JC's POV
"K-kapal naman ata ng mukha mo, a-ako? May gusto sayo?? Oh c'mn!'
"Pwes, kung hindi totoo ang mga sinabi ko, let's test you if you really not.."
Dahan dahan pang nilapit niya ang mukha niya.
Isang pulgada na lang at mahahalikan niya na ako.
Is he really going to kiss me?
Magpapadala ba ako dito.
Maya-maya, namalayan ko na lang na pumikit ng kusa ang aking mga mata. Para bang sinasabi ng isip ko hindi ko gusto pero ang katawan ko bumibigay sa temptasyong ito.
"Gotcha!"
Ano daw? Anong Gotcha? Pinagsasabi nito? Dinilat ko ang aking mga mata para malaman kung anong ginawa niya. Bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha.
Nakingisi siya. Ngising tagumpay. Ano bang iniisip nito? Akala ko ba itetest niya ako ngayon kung may gusto ba ako sa kanya o wala? Nilapit-lapit pa niya ang mukha niya sa akin, tapos sasabihin lang niya 'gotcha'? Akala ko pa naman hahalikan niya ako.
Maya-maya, naramdaman ko na lang na hinablot niya ang laptop ko galing sa likuran ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
Omo!
My laptop!
He just fooled me.
He just tricked me.
He trapped me!
Niloko niya ako at nagpaloko naman ako!
Sinabi niya lang iyon para mabaling ang atensyon ko sa pagtago at pagkapit ko sa laptop ko at mapunta ang atensyon ko sa kanya. Binitag niya ako. At ang tanga ko naman para mahulog sa bitag niya. Sinungaling!
Omo! My laptop! Actually hindi iyong laptop yung pinaglalaban ko dito, kundi yung, sikreto ko mygosh! Punyemas talaga! Bakit ko pa kasi naisipang magsearch ng walang kakwenta-kwentang bagay eh, tingnan mo ngayon JC, mapapahamak ka pa ngayon! At baka ngayon na niya malaman ang Precious Secret mo na pinakatago-tago mo sa loob ng ilang linggo!
"I got you there bespren. Ang dali mo palang matrick eh. HAHAHA!" Pagtukso niya.
Tinry kong abutin ito mula sa kanya ngunit mabilis ang reflexes ng hunghang kaya madali niya ito naitaas sa ere.
Okay. Give up na JC.
There's no way you get your "precious secret" from that f*cking tall man! Tingnan mo, almost six feet 'yang si Sydney tapos ikaw? Ano, five flat lang. Sinusumpa ko talaga ngayong araw na 'to ang katawan ko, sa pandak kong ito, it would be hard for me to get my lappy from the hands of my bestfriend whose name is LETSE! Muli akong tumalon at tinry na abutin ito pero failed pa din ang lola mo.
"Ibalik mo nga 'yan bes! Naiinis na ako! Kapag hindi mo 'yan binalik.."
"Kapag hindi ko 'to binalik, ano'ng gagawin mo? Sasaktan mo 'ko? Then go! Pero hindi mo ako mapipigilan na buksan itong laptop mo! Alam kong nandito ang pinakatatago mong sikreto!" Paghamon niya.
Binigyan ko siya ng death-glare pero nagbleeh lang ang loko. Childish!
Wala na akong nagawa kaya tumalon ako ng tumalon gamit ang natitirang kong lakas. Pero ang loko, siyempre, ayaw patalo, nagtatatakbo at tinataas baba ang laptop ko. Sa tuwing ibababa niya ito, inaabot ko pero siya, tinataas naman. Kapag nasa taas naman, super jump ang lola mo.
Tumakbo nanaman siya. This time, nasa kama nasa siya. Hinabol ko siya pero bumaba nanaman siya ulit.
Talon.
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...