Chapter 22: Happiest to Saddest

9.5K 361 48
                                    

JASON's POV

"Sige, pupunta ako." Binaba ko ang tawag at humiga sa malambot kong kama.

Tumawag sa akin ang kaibigan kong si James. Iniimbitahan ako sa isang date, and guess who kung sino....? Sa taong nagugustuhan ko lang naman, walang iba kundi si JC. I smiled when the thought of him, having date with him, crosses my mind. Kinikilig ako na parang ewan dito sa loob ng kwarto ko.

Heto na talaga. Mangyayari na rin sa wakas ang matagal ko nang hinahantay. Ang maka-date si JC. Sa una, hindi ko alam na magkaibigan pala 'tong si James at si JC. Tumawag siya sa akin kanina, asking me na makipagdate. Sa una nga, tumanggi ako kasi may gusto akong isang tao (at alam niyo naman kung sino 'yun), pero nung nalaman kong si JC ang makaka-date ko, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, um-oo na kaagad ko. Nung una nga, hindi alam ni James na may gusto ako kay JC, (although alam niyang bisexual ako), not until mapanood niya 'yung video ng confession ko sa harap ng maraming estudyante.

Nagulat nga siya na may gusto ako pala kay JC kasi na nagkataon na magkaibigan din pala sila. I told so much about JC to him. How, why, and when did I like him. Biniro pa nga ako ng ogag na may gusto siya dito eh pero mabuti na lang talaga, binawi niya. Kung sakaling may gusto 'tong si James kay JC panigurado, hindi siya papatalo. Siguro, may competition na sa'ming dalawa sa puso ni JC ngayon.

Ganito talaga kaming magkaibigan since elementary up to now. We compete for something or should I say, we compete "once" for someone. First year kami nu'n nung magkagusto kami sa isang babae, una ko siyang nagustuhan at sumunod naman siya. The thing is, when we knew about our mutual like for that girl, we became eager to get the "oo" of the girl. But then, in the end, we both ended up loosing that girl 'coz this girl whom we both like, knew about this..and take note, she knew it all along! So, the competition of getting the girl's OO, was over. Then, we decided not to like or love same person because it almost ruined our friendship and we do not want that to happen. We have this brother-sibling relationship kaya support kami sa isa't-isa.

Back to JC. Nung time daw na ikwenento kay James ni JC ang tungkol sa pagkuha ko ng first kiss niya hanggang sa confession ko dito at nung na-heart broken siya sa bestfriend niya. Alam ko naman na sa una palang na may gusto si JC kay Sydney dahil kita ko sa mga titig nito at kilos na may iba na siyang nararamdaman para sa bestfriend niya. Si Sydney lang namang 'tong manhid para hindi maramdaman na may gusto sa kanya ang bestfriend niya.

Siguro, hanggang befriend lang talaga ang tingin ni Sydney kay JC pero base sa sinabi sa akin ni James na hindi pa nga umaamin si JC kay Sydney tungkol sa nararamdaman niya, gustong kong i-prevent ito. Prevent JC of admitting it to his bestfriend because I don't want to hurt him more by his so-called Bes. Hindi naman sa pagiging selfish, siguro ganito ata ang mga nagmamahal, nagiging selfish tayo sa mga taong mahal natin. We want them only ours. At Mabuti na lang talaga na matalino 'tong si James at naisip niyang may gusto ako kay JC kaya sinu-ggest niya dito na makipagdate muna sa iba baka "daw" magbago pa ang nararamdaman ni JC. Well, I hope so and praying for to happen.

Kaya nga nu'ng tumawag sa akin si James kanina, walang mapagsidlan ang saya ko. Sobrang excited na ako sa date ko bukas with JC at the same time, kinakabahan. Simula kasi nung nagconfess ako sa harap ng maraming tao, nawalan ako ng lakas ng loob na lumapit sa kanya, hindi dahil sa nahihiya ako na na-expose sa public ang pagkagusto ko kay JC kundi, nawalan lang talaga ako ng lakas ng loob kaya for the whole week, nagpapadala ako sa kanya ng bunch of chocolates. Kahit sa paraan na 'yun, ma-express ko ang pagmamahal ko sa kanya, even though he doesn't know na ako ang sender nung chocolates at least maramdaman niyang may nagkakagusto sa kaniyang ibang tao kahit hindi siya gusto ng taong gusto niya.

Nang makarating ako sa restaurant na magiging meeting place namin sa date namin ni JC, nang ayos na ayos ang porma, nakita kong naka-upo na ang matalino kong kaibigang si James. Early bird talaga 'tong kaibigan ko.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon