SYDNEY's POV
Tumingin ako sa orasan na nasa aking harapan. 8:49PM na pero wala pa rin si Bespren. Tinatawagan ko siya pero hindi niya naman sinasagot. Tin-ry ko na ring tawagan si Selena pero hindi ko naman siya ma-contact. Saan ba sila pumunta para hanggang sa oras na 'to ay hindi pa sila umuuwi? May nangyari bang masama sa kanila? Hindi. Hindi. Walang nangyaring masama kay Bespren! Huwag kang mag-isip ng ganun.
Hindi na ako mapalagay sa aking inuupuan. Bakit kaya nagmamadali si Bespren kanina? At hindi pa sinabi sa akin kung saan sila pupunta. Kinuha ko ulit ang cellphone ko't di-nial ang number niya ngunit nari-ring lamang din ito. Nakakainis naman oh! Why isn't he answering his phone? And why is he rejecting my call?
Kung hindi ko lang siya pinayagan kaninang umalis o kung sumama ako sa kanya kanina, hindi ako mababahala nang ganito. Pero ang hindi ko lang din maintindihan ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. I feel agitated, and sometimes I feel bother whenever I'm not seeing him around. I mean, ganito din naman ako dati sa kanya pero parang mas lalong lumala ata ngayon. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Siguro dahil 'to sa Jason na 'yun. Nung time na umamin siya na may gusto siya kay Bespren naging ganito na ang naramdaman ko. Feeling ko aagawin niya sa akin si Bespren pero...hindi naman sa akin si Bespren 'di ba?
Bespren ko siya kaya natural lang ang nararamdaman ko di ba?
Ganito na ako since my childhood times. Ang akin ay akin lamang. Huwag mong kunin kung ayaw mo ng away. Ayokong may kumukuha ng pag-aari ko. I tend to be possessive for the things I own. Kaya siguro ganito ako pagdating kay Bespren. Kung nu'ng una, iniisip kong kapatid ko siya kaya ganito ako kahigpit sa kanya, ngunit ngayon....hindi na.
Tumayo na ako sa aking inuupan at pumunta sa kwarto ko upang kumuha ng jacket. Hindi pwedeng nakaupo lang ako dito't naghahantay na dumating siya, baka may nangyari na sa kanyang masama. Pagkakuha ko dito, agad ko na itong sinuot at naglakad na palabas. Pagtapak ko sa labas ng pintuan, naanigan kong may taong nakatayo sa labas ng gate namin, isang pigura ng babae. Binuksan ko ang gate at lumabas.
"Miss, sino sila?" Tanong ko dito. Humarap ito sa akin at bigla akong nagulat sa presensiya niya.
"Hi, Sydney?" Bati nito at nginitian ako nito.
"A-angela? A-anong ginagawa mo dito?" Utal kong tanong. Ano'ng ginagawa niya dito sa ganitong oras? Napadaan lang ba siya dito o sadyang hinahantay lang niya akong lumabas kaya hindi siya kumatok?
"I'm just waiting here for someone." She said then curled her hair in the back of her ear.
"Ah...Sino namang hinahantay mo?" I flashed a forced smile. I really need to go. I have to find Bespren. Ano'ng oras na pero hindi pa siya umuuwi. Nag-aalala na ako.
"Someone who's standing in front of me." She gave me a smile with an obviously look.
Okay. Huwag tanga Sydney. Nakatayo siya sa harap ng bahay mo. Sino pa ba'ng ine-expect mong hantayin niya kundi ang may-ari ng bahay, walang iba kundi ikaw.
"Ahm. Angela...can we talk some other time? I really have to go, please?" I pleaded. I stepped forward trying to escape from her but suddenly, she held my hand tightly. I looked at her sad face.
"Wait, Sydney! Can you just hear me out? I know I did something wrong before leaving you behind for lame reason. And I know you resented me for doing that to you. And I'm really sorry. I asked you how many times to get back to the way we used to be and I would ask you over and over again...Can we get back?" She pleaded with her teary-eyed.
Hearing this from her, makes my heart flutter and I really don't know what's happening to me, I know that I don't love her anymore but what is this I am feeling right now?
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...