Chapter 20: Hurting

10.1K 320 23
                                    

JC's POV

"Gusto kita JC kaya kita nagawang halikan nung gabing 'yun."

"Aray! Ano ba bespren! Dahan-dahanin mo nga!" Singhal ng hunghang nang hindi ko sadyang napadiin ang bulak na may betadine sa kanyang sugat. May sugat kasi ang hunghang kaya ginagamot ko.

"Sorry, sorry.." Hindi ko naman kasi makalimutan ang sinabi ng pesteng Jason na 'yun eh. Pagkatapos ng insidenteng iyon kanina, na-principal office ang dalawa at na-suspend. Mabuti nga, isang linggo lang daw kasi isang linggo na lang din periodical test na. Pagkatapos nun, umuwi kami, ayaw niya kasi magpa-clinic pa, nakakababa daw ng pride. Sabeeeh?!

Ang baluga kasi ng lalaking ito eh, nanunugod na lang nang bigla. Ang sabi naman daw kasi ni Jason, o 'yan na, tinawag ko na siya sa pangalan niya. Ang haba kasi ng bansag ko eh. So 'yun nga, ang sabi niya, hindi daw siya nagpost o may pakana ng pagpost ng video kasi maging siya, napahiya din. Napahiya talaga.

Pero hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya. Siya? May gusto sa akin? Kaya niya ako hinalikan ng gabing iyon kasi may gusto siya sa akin? Imposible! Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi pero nagconfess kasi siya, sa harap ng maraming tao! At sabihin na nating niloloko niya lang ako, ano'ng mapapala niya? Hindi naman ata siya magkakapera at kung tutuusin nga, lalo pa siyang mapapasama sa sinabi niya eh. Kaya 'yan talaga ang bumabagabag sa isip ko. Nakaka-stress! Kaloka!

"Kasalanan mo 'yan, sugod kasi ng sugod eh." Nilagyan ko pa ulit ng betadine ang isang sugat niya malapit sa kaliwang kanan. "Minsan nga bes, kontrolin mo 'yang temper mo. Tignan mo, nasaktan ka tuloy!" Para tuloy akong isang nanay na pinapagilatan ang isang mainiting-ulong anak.

"Siya naman may kasalanan eh. Pinahiya ka niya!" Napatitig tuloy ako dito sa sinambit niya. Kulit talaga. Diniinan ko ulit ang paglagay ng gamot.

"Aray! Bespren! Sabing dahan-dahanin nga eh."

"Sabing hindi siya may pakana nung pagpost ng video eh at tsaka, nung naabutan mo siya sa Student Affair, nagreport din siya dun sa dean. Kulit mo talaga!"

"Kahit na! Siya pa rin ang puno't-dulo ng lahat ng 'to. Teka lang, ba't mo ba pinagtatanggol ang lalaking iyon? Ako ang bestfriend mo, dapat sakin ka pumanig!"

"Una sa lahat bes.." Binaba ko ang bulak at kumuha ulit ng isa pang bulak at nilagyan ng alcohol. "..hindi ko siya pinagtatanggol. Pangalawa, ikaw ang sumugod du'n, masiyado kang padalos-dalos, tingnan mo ngayon, na-suspend ka tuloy!" Dadapo na sana ang bulak sa kanyang sugat nang hawakan niya ang kamay ko't pinigilan ito. Napatitig ako dito, gulat ko na lang na nakatitig siya sa dalawa kong mga mata na parang may sinasabi. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko sa ginawa ng hunghang.

"Ginawa ko 'yun para sa 'yo. Ayoko nang nasasaktan ka ng ibang tao."

Pesteng pusong ito! Naririnig ko nanaman ang dugdug na 'yan! Ba't ganito si bes? Parang siyang ewan! Nyemas naman oh!

"Pero...nasasaktan ka nang dahil sa akin. Huwag ka ngang parang ewan diyan bes."

Tinuloy ko na ang pagdampi ng bulak sa sugat nito at napa-aray naman siya. Syempre, mapapa-aray talaga siya, alcohol ito eh. Binitawan niya ang kamay ko't nagsalita nanaman.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Tumunganga? Magpanggap na hindi ko alam ang nangyayari? Ano pa't naging bestfriend mo ako kung hindi kita ma-protektahan."

"Ma-protektahan talaga bes? Wala namang nanakit sa akin, verbal lang 'yun, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Ganun lang 'yun."

"Kahit na bespren! Ang kulit mo! Sa gusto kitang protektahan bakit ba?!" Napaayos siya ng upo. Napa-ayos din tuloy ako ng upo.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon