Chapter 39. Going Strong

71 3 0
                                    

MATINA
Mabilis na lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang lumipas simula ng sinagot ko si Andrew. Nananatili naman kaming masaya. His true to his word, walang oras na sinasayang siya para iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal s'yempre ganoon din naman ako sa kanya.

Wala na rin sa eksena si Lianne. Sa loob ng tatlong buwan ang wala naman siyang ginawa para guluhin kamia. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta ang mahalaga hindi na siya nangugulo.

Sobrang tuwa ng mommy namin nang malaman na kami na. Sigurado aki na kung nasaan man ang mga daddy namin ay ganoon din ang nararamdaman nila para sa amin.

He loves he so much. He is so full of surprises lagi niya akong sinusurprise. Hindi lang tuwing monthsary, kundi araw-araw. He never fails to make me feel that I'm special.

Isa na lang ang mahihiling ko... sana ay hindi na magbago ang lahat. Sana ay manatili kaming ganito.

"Muah!" bigla ko na lang naramdaman na may humalik sa pisngi ko. Lumingon ako at hindi nagkamali, s'yempre si Andrew

"Ano na naman bang iniisip ng girlfriend ko?" lagi niya akong tinatawag ng ganyan pero hanggang ngayon napapangiti pa rin ako.

"Wala masaya lang ako." Nakangiting sagot ko.

"Excited ka na ba sa prom?"

Oo nga pala, syempre ka-partner ko si Andrew para sa gabing 'yon. I waited for this. May pamahiin kasi sa school namunna kapag kasama mo raw 'yong taong mahal mo sa gabing iyon, hindi na kayo maghihiwalay. Hindi naman ako naniniwala sa pamahiin pero wala namang masama kung maniniwala.

Excited na rin ang Mommy ko for me. Pati na rin ang Mommy ni Andrew palibasa walang anak na babae kaya ako na lang daw ang aayusan niya. Natutuwa naman ako dahil nararamdaman ko ang pagtanggap niya sa akin para sa anak.

"May susuotin ka na ba?"

"Oo ako pa ba?" mayabang na sagot niya. "Ikaw handa ka na ba?"

"Yes, excited na nga rin sila Mommy para sa akin."

"Oo nga nagtatampo na nga ako kay Mommy," kunwaring nagtatampong sabi niya pero alam naman ko naman na nagbibiro lang siya.

"I will make sure that I'll be the most beautiful girl at that night."

"Kahit ngayon naman," sagot niya na tila nangangarap na nakatingin sa akin. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa mga simpleng banat niya. Hay kailan kaya ako masasanay?

"Mahilig ka talagang mambola!"

"Totoo kaya 'yon."

"Weh?"

Tumawa na siya at niyakap ako. My heart is so full of happiness. How I wish we will stay like this, forever.

ANDREW
Tatlong buwan na ang lumipas simula n'ong espesyal na gabing iyon sa buhay namin ni Matina.

N'ong gabing sinagot niya ako.
Napapailing na lang ako sa tuwing maaalala kung paano kami nagsimula, Mag-kaaway hanggang sa nagpanggap na magkasintahan, naging magkaibigan at nauwi sa totohanan. I thought it only happen in the movies, but it happened to us.

Kahit tatlong buwan na kami hindi pa rin nagbabago 'yong sweetness ko sa kanya. Hindi nababawasan parang lalo lang nadadagdagan.

I'll always make an extra effort to make her feel special that is she to me. Gusto ko kasi makita na lagi siyang masaya kahit sa maliit na bagay lang. Akala ko nga hindi ko magagawa yong mga bagay na iyon. Tulad ng sinabi ko noon na hindi ako gagastos para sa isang babae pero ginagawa ko ngayon. At hindi lang 'yon dahil marami pang iba at marami pa akong handang gawin para sa kanya.

I never thought na mai-inlove ako sa kanya. She's far away from my dream girl. Napaka-arte niya, mataray, brat lahat ng salungat sa babaeng gusto ko. But it never stop me from loving her.

Sabi nga nila hindi mo raw mapipili kung sino 'yong magpapatibok ng puso mo. Kaya kung sino man 'yong pumili sa kanya para sa akin. Papasalamatan ko siya pag nagkita kami. Ang galing niya kasing pumili.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon