Chapter 27: Not In That Way

10K 371 42
                                    

JC's POV


"Ready ka na ba para mamaya, JC?" Pagkuway ni Selena sa 'kin. Napabaling ako dito at nakita ang mga excited nilang mukha. Oo nga pala, mamaya na ang singing contest, kaya parang mas excited pa 'tong dalawang magkapatid na 'to kesa sa akin.

Ewan ko ba pero parang hindi ako excited katulad ng pagkaexcited nila na makita akong kumanta sa stage.

Well, after ng drama scene ko sa hunghang kong bestfriend ilang araw na ang nakalipas, feeling ko hindi na ako safe. I mean, hindi na safe in the sense na baka...baka, hindi ko mapigilan ang sarili ko't maisawalat ko ang tunay na nararamdaman ko sa bestfriend ko.

Every time he's near, my heart is starting to beat so fast. 'Yung mga konting kilos niya, pagka-care niya sa akin like he usually does, nagkakaroon na ng meaning. Every time magtatama ang mga paningin namin, iniiwasan ko ito. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya, para akong ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw kapag tinititigan niya. Every time na magdidikit ang mga balat namin kahit aksidente lang, parang...parang napapaso ako, every time nandyan siya sa tabi ko, masaya ako and every time na wala siya sa paningin ko...nami-miss ko siya.

Ito ang kinakatakot ko.

Ang ma-inlove sa bestfriend ko't masira ang friendship naming dalawa. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko. Alam ko sa aming dalawa, ako lang 'tong nagmamahal. Pero paano ko matatago 'to? Paano mamawawala 'to? Hindi ko alam kung paano, kaya namomroblema ako ngayon.

Natatakot ako na masaktan na kapag nagconfess ako sa kanya ay hindi niya masuklian ang nararamdaman ko. Hindi na nga nasuklian, nasira pa ang pagkakaibigan namin. Bakit naman kasi sa dinami-rami ng taong mamahalin ko, si Sydney pa talaga. Pwede namang si Doc James o di kaya si Jason! Hala! Oo nga pala, naalala ko, nangako pala ako sa kanya na sasabihin ko na ang sagot ko dun sa offer niya!

Kainis naman! Ayokong makasakit ng damdamin as much as possible pero sabi nga nila: kung 'di mo mahal ang isang taong mahal ka, habang maaga pa, sabihin mo na sa kanya ang tunay na nararamdaman mo para hindi mo na siya nasasaktan pa.

"JC!"

"OH?! Ba't naninigaw ka?" Singhal ko.

Tumawa silang dalawa. Pinagtritripan nanaman ako ng dalawang 'to!

"Tulala ka nanaman diyan, JC. Ano nanaman bang iniisip mo?" Tanong ni Justin. Kumuha siya ng isang crack ng Piattos at kinain. Nandito kami ngayon sa canteen. Kakatapos lang naming manood the role play. Mamaya, speech choir naman. Hayys! Wala ngang pasok pero mandatory naman ang pag-attend sa mga events na ganito. May attendance kasi.

"Baka hindi 'ano', kundi 'sino'? Gatong ni Selena.

Iniripan ko sila. Here she goes again, with her curiousity. Hindi ba niya alam na; curiosity kills the cat? Baka naman hindi alam kaya ganyan 'yang babae na yan?

"Wala! Kinakabahan lang ako para mamaya. 'Lam niyo naman, first time kong sasali sa isang singing contest. Very thankful sa hunghang kong bestfriend, mae-experience ko na." Pagsinungaling ko. Sana kumagat.

"Weeh? 'Yun ba talaga 'yun? Hindi mo ba siya iniisip?" Tanong ulit ni Selena na parang hindi pa naniniwala na ginatungan pa ng kapatid niyang si Justin. "Oo nga, JC! Ikaw ah?! Lagi mo siyang iniisip.." Tiningnan nila ako ng may panuksong mata.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon