Chapter 13: Bestfriend's Quarrel

10.1K 320 23
                                    

 JC's POV

Silence. A situation, state, or period of time in which people do not talk. And one word can describe our ambience right now. Ni isa sa amin walang nagsasalita na para bang nalunok namin ang aming mga dila nang kami'y magkadapuang palad.

Si Angela, hinahalo lang ang kapeng in-order nila kani-kanilang. Si bes, nakatingin lang saakin ng masama para bang nagsasabing, 'bakit mo kasama ang lalaking iyan'. Si Doc James naman, speechless. Bakit kanyo? Kanina pinag-uusapan lang namin ang ex niya tapos heto, ta-da!

Nasa harapan na namin siya. Galing talaga ni tadhanang makipaglaro no? Akalain mo, si Angela pala ang ex ni doc James, at well, sa nalaman ko from doc James, in the first place, hindi naman pala talaga iniwan ni Angela si Bes kasi may iba na siyang gusto bagkus naging distraction lang pala itong si bes sa pag-aaral ni Angela.

Pero come to think of it ah, naging sila nitong ni doc James for a while but not for a long time dahil nakipag-break si Angela sa kanya. Hilig makipagbreak ng babaeng ito ah? Kaloka! Pero eto na nga ang bottomline ng malalim kong pag-iisip, in the case of Bes, if malaman nyang na naging sila nitong si Angela at doc James, siyempre anong maiisip niya?

Na ito pala ang ipinalit sa kanya noon, and fortunately nasa harapan niya ngayon, so bitter-bitteran ang peg ni bes at baka pa nga magkaroon ng world war 3 kung magkataon pero since mukhang cold war muna ang drama naming apat ngayon dahil nga parang na-shock kami sa presensiya ng isa't-isa nang magtagpo ang aming landas sa lugar na ito.

Mas lalo na ako. Na-shock talaga ako na ang pinuntahan pala ni bes ay hindi si Justin at take-note, hindi rin sila nagdodota kundi si Angela ang pinuntahan niya at wala ng iba and asking her out for a date at dito pa mismo sa coffee shop ng freedom park kung saan nagheart-to-heart talk kami ni doc James at supposedly kung hindi kami nagkatagpo-tagpo dito sa bwiset na lugar na ito panigurado, ang saya-saya ngayong ng bespren kong makasama ang dating niyang kasintahan na dati rin palang kasintahan nitong si doc James.

Pero tulad nga sa unang sinabi ko, ang tadhana talaga mapaglaro, 'yung taong iniiwasan ko ay nandito na ngayon sa aking harapan, at ang taong iniyakan at pinipilit na kalimutan nitong ni doc James ay nasa kanyang harapan naman.

Gusto ko ngang sabihin kay Tadhana: 'Hoy tadhana! Bakit ba kami ang napili mong paglaruan ngayon ha? Sa isang daang milyong tao sa Pilipinas, kami pa talaga ni doc James ang napili mong pagtripan! Iniiwasan nga namin sila hindi mo ba nakikita 'yun?

Huwag kang magpapakita sa 'kin kundi babalatan talaga kita ng buhay sa pamamagitan ng nail cutter!' Pero since natatakot siyang mabalatan ng nail cutter at nagtatago siya ngayon kung saan, kailangan namin laruin ang laro niya.

"Ahm, matagal na ba kayong magkilala JC?" Pagbasag ni Angela sa Katahimikan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ni James? Actuall-"

"Oo, matagal na." Pagputol ni Doc James sa akin. Matagal na? Anong matagal na? Eh pangalawang beses pa nga lang namin 'tong pagkikita eh. Ano ba pinagsasabi nito? Nakatitig lang ako sa kanya. Nagtataka. Si doc James naman, poker-face. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na nakatitig si bes ng masama sa akin. Feeling ko naiinis din siya kagaya ko. Sabi ko ba naman sa kanya, si Selena ang kasama ko't hindi si doc James. Pero bakit ba? Parehas lang kami may kasalanan. As if namang sinabi niya kung saan siya pupunta kanina.

"Ah. Okay." Maikling sagot niya at balik ulit sa paghalo ng kape niya. Wala na ba siyang ibang magawa kundi maghalo ng kape? Malamig na siguro 'yang kape niya kakahalo.

"Eh kayo? Matagal na ba kayong magkakilala?" Balik niyang tanong dito.

Tumingin naman sa kanya si Angela. Si bes naman ayun, napatingin na lang din kay Angela.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon