MICHAEL
Hindi ko alam kung matuwa sa pinapagawa sa'kin ni Andrew. Natutuwa ako kasi ako 'yong hiningian niya ng tulong, it's means may tiwala siya sa'kin pero dapat ba akong matuwa sa pinapagawa niya? Magbabantay ako ng isang tao na parang stalker. Nakaka---ugh! Si Lianne pa, si Lianne na ubod ng arte! Naiinis nga ako sa maarte tapos susundan ko pa siya. Pero wala akong magagawa role ko 'to kay Andrew bilang dakilang bestfriend at tsaka sayang din 'yong ibabayad niya sa'kin. May gusto kasi akong bilhin at humihingi ako ng pera sa Daddy ko kaso ayaw niya akong bigyan, pataasin ko daw muna 'yong grades ko. Hello? as if naman tataas 'yon. Kaya pumayag ako. Isa pa gusto ko rin naman talaga tulungan si Andrew. Goodluck na lang sa'kin.Nakita ko si Lianne na lumabas na ng classroom niya. Eto na simula na 'yong trabaho. Sinusundan ko siya habang naglalakad sa hallway, saan kaya pupunta yung babaing 'to? Bumaba siya at tinahak. Wow what a word? Tinahak? Basta 'yong dumaan siya doon sa daanan papuntang cafeteria. Nakita ko 'yong mga kaibigan niya at kumain sila. Wala naman siguro siyang balak na puntahan si Matina at guluhin, sana nga wala.
Hanggang hapon sinundan ko lang siya. Pagkatapos kumain sa canteen pumunta na siya sa sunod niyang klase. Buti na lang hindi magkasabay ang schedules namin nauuna kasi kami sa kanila.
Hinanap ko na si Andrew para mag-report. Good news naman ang nangyari sa unang araw ko.
ANDREW
Kanina ko pa hinahanap si Michael wala pa rin siya. Mukhang seneryoso din 'yong inuutos ko sa kanya. Buti naman, hindi ko rin nakita si Lianne ngayong araw."Hi Andrew,"
"Matina,"akala ko si Michael na pero si Matina pala. "Oh andito ka na pala?"
"May hinahanap ka?" tanong niya sa akin.
"Si Mike."
"Si Mike, bakit pala wala siya?"
"Ahm... may ginawa lang 'yon," Hindi na niya kailangan malaman kung nasaan at anong ginagawa ni Michael
"So, tara na?" aya niya sa'kin. May usapan kasi kami ngayon. Pupunta kami sa bahay. Nagtatampo kasi si Mommy. Nalaman na niya na nanliligaw ako kay Matina. Bakit raw 'di ko sinabi sa kanya. Kaya gusto niya kaming magkita ngayon.
"Pwede hintayin natin sandali si Mike?" tanong ko kay Matina at pumayag naman siya agad.
"Sige, no prob,"
Hindi naman nagtagal natanaw ko na si Michael. Kamusta kaya 'yong trabaho niya?
MATINA
Nakita ko si Andrew sa quadrangle na mukhang may hinihintay. Siguro ako, wala naman siyang laging hinihintay kundi ako."Andrew,"
"Matina." Lumingon naman siya agad ng tawangin ko "Andito ka na pala?"
"May hinahanap ka?" tanong ko, kanina pa kasi siya palinga-linga sa pakigid.
"Si Mike,"
"Si Mike?" hindi ko nga nakita si Michael ngayong maghapon. Nasaan naman kaya 'yon?
"Bakit wala pa siya?"
"May ginawa lang 'yon."
"So, tara na?" Inaya ko na siya pupunta pa kasi kami sa bahay nila. Nalaman na kasi ng Mommy niya na nanliligaw siya sa'kin at iyon naglalambing gusto raw kaming makita.
"Pwede hintayin natin sandali si Mike?" ano bang kailangan niya kay Michael at parang 'di siya mapakali.
"Sige, no prob,"
I find it weird pero hindi na lang ako nag-comment at pumayag sa gusto niya. Mayamaya ay dumating na rin naman si Michael.
"Andrew...." Michael catching up his breath and rushes towards us. Mukhang hinihigal at pagod siya
"Oh kamusta?" tanong kaagad ni Andrew nang makalapit si Michael.
"Okay na."
Okay na? What they're talking about?
"Ahm... Matina pwede mauna ka na sa kotse. May pag-uusapan lang kami ni Mike." dabi ni Andrew. Hindi ko talaga siya maintindihan kanina pa. Pero syempre pumayag naman ako. Mamaya ko na lang siya tatanunging tungkol dito.
ANDREW
At last dumating na rin si Michael. I asked Matina kung pwedeng mauna na siya sa kotse. Pumayag naman siya kaya naiwan lang kami ni Michael."So, what happened?"
"I think paranoid ka lang pare," sagot niya.
Ano raw ako paranoid?
"Wala naman siyang ginawa. Pagkatapos ng klase niya pumunta siya sa canteen kasama niya 'yong mga kaibigan niya. Then after that pumunta na siya sa sunod na klase niya. Mahapon ganoon lang ang ginawa niya. Hindi ko nga nakita na lumapit siya sa inyo ni Matina."
Mabuti naman kung ganoon. Pero kailangan pa rin niyang bantayan si Lianne. Hanggat hindi ako nakakasiguro.
"Well... that's good to here. But keep following her."
"Ano? At hanggang kailan ko 'to gagawin? Por Ever?"
Tama naman siya 'di naman pwede na habang buhay niya 'to gawin.
"Sige kahit isang linggo lang."
"Isang linggo?" I just nodded in respond.
"3 days?" humirit pa.
"I said one week!
"Pare, naman eh!"
"Anong gusto no three days pero walang bayad o one week at ibibigay ko sa'yo kahit anong gusto mo, kahit Lamborghini. I blackmailed him, alam ko kakagat siya.
"Okay I give up, one week."
"Good."
Sa loob ng isang linggo kung walang gagawin si Lianne ay matatahimik na ko.
💞💞💞
BINABASA MO ANG
My Prim and Proper Prince (Under Editing)
RandomHe's a book lover, She's a party goer. He's Nice, She's a certified Brat! He's smart, well She's pretty. She get what she wants, He don't let anyone to mess with him. So what will happen if their path crossed??? Song Joong Ki: as Andrew d...