Chapter 36. Kulitan, Asaran, Awayan

98 3 1
                                    

MATINA
Kanina pa kami nagkukulitan ni Andrew. Gumagawa kasi kami ng assignment. Tinutulungan niya nga ako. Pero siya 'yong nagsosolve, hindi niya itinuturo sa akin 'yong equation. Sinasagutan niya 'yong sa'kin pero ayaw niya ipakita kung paano.

"Andrew... sige na, paano ako matututo n'yan?!"

"Madali lang naman kasi bakit ba hindi mo alam?"

"Eh... bobo nga kasi ako."

"Oy, grabe ka ha, wala namang bobo meron lang... Matina," natatawang sagot niya. Pinaghahampas ko naman siya ng throw pillow na nasa sofa.

"Magmeryenda muna kayo." Lumabas si Tita mula sa kusina na may dalang dalawang basong juice at cupcakes.

"Mommy oh si Matina hinahampas ako," parang batang sumbong niya.

"Eh, paano ba naman Tita ayaw niya po akong tulungan at sinabihan niya pa ako ng bobo."

"Ay Mommy, wala akong sinabing ganoon. Sinungaling ka talaga. Ikaw 'yong nanlait sa sarili mo, sa'kin mo ipapasa."

"Hay naku sige lang mag-away lang kayo d'yan," natatawang sagot ni Tita Leila at inawan na kami ni Andrew at bumalik na kusina. Sanay na siya sa amin ni Andrew. Kahit palagi kaming nag-aaway. Kung noon ay sinasaway nila kami ni Mommy at pinagbabati ngayon hindi na kasi alam naman nila na hindi seryosong away at nagkukulitan lang kami.

Kumuwa si Andrew ng cupcake at ipinahid sa ilong ko ang icing.

"Nag-aasar ka ba talaga?"

"Nyenyenyenyenye. Nang aasar ka ba talaga?" ginaya niya pa 'yong sinabi ko. I glared at him tapos sumeryoso ako.

Mayamaya lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Sorry na galit ka na? Seryoso ka," hindi ko pa rin siya iniimik. Bahala siya d'yan magsalita mag-isa.

"Kung gusto mo lagyan mo rin ako ng icing?" still no respond from me.

"Alam ko na!"  Pumalatak siya at pinunasan 'yong ilong ko na may icing gamit ang panyo niya.

"Ayan na wala na, 'wag ka ng magalit. Kasi naman eh, ginawa ko na yong assignment mo before 'di ba? Noong dito pa kayo nakatira? Sana pinag-aralan mo 'yong formula."

He caught my attention dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na may posibilidad na siya 'yong gumagawa ng assignment ko noon. Pero ang saya pala na makumpirma 'yon. Siya 'yong savior ko, he saved me kahit n'ong time na mag-kaaway pa kami.

"Ikaw 'yong gumawa ng assignment ko?" this time nakangiti na ako

"S'yempre, sino pa bang ibang matalino dito?"

Ayos na sana eh, kinikilig na ko bigla naman nagyabang.

Again I glared at him at hindi ko siya pinanasin.

"Hey... 'wag ka ng magalit."

He rested his head on my shoulder at kiniliti ang ilong ko gamit 'yong ballpen.

"Andrew hindi ka na nakakatuwa ah!"

"Bakit nai-inlove kana?"

Bumanat pa ang gago! Hinampas ko ulit siya ng throw pillow at nagpatuloy kami sa pagkukulitan. Hindi ko na nga alam kung natapos ba namin 'yong ginagawa namin.

Kahit lagi kaming nag-aaway. Alam ko na magbabati rin kami. Hindi na kasi tulad ng dati 'yong away namin.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon