JC's POV
Isang linggo. Sa isang linggo lang, ang dami ng naganap sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na 'to. Hindi ko lang maintindihan talaga! I really need to understand it! Mygahd! Can't believe this!
Pagkatapos ng breaking-heart-scene moment namin ni Bes, -ayy hindi, let me rephrase that, breaking-heart-scene moment ko with Bes nung araw na iyon, na hindi ko akalaing mapapaiyak at masasaktan ako ng mga salita niya without his knowledge about it and I know exactly and absolutely that he didn't intend to do it. Ako lang naman 'tong ma-drama, masiyado ko atang dinamdam ang pagiging heart broken ko, first time ko brad!
First time kung ma-inlove at first time kong masaktan. How unfortunate am I 'di ba? Hindi ko nga alam kung paanong umaktong hindi awkward everytime na nandiyan siya 'noh, ang hirap kayang magmukhang okay sa harap ng taong dahilan ng pagiging hindi mo okay. Pero back to the things I confused about, si Bes, he's getting more strange each day! I mean...paano ko ba sasabihin 'to? Minsan kasi...ayy hindi, madalas na pala, after that scene, he's a bit clingy. Ewan ko lang ah, hindi ako assumera o umaasa, pero totoo ang sinasabi ko!! Hindi ako sinungaling!
One time, habang nanood siya ng tv sa amin-like he usually does bigla-bigla ba namang nanghihila at pinipilit akong manood ng tv kasama siya. Hindi naman sa nag-iinarte ako or what, I have my reasons, hear me out first before you judge. Una, hindi ko type 'yung pinapanood niyang basketball, siya lang namang 'tong fond ng basketball 'noh so ba't kailangan pang kasama akong manood nun 'noh!
Pangalawa, awkward ako sa presence niya kasi everytime na hahawakan niya ako o titingnan, nagkakaroon ng malisya para sa akin! 'Yung feeling na, parang mapapaso ka sa simpleng hawak niya lang sa'yo. Ganun ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Pinipilit ko ngang umiwas pero hindi ako makaiwas kasi siya naman 'tong lapit ng lapit. Ang hirap talagang ma-inlove sa bestfriend mo 'noh?
At huli, may gagawin rin ako nung time na 'yun, sinabi ko din sa kanya 'yun! Pero ang hunghang hindi naman nakinig, sabi niya, mamaya ko na lang daw gawin at gusto niyang nasa tabi niya lang ako. Ang strange 'di ba? Hindi pa natatapos diyan! Habang uncomfortable akong nanonood kasama siya, siya namang lapit sa akin, ilalagay ang ang braso sa balikat ko dahilan upang lalo akong maging hindi komportable sa kanya. Parang ewan talaga siya! Swear!!
Meron pang isa. Pinipilit niyang matulog dito sa bahay! Actually, wala naman akong problema kung matutulog siya bahay kasi natutulog naman siya dito eh pero 'yung dito siya sa kwarto ko matutulog? Iba na 'yun?!! At tatabi pa siya sa akin? Wtf??!! Hindi ko na nga mapigilan ang sarili ko kapag nandiyan siya tapos, matutulog pa siyang katabi ko?!! Ayy 'teh! Baka mamatay na ako ngan ng maaga. Hindi ako pumayag. Siyempre! Dalagang Pilipina ata 'to!
At last na talaga 'to. Ito 'yung part na na-confirm kong, he's a bit clingy, o sige na, hindi na bit, clingy na talaga siya. Heto na nga, wala kasi si Papa nung araw na 'yun, kaya mag-isa ako sa bahay, wala pa siya nu'n. Ang akala ko nga, nagbasketball siya eh, nasa bahay lang pala niya. So 'yun nga, habang nahuhugas ako ng plato, habang pakanta-kanta ako ng 'Paano Na Kaya', which is fit sa sitwasyon ko, ang hunghang bigla-bigla na lang nang yayakap sa likod!
Ayy 'teh talaga! Hindi ko alam ang gagawin ko nung araw na 'yun. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko nun. Tinry kong umalis sa pagkayakap niya pero bigo ako. Hinigpitan pa kasi lalo ng hunghang 'yung yakap niya sa akin. Siyempre, kahit rattle ako nung time na 'yun, tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa 'yun, alam mo kung anong sagot ng hunghang? Ang sabi lang naman niya, "Bakit? Hindi ko ba pwedeng yakapin nang ganito ang bestfriend ko?" Ang landi 'di ba —este, ang clingy di ba?
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...