Chapter 22. Santan

118 7 0
                                    

ANDREW
"Pare sali ka sa try out? May practice mamaya sa gym sali tayo? Alam mo namang pangarap ko maging varsity eh,"  kanina pa nagsasalita si Michael pero 'di ko napapansin.

"Pare!" He tapped my shoulder that's when I noticed that he's talking to me. nito. "Pare nakikinig ka ba?"

"Oo... ano ba 'yon? "

"Oo raw, tapos ano ba 'yon. Ewan ko sa'yo!" He chuckled.

"Ano nga yon?"

"Ano nga yon?" ulit niya sa tanong ko.
I know he's pissed.

"Nag-aasar ka ba?" I started to her piss also.

"Sabihin mo nga sa'kin Andrew, anong problema?"

"Wala!" I shook my head and answered.

"Wala? sabihin mo na, wala ka namang ibang napagsasabihan. Sige na malay mo makatulong ako."

"Si Matina...." 

"Sabi na nga ba babae na naman. Oh, what about her?"

"Alam na ni Dexter 'yong tungkol sa pagpapanggap namin," I confessed. Tama si Michael, wala along ibang mapagsasabihan and I really need someone to talk to.

"Teka sino ba pinag-uusapan natin si Dexter o si Matina?" napakahina niya talaga pumik-up. Pero wala akonng choice mag-isa lang naman siyang kaibigan ko dito..

"Sinabi ni Matina kay Dexter?"

"Ano? Bakit niya naman sinabi. Is she out of her mind!" Pumalatak siya.

"Nagalit nga siya sa'kin di'ba?"

We're quiet for a couple of minutes but after awhile Michael broke the silence.

"Hindi naman siguro sasabihin 'yon ni Dexter kay Lianne no?" tanong ni Michael.

"Hindi naman gan'on si Dexter."

"Oh... di walang problema. Tapos na usapan!" sagot ni Michael at ngumiti.

"Meron...."

"Ano?"

"Liligawan ni Dexter si Matina,"

"At pumayag ka naman?"

"Ano pagbabawalan ko siya? Anong karapatan ko? Michael anong gagawin ko?" I looked at him asking for any help.

"Ligawan mo!"

"Ano?"

"Sabi ko ligawan mo. Ganoon lang kadali 'yon Pare. Kung liligawan siya ng iba edi makipagsabayan ka. Ika nga nila,  go with the flow." Pinaarte pa nito ang kamay na tila lumalangoy.

Kung sana nga gan'on kadali iyon. Pero kung iisipin may sense ang sinabi niya. Minsan ay maaasahan rin naman siya.

"Pero pare, paano ba manligaw? " I asked Michael, I really don't know how to court her. Siguro sa ibang babae kaya ko pa pero kay Matina? 'Yong bratinellang 'yon baka mabara lang ako.

"Oo nga pre, paano ba?" I let out an exasperate sigh nang wala akong makuhang sagot kay Michael

"Hi guys!" bati ng kadarating lang na si Matina. "May problema ba? " tanong niya pa at magpalit-palit ang tingin sa aming dalawa.

"Ahem... Pre mauna na muna ako. Matina," paalam ni Michael at naiwan kaming dalawa.

I faked a smile, pero iniisip ko pa rin ang gagawin ko. Good thing she didn't notice that.

MATINA
I was about to speak again when Dexter came and greeted us.

"Hi Matina good morning."

"Good morning," I greeted back.

"Pare good morning," Dexter greeted Andrew but he just nodded in respond. Kanina ko pa napapansin na wala siya sa sarili ano kayang problema niya? Hindi ko naman matanong dahil andito si Dexter at baka hindi rin magsabi pag tinanong ko siya. Di bale si Michael na lang ang kakausapin ko mamaya.

"Matina this is for you." Dexter gave me a bouquet of flowers and a bunch of chocolates. Oh I love flowers lalo na itong tulips.

"How did you know this my favorite?" I happily asked him, sobrang natuwa kasi talaga ako.

"Wala lang hula lang."

I smiled to Dexter and I heard Andrew let out a fake cough.

"Matina I'll go ahead, magkita na lang tayo mamaya," pipigilan ko sana siya kaso naglakad na siya palayo. Ano ba talagang problema niya. Baka naiinis lang siya kay Dexter hindi naman siguro siya galit sa'kin. Pero kanina pa siya balisa kahit n'ong hindi pa dumadating si Dexter.

"Anong problema n'on?" Dexter asked.

"Hindi ko nga alam eh,"

"Baka nagseselos."

Nagseselos?  Si Andrew magseselos pero bakit naman kaya. Hindi ko na lang muna pinansin at sumabay na kay Dexter para pumasok sa unang klase ko.

ANDREW
Ano ng gagawin ko mukhang nalalamangan na ako ni Dexter. Kailangan kong mag-isip ng paraan hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya. Sabi nga ni Michael Go with the flow, kung binigyan niya si Matina ng bulaklak dapat may ibigay din ako? I look around and I saw flowers in the school garden ano kaya kung pumitas ako dito. Tama brilliant idea...Andrew.

MATINA
I'm here to talk with Michael gusto ko kasing malaman kung anong problema ni Andrew hindi nga ako nakapag-concentrate sa klase ko kanina buti na lang 'di napansin ng mga teacher ko kundi baka napagalitan pa ako. Sakto naman at nakita ko si Michael na hindi kasama si Andrew tamang-tamang may pagkakataon ako para tanungin siyang mag-isa.

"Matina wala dito si Andrew eh...." salubong niya sa akin ng lumapit ako sa kanya.

"Hindi naman siya 'yong pinunta ko dito kundi ikaw," I answered.

"Ako?" Michael pointing to himself
na parang 'di makapaniwala.

"Uhm oo...."

"Sabi ko na nga ba may gusto ka rin sa'kin." I just smiled and pat his shoulder. Maloko talaga 'yong si Michael.

"I just want to ask kung anong problema ni Andrew?"

"Well I'm sorry Matina, but I'm not in the position to say that. "

So ibig sabihin may problema nga si Andrew? Bakit hindi niya sabihin sa'kin nag-aalala na ako. Akala ko kaibigan niya ako  pero bakit hindi siya sa akin magkwento?

When I about to open my mouth to speak again. Footsteps were thundering up the stairs getting our attention. I look around and saw Andrew standing in front of us he's hiding something inside his pocket.

"Hi," he greeted me shyly. What was with him bakit parang nahihiya siyang bumati sa akin?

"This is for you." He held something in his pocket iyon 'yong tinatago niya kanina. Isang piraso ng santan? Halatang pinitas niya lang iyon sa garden ng school. It's nothing compare sa tulips na binigay ni Dexter. But I really appreciate it, maybe because it came from him.

"Thanks," I replied shyly, pati tuloy ako ay nahiya na rin. I looked at Michael he seems trying to pretend the laughter spilling out from his mouth. Sino ba naman kasing hindi matatawa sa santan ni Andrew, plus his reaction was priceless. Parang siyang nahihiya na hindi ko maintindihan.

"Do you like it?"

"Yah...of course, I like it!"

"Parang hindi naman?"

"Gusto ko nga, maganda,"

I nodded and smiled, he smiled back. Nagustuhan ko naman talaga ang binigay niya kahit ano nga siguro basta galing sa kanya magugustuhan ko talaga. Natutuwa rin akong malaman na wala naman siyang problema. Siguro ay nagkamali lang ako sa pagtingin ko sa kanya kanina. Hay...salamat naman ayos kami at walang problema.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon