JC's POV
Gulong dito. Gulong doon. Gulong sa kanan, gulong sa kaliwa. Gulong every where. Repeat the cycle.
Nyemas naman oh! Ba't hindi ako makatulog?!
Kanina ko pa iniisip yung sagot ni bes about dun sa Mani kanina. Pero not that, kung bakit mas gusto niya ang mani over hotdog ah, ang iniisip ko is, bakit hindi ako na-surprise sa sinabi niya? Di ba infatuated lang ako sa kanya? So, dapat na-surprise ako dun', pero unfortunately, HINDI!
The fact that I wasn't surprised by his answer really makes me hard to fall asleep. Arrrggghhh! Didn't I expect him to answer in that way because he's absolutely a boy? So, bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang gulo naman talaga oh!
"Know everything about him then find yourself surprised by the things he does or says, then you are infatuated.."
Punyemas!
Please, JC! Matulog ka na! May pasok ka pa bukas! Stop thinking about it, please.
Hayy! Kung pwede lang sana kontrolin 'tong katawan ko, you know, like robot, pag ayaw mo nang gamitin pwede mo ng i-turn off. Tapos magshu-shut down na ang buong system. Sana nga, naging robot na lang ako 'no, para hindi ko na nararamdaman 'tong letseng dugdug na 'to sa puso ko! Gusto ko na lang talaga i-shut down 'tong system ko.
Bwiseeeet!
*beep..beep*
Naramdaman ko na lang na may nagtext sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko from the table beside my bed.
1 Message from Bes.
Oh, ba't nagtext pa 'to? Hindi rin ba siya makatulog? Iniisip din ba niya ang sinagot niya kanina?
Ipiniling ko na lang ang ulo ko. Tama na nga ang pag-iisip about sa mani.
Basahin ko na nga ito.
"Good night bespren! Mwaah 💋!" - Bes
Napabangon ako sa nabasa ko.
Bakit may kiss mark?
Kung maggogoodnight lang siya, bakit kailangan pa ng Mwaah? Tapos kiss mark in the end?
Putspa! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dati pa naman siya ganito ah? I touched my left chest.
Ito nanaman siya, nagdudugdug nanaman siya. Simpleng text lang 'yun ni Sydney, naaapektuhan na ako. Paano pa kaya 'yung ibang gagawin niya? Baka magka-heart attack na ako dito!
-
Kinabukasan. Zombie mode ang lola mo. Bangag. Ngarag. Ang mga mata ko, nagdala pa ng maraming bags kaya heto, mukha na akong panda. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi kakaisip kung anong meaning nung kiss mark sa message ni bes kagabi.
Gusto ko sana siyang tanungin about it, pero I control myself, baka ma-discern pa niya na, you know, may iba na akong narararamdaman towards him. Kaya, hanggat maaari, silent mode muna ako.
"Bespren okay ka lang ba? May sakit ka ba?" Tanong niya sa akin sabay sapo sa noo ko, iniisip niya siguro na may sakit ako. 'Oo, may sakit ako, sa puso!' Gusto ko sanang sabihin pero cheret leng. Baka paghinalaan ako ng lolo mo.
Maya-maya, sinapo niya na rin ang noo niya, tinitignan kung parehas kami ng temperature.
Then, suddenly..
It seems like, everything was in slow motion.
Hala!
Ba't ang gwapo ni Sydney ngayon?
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...