Introduction

29.7K 778 64
                                    

Nakatingin lang ako sa mga taong nagsasayawan sa saliw ng kanta na pinapatugtog dito sa loob ng court namin.

Ang saya nila.
Iyong iba, kinikilig dahil sinasayaw sila ng taong gusto nila.
Iyong iba naman, nagkakailangan.
Iyong iba, malungkot.
Iyong iba parang first time lang sumayaw.

Ang gaganda at ang gwagwapo nila sa kanilang mga kasuotan.
Prom namin ngayon.

Dapat nagsasaya ako sa mga oras na 'to, pero heto ako ngayon, nakapangalumbaba lamang, hinahantay ang pagdating ng bestfriend kong si Sydney.

Kanina pa 'yon. Sabi niya kukuha lang siya ng drinks namin pero magkakalahating oras na pero hindi pa siya dumadating.

"Uy JC! Sayaw tayo doon oh!" pagimbita sa akin ni Gian

Kaklase ko siya. Isa sa tinitiliian ng mga kababaihan dito sa school dahil sa taglay niyang kakisigan.

"Hindi. Sige kayo na lang. Hinahantay ko pa si Sydney." pagtanggi ko.

"Come on! You should enjoy this night." lumapit pa siya ng konti sakin at inilahad ang kanyang kamay.

"Ah..ehh.." hindi ko alam kung tatanggapin ko 'yong offer niyang sumayaw.

Ang sagwa kasing tignan. Dalawang lalaki nagsasayaw ng romantic song.

Hindi naman ako against sa mga gano'ng bagay. In fact, alam ko sa sarili kong kung ano talaga ang pagkatao ko pero hindi lang talaga ako sanay. Lalo pa't sikat ito sa school namin.

Nakakatitig lang ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko.

Wala pa naman si Sydney. Baka nandun nanaman 'yon sa girlfriend niya.

Wala naman sigurong mawawala sakin kung tatanggapin ko ang offer niya.

"Sige.." hinawakan ko ang kamay niya.

Ang lambot nito. Hindi ito magaspang, halatang hindi banat sa trabaho sapagkat nakakaangat ito sa buhay.

Tumayo ako at nagpatianod sa kanya. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Don't know what to do whenever you are near,

Don't know what to say my heart is flowing in tears,

When you pass by I could fly."

Tumigil kami sa paglalakad. Nilagay niya ang isa kong kamay na kanina pa niya hawak sa kanyang balikat.

Kinuha niya ang isa ko pang kamay at inilagay ito sa kanyang balikat.

Nakatitig lang ako sa ginagawa niya. Hindi ako makatingin sa mga mata niya, nakakatunaw ang mga titig niya.

Ang kanyang dalawang kamay naman ay hinawakan ang baywang ko.

Parang biglang may kuryenteng dumaloy mula doon papunta sa buong katawan ko.

Hindi talaga ako sanay sa mga ganito. Kung kanina pang nakabalik dito si Sydney hindi sana ako hahantong sa ganito.

Lagot talaga siya akin mamaya!

"Relax. Wala naman akong gagawing masama sa'yo." bulong niya sa tenga ko ng may pagkahusky ang boses.

Bakit siya ganito! Hindi naman siya ganito sa loob ng klase.

"Uhhmm..first time lang kasi.." usal ko.

Wala naman kasi talagang nagsasayaw sakin. The fact na lalaki ako at babae lang naman talaga ang dapat sinasayaw.

He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon