JC's POV
"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang tanong ng dalawang hindi mukhang magkapatid na sina Justin at Selena. Kasama namin sila ngayon dito sa canteen. Ikinwento namin sa kanila ang nangyaring gulo na kinasangkutan naming dalawa ni bes last saturday night.
Well, after we found out the truth about their real relationship, ayun sumama na silang dalawa sa amin. Since, magkakapartner kami, might as well, magsama-sama na lang kami. Para na rin mawala ang pagkaintrovert nitong ni Selena.
"Oo nga pre! Muntik na nga kaming maabutan eh mabuti na lang talaga nakapagtago kami dun sa isang bahay." Sabi ni Sydney habang kumukuha ng chips.
Ininom ko ang coke-in-can ko at mataman silang pinakinggan sa mga reactions nila about sa mga ninja turtles and our adventures.
Mabuti na nga lang talaga hindi dumating 'yung taong nag-iwang bukas ng gate o hindi nagising 'yung natutulog dun. Kung nagkataon, nasa selda kami ngayon. Hindi ko ata ma-imagine yun, makulong sa jail? Never. Never in my wildest dream.
But for me, that's not a big deal but it's the Dugdug thingy that I felt last saturday night is a bid deal.
I touched my left chest and feel my heart.
What was it?
Was it just a kind of emotion that really makes my heart pound?
If that smile of him that made my heart pounded fast, then why am I overreacting over this thing? Ganun din naman siya ngumiti dati ha? Ba't ngayon iba na? I really don't know why.
Hindi ko maipaliwanag o mawari rather, what was that. I think I need to go and see a cardiologist and ask him what's really happening to me. Hayy! Hayaan mo na. Napagod lang talaga kami kakatakbo nun kaya ganun na lang ang tibok ng puso ko. Ah ewan!
"Uy, bespren! Nakikinig ka ba?" Pukaw ni Sydney sa akin.
Bumaling ako dito.
"Ha? Ano? May nangyare ba? Nandyan ba sila ulit?" OA kung tanong. Ano bang nangyari? Tulala nanaman ba ako?
Tumawa sila sa inakto ko.
Tiningnan ko sila ng masama.
"Tsk. Pinagtritripan niyo nanaman ako!" Singhal ko sa kanila.
"Anong pinagtritripan? Eh tulala ka nga diyan." Sabi ni Selena. Taray ni Selena.
"Ano bang iniisip mo? Nung sabado ka pa ganyan ah. Lutang." Tanong ni bes.
Napatitig ako rito. Ano nga bang iniisip ko? Nung sabado pa ako lutang?
Hala! Na-noticed nya 'yun?
Naalala ko nanaman ang Dugdug na yun! Walangjo talaga!!!
I shook my head off trying to stop thinking about it.
"Uy!" Tinapik niya ulit ako.
"Ah... Eh... Ihh... Oh... Uh?" Ang nasabi ko na lang.
"Yan ka nanaman, nirerecite mo nanaman ang vowels." Tukso ni Justin.
"Ganyan 'yan kapag walang ma-isagot or may ayawng sabihin kasi may tinatago.." Patukso akong tiningnan ni bes.
Ganun talaga ako kapag walang masabi, nahuli sa akto at higit sa lahat, kapag may tinatago.
Ano ba tong si bes?! Kilalang-kilala talaga ako. Wala akong maitatago rito eh, but not for now, I need to hide this unknown feeling of mine.
Eh ano'ng sasabihin ko sa kanila, na iniisip ko 'yung nakaraan, na ang lakas ng tibok ng puso ko nu'ng time na nginitian ako ni Sydney? Na hindi ko mawari ito? That I'm bothered with it?
BINABASA MO ANG
He's My Possessive Bestfriend [BxB] (UNDER MAJOR REVISION)
HumorSi Sydney Mark Hernandez ay possessive bestfriend ni JC Carreon. Possessive to the point na para bang siya ang magulang nito. Pero paano nga bang magkaroon ng possessive bestfriend na kagaya ni Sydney? Will JC take it long to have someone as posses...