Chapter 15: The Familiar Voice

9.6K 323 13
                                    

JC's POV

"Anak, gising na! Ano'ng oras na?! Magtatanghali na." Rinig kong pagtawag ni Papa sa akin mula sa baba.

"Pa, saglit lang po. Five minutes pa!" Sigaw ko habang nakapikit ang mga mata. Puyat kasi ang lola niyo. Hindi ako makatulog kagabi kaka-isip kung sino 'yung magnanakaw na 'yun na nagnakaw ng first kiss ko.

Arrrggghhh talaga! Inilalaan ko pa naman 'yun para sa magiging first boyfriend ko tapos kukunin lang nung magnanakaw na 'yun?! Nyemas talaga!

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan ko at du'n impit na sumigaw. "Waaaaaaaaaaaaah!"

Nakakainis talaga! Hindi ko pa nakita 'yung mukha niya! Paano ko siya pagbabayarin sa nagawa niya? Badtrip naman kasi, kung hindi lang talaga ako inutusan ni Ma'aam Dimaculangan kagabi e 'di sana, hindi nangyari iyon! Binabawi ko na nawala talagang kulang kay Ma'am, actually meron, ang pagiging masipag sa pag-akyat, tamad umakyat ng hagdan! Kainish!!

Sumigaw ulit ako sa ilalim ng unan. Out of my frustration sa mga bagay na nangyari sa akin these past few days. Una, ang unconfirm feelings ko towards my bestfriend tapos heto, nanakawan ako ng halik ng isang taong hindi ko naman kilala.

Napasigaw ulit ako sa ilalim ng unan ko hindi na dahil sa inis ko, kundi dahil na sa taong dumagan san likod ko. Nyemas! Ang bigat-bigat ng damulag na 'to!

"Kanina ka pa tinatawag ni Tito, tapos hindi ka pa kumikilos diyan!" Sambit ng damulag habang nakadagan pa sa likod ko. Ano bang iniisip nito, akala ba niya ang gaan niya para upuan ang likod ko?

"Uhmhjlsjs kha hjduan syajskdn bajdgtn kah tahgsjga besksk!!" Sigaw ko. Paano ba naman ako makakapagsalita ng maayos, eh nandito pa rin ang pagmumukha ko sa ilalim ng unan.

"Ano'ng sabi mo?" Tanong pa ng damulag.

"Lhsumsguhan kha jdhtganmd!!!" Sigaw ko ulit. Ngayon tinanggal na niya ang unan.

"Ano ulit sabi mo?!"

"Punyemas ka talaga bes! Lumayas ka diyan sa likod ko kung ayaw mong mamamatay! Arrggghhh! Ang bigat mo!!" Daing ko sa kanya. Nagpumiglas ako sa kanya pero hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at nilagay sa likod tsaka hinawakan ng isa niyang kamay. So ang ending, na-corner ang lola niyo, kumbaga sa wrestling, ilang bilang na lang, taob na ako. Eh ano ba namang laban ko sa damulag kong bespren? Ang laki-laki niyang tao! Pati ano ngan, malaki! Cheret!

"HAHAHAHA! Heto ang parusa mo sa pagsisinungaling mo sa akin nu'ng nakaraan!"

"Hindi ka parin makamove-on kang hunghang ka! Move on, move on din 'pag may time!"

"Sige, magmomove-on ako, sabihin mo lang ang password for the day." Sabi pa niya.

Password of the day? Ano nanamang trip nito? At ako talaga ang trip niya ha? Napapagod na akong magpumiglas dito, ang bigat talaga niya bes!

"Ano nanaman ba 'yan bes?!" Daing ko.

"Basta. Sagutin mo na lang!"

"Huwag ako bes ah. Kilala kita ah, kahit ano'ng sabihin kong password sa 'yo, alam kong mamaliin mo din! Don't me bes, sila na lang. Kaya umalis ka na diyan sa likod ko kasi nangangawit na ako. At kapag nangawit ako, malalagot ka na talaga sa akin!" Paghamon ko.

"HAHAHA! Kilala mo talaga ang bespren mo ah." Sabay kurot sa pisngi ko. "Sige bibitawan na kita, sabihin mo lang sa akin, kung may nakita kang lalaki kagabi."

Ano daw? May nakitang lalaki kagabi? Syempre naman, oo! Ninakawan pa nga ako di ba?! Pero, ngunit, subalit datapwat, sasabihin ko ba sa kanya na may nakita ako? Pero alam kong may follow up question pa 'tong hunghang na 'to 'noh. Pero kung hindi ko naman sasabihin, hindi naman niya ako titigilan. Pero, kapag sinabi ko naman, baka malaman niya 'yung tunay na nangyari kagabi. Baka madulas pa nga ako kung magkataon! Patay ako kung sakali.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon