SYDNEY's POV
"Pre, okay ka lang ba?" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang may tumapik sa akin. Takang napatitig ako dito. "Pre, may problema ba? Ilang araw ka nang ganyan? Nag-away nanaman ba kayo ni JC?" Tanong ni Justin habang alala akong tinitigan. Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon. Hindi ko siya sinagot bagkus, tumungo na lamang ako sa lamesa.
"Silence means yes. What is it this time? Bakit nanaman kayo nag-away?"
Nag-away? Nag-away nga ba kami ni bespren para maging gan'to ang sitwasyon namin? Ang naalala ko lang ay 'yung pagconfront ko sa kanya kung bakit sila magkayakap nung Jason na 'yun. And I didn't expect na 'yun ang isasagot niya sa akin.
"Nililigawan ako ni Jason. 'Yung nagdate kami nung nakaraang linggo, umamin siya na may gusto siya sa akin. Hindi ko nasabi sa 'yo ang totoo dahil alam kong magagalit ka. Kanina...nag-usap kami. Bin-usted ko siya. 'Yun ang pinag-usapan namin kanina. Satisfied?"
Nililigawan pala siya ng Jason na 'yun pero hindi niya man lang sinabi sa akin. Kainis! Naiinis nanaman ako sa gagong Jason na 'yun. Ang sarap talagang bugbugin ng ogag na 'yun. Ano'ng karapatan niyang ligawan si bespren ng ganun ganun lang? Ng walang paalam sa akin!
Nakakapang-init ng ulo! Tapos heto namang si bespren, nagtago nanaman sa akin. Mahirap bang sabihin sa akin ang mga bagay na 'yun? Ba't nanaman siya naglihim sa akin? And yes, I admit. Naglihim din ako sa kanya pero tapos na 'yun, alam na lahat ni bespren ang tungkol dun. About dun sa tunay na relasyon namin ni Angela, na wala naman talaga. Tapos, 'yung about sa tatay ko, alam niya na rin.
Feeling ko nga, lahat ng tungkol sa akin ay alam niya eh. Kaya he doesn't have a reason to keep a secret from me 'cause in the first place we're bestfriend. We should know about each other's secrets, hindi 'yung ganito na lang na, bigla bigla ko na lang malalaman kung kailan tapos na. At wala man lang akong alam at nanghuhula na lang.
Mukha pa ngang, nagalit siya sa akin nung sinabi niya na bin-usted niya si Jason eh, para pa nga ang tono ng boses niya, ako pa ang sinisisi niya. Pero hindi. Hindi naman siguro. Baka nainis lang siya nung bigla akong um-epal sa moment nilang dalawa. Pero...enough reason na ba 'yun para hindi niya ako pansinin ng ilang araw? Ilang araw na din ang nakalipas nung sinabi niya ang mga 'yun.
At sa ilang araw na rin 'yun, hindi niya na ako pinapansin. I mean, pinapansin niya naman ako, pero ang cold niya nq sa akin eh. 'Yun bang, sumasagot naman siya kapag tinatanong ko siya, nagsasabay pa din kami laging pumasok at pauwi pero parang matamlay siya eh. Naging malungkutin din siya and the worse, he's acting cold to all of us. And that's the reason why I am confused.
After nung kumanta siya, nung gabing kinanta niya 'yung kantang 'yun...may nagbago. Hindi lang sa pakikitungo niya sa akin kundi sa kanyang sarili na mismo. Hindi na siya 'yung pala-ngiti tulad noon. Konting joke mo lang sa kanya, tatawa na siya kahit 'di naman masiyadong nakakatawa 'yung joke. 'Yung tatarayan ka niya kapag minsan, naiinis na siya o naiirita. 'Yung...maglalambing siya sa akin kapag gusto niyang magpabili ng favorite niyang lollipop.
Now, hindi na siya ganun. Hindi na siya palaimik. Malungkot lagi ang mukha niya. Kapag tinatanong ko siya kung okay siya, sasabihin niya lang na okay siya kahit alam kong deep inside, hindi naman talaga siya okay.
Sandali lang, naalala ko lang nung gabing kumanta siya, when he was singing that song...I really felt something. Something that I can't figure out. Para bang..para bang...may pinaghuhugutan siya dun sa kantang iyon.
♪ I'd never ask you 'cause deep down I'm certain I know what you'd say,
You'd say, "I'm sorry, believe me, I love you but not in that way."
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...