JC's POV
Tulala. Isang salita na kung saan ang isang tao ay walang ibang magawa kundi ang tumanganga. Kung saan ang isip ng taong madapuan nito ay nasa kawalan. Salitang kung saan madalas kong ginagawa.
Lately, napapansin ko, since nung time na naramdaman ko ang letseng dugdug na 'yun sa puso ko, madalas na akong nakatulala. Nawe-weirduhan na nga 'tong mga kasama ko especially Selena.
Kung makatitig kasi sa akin si Selena, akala mo may kasalanan ako. 'Yung tipong, sinusuri ang mga galaw at kilos ko. Eto pa, matapos nya akong titigan suspiciously, bigla-bigla na lang ngi-ngiti. Parang baliw 'di ba? Kung weird ako lately, mas dehamak naman na weird siya sakin.
I sighed.
Scratch that thought. Iniisip ko kasi kung anong nangyari sa lakad ni bes at ng "ex" niya kagabi. Tignan mo, kanina pa siya naka-ngising aso. Halos mapunit na nga ang pisngi niya kakangiti. Parang may nangyaring maganda kagabi. Good Mood siya eh. Kilala ko 'tong taong 'to. Hindi naman 'yan ngingiti na parang buang kung sa simpleng bagay lang. There is deeper meaning behind that 'ngisi' of him.
And I ended up with these thoughts.
Nagkabalikan na ba sila?
Sila na ba ulit?
Bumalik na ba ang feelings nila sa isa't-isa? Ay oo nga pala. Mahal pa pala ni bes si Angela.
Siguro nga, nagkabalikan na talaga sila.
Kung ganyan makangiti si bes, 'lam na.
Pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol dito?
Kanina ko pa siya kinukulit na ikwento yung nangyari kagabi, pero ang hunghang, ngini-ngitian lang ako. Sarap hambalusin 'di ba? Ayy meron pala siyang sagot sa akin, 'wala lang hinatid ko lang siya sa bahay and that's it' daw, sabay ngiti.
Nakakapang-init ng ulo di ba?
Sarap pektuksan.
Badtrip talaga ako ngayong araw na 'to!
Feeling ko may PMS ako ngayon eh sa sobrang iritable ko ngayong araw na 'to. Ewan ko! Naiirita talaga ako.
Bumaling sa akin si bes. Ngumisi siya.
Ang lakas talaga ng loob nito ni bes. Makikita mo ngayon, 'di talaga kita papansin.
Inirapan ko siya. Bahala na siya sa buhay niya uy.
Bakit ba ako masiyadong affected kung nakabalikan na sila?
Ano naman sa akin? Magsama silang dalawa! Letse!
"Uy JC, kanina ka pa nakabusangot dyan? Problema mo? May Pms?" Pagkuway ni Selena sa tabi ko.
Katabi ko si Selena ngayon. Lumipat ako, dahil nga di ba, irita ako kay bes kaya nagpalit kami ng upuan ni Justin. Imbes nga na umangal si bes, like he usually does, ayun, walang kibo. Naka-ngiti lang ang hunghang.
Arrrrggghhhhh!!
Naiirita talaga ako.
"JC!"
"Ano ba Selena. May PMS ako ngayon, masaya ka na? Kaya 'wag mo akong simulan, baka itampal ko sa 'yo tong napkin na binili ko kanina."
"Toroy! Pero I have a question." Inayos niya ang high-graded-eye-glass niya at mataman akong tinignan.
"Oh ano nanaman 'yan?" Irita kong tanong.
"Hmmmm.. Anong tingin mo du'n sa Angela, bakit kaya niya pinagpalit si Sydney sa iba?" She asked.
Napatigil ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...