Chapter 31: Tears of Joy

12.2K 356 46
                                    

Author's Note:

This will the last update. Epilogue na ang next. Thanks you for making it this far.

Enjoy!

---------------------------

JC's POV


Sinuot ko na ang sneakers ko. Kumuha ako ng maliit na payong sa gilid ng shoe rack. Baka umulan mamaya, maganda na 'yung ready. Binuksan ko na ang pintuan at bigla na lamang akong natigilan sa nakita ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko nang nagtutubig ang aking mga mata. Nandito siya. Nakatayo sa harap ng pintuan namin. Naka-ngiti ito at nakapamulsa. Sh!t. Ang gwapo niya sa part na 'yun.

"Hi! Bespren?! Did you miss me?"

I didn't answer him back instead, I was stuck. I ran out of words when I saw his smile. Smile that I really missed so much. I really don't know why nothing came out of my mouth. Is it because I miss him that much? Or Was I not just ready to see him because I know that he already knew what I'm feeling towards him.

I'm scared. Scared of the thought of leaving me behind after he made a decision. But.... I need to make a move. Ayokong layuan niya ako dahil lang sa pesteng nararamdaman ko. Sabi ko nga: kaya kong kalimutan ang sarili kong nararamdaman, just to keep our friendship last long. Mahal ko ang bestfriend ko, at gagawin ko ang lahat para hindi niya ako layuan.

"Bespren.. Ganyan mo ba ako ka-miss kaya hindi ka na makapagsalita diyan?" ngumiti siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nayakap ko siya nang marinig ko ulit ang kanyang boses. Hindi na rin magkamayaw ang saya't galak na aking nararamdaman.

Nandito na siya. He's back!

Nakasubsob lamang ang mukha ko sa kanyang dibdib. Humihikbi na din ako. Mygaahd! I'm such a crying baby.

Mixed emotions na rin ang nararamdaman ko. Masaya, dahil nakabalik na siya. Pangamba, dahil baka na-realize niya na hanggang bestfriend na lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin, at takot. Takot na...baka layuan niya ako, ngayon na alam na niya ang tunay na nararamdaman ko sa kanya.

"Ssssh... Why are you crying?" tanong niya. Yinakap niya din ako pabalik.

He patted my back and my head. Oh god! How I miss his touch! I badly miss him! Ang sarap sa pakiramdaman na mayakap ko ulit siya nang ganito. I patiently waited for him to come back and I think...it's worth the wait!

"Bwisset..ka talaga! Umalis ka ng walang paalam tapos babalik ka na parang wala lang! Nyemas ka talaga bes!" singhal ko dito.

Nakakainis talaga siya! Halos mamatay na ako kakahantay sa kanya tapos magpapakita na lang siya nang bigla-bigla na parang walang nangyari!

Sarap din niya batukan! Pero okay na din, at least bumalik na siya!

"Sssshhhh.. Nakabalik na ako oh? Aren't you happy?" napabitaw ako ng yakap dito at tiningnan siya.

Shocks! His face seems so bright! Ba't parang ang saya-saya niya?! 'Di naman kaya... Hindi, hindi! Erase! Delete that!

Don't assume, baka masaktan ka lang.

He wiped my tears through his thumb finger and grab my wrist.

"Let's go! Kanina pa naghahantay si kuya. Baka mahal na ang mabayad ko dun kapag nagtagal pa tayo dito." aniya. Napakunot ako ng noo. Taka ko itong tiningnan.

"Kuya? May kuya ka? Omo?! May half-brother ka? Myghaad?!! Ba't hindi mo naman sinabi sa akin?! An'daya mo naman eh?! Nakakainis ka talaga!" Eksaherada kong tanong.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon