agendas.
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...