Dedicated to: ohitsnaj
MATINA
Nang makababa kami ng stage ay nagpaalam ako kay Andrew na pupunta lang ng restroom. I want to check myself. Baka kalat na 'yong make-up ko at sabog na ang buhok ko.Sandali lang naman ako sa restroom. Pagkatapos mag-retouch ay lumabas na rin ako.
Habang nasa daan pabalik sa hall ay may nakasalubong akong dalawang babae. Medyo madilim sa kinaroroonan nila kaya hindi ko masyadong makita kung sino sila. Pero tulad ko, nakasuot din sila ng gown at nakagayak.
"Matina!" bati ng babae nang makalapit ako sa kanila.
Nagulat ako ng makita ang babae. Sina Kiara at Carla. Kailan pa sila nakabalik? Ang huling balita ko ay na kick-out na sila sa school. At bakit sila naka-gown? ibig sabihin kasali sila sa prom.
"Anong ginagawa nyo dito?" Nagtatakang tanong ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Why don't you welcome us first, hindi mo ba kami n-miss?" I can sense the sarcasm in her voice.
Wala naman akong kasalanan sa kanila pero bakit parang galit siya? Siya pa 'yong may karapatang magalit, samantalang sila 'yong dahilan kung bakit muntik akong mapahamak. Good thing Andrew came to save me.
"Oo nga naman Matina, 'di mo ba kami na miss?" segunda naman ni Carla.
"Hmmm... Well welcome back. Where's Linnos?" Wala pagkatapos ang aksidenteng iyon. I just wonder kung nasaan si Linnos, kaya ko natanong iyon.
"At may gana ka pang magtanong ng ganyan? 'Di mo ba alam ba nakulong si Linnos dahil sa'yo?" galit na turan ni Kiara. Nakulong pala si Linnos. I feel sorry for her but it's very unfair to put the blame on me.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko kasalanan kung nakulong siya. Wala akong kasalanan sa inyo."
Galit na ring sagot ko. Sumusobra na sila. Wala akong kasalanan sa kanila. Wala silang ibang masisi, so they put the blame on me?
"Well...siguro nga hindi mo kasalanan. Pero bakit hindi mo man lang kami sinabihan and worst iniwan mo kami sa ere Matina!" her face is getting red from her anger.
"Buti nga kami ni Carla sa DSWD lang six months lang. Eh si Linnos nakulong siya Matina!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko at napayuko. Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa kanila. Hindi ko na rin kasi sila nakita matapos ang gabing 'yon.
"Well I'm sorry kung sa tingin n'yo, may kasalanan ako sa inyo, then I'm sorry. Pero hindi ko naman alam na ganoon pala 'yong nangyari."
"Hindi mo alam? Kasi hindi mo inalam. Hindi mo man lang nga kami dinalaw!" may hinanakit na wika ni Carla. Sa puntong iyon ay alam kung mali ako. Tama siya hindi ko man lang inalam kung anong nangyari sa kanila.
"Now Matina, I wonder kung alam ba ng mommy mo 'yong mga ginagawa mo?" si Kiara ulit at napangisi.
Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Dahilan para mas lumalim ang hinala niya. Hindi nga pala alam ni Mommy ang nangyari at sigurado akong magagalit siya pag nalaman niya iyon.
"So, hindi niya alam, gusto mo ako ang magsabi sa kanya?"
"Kiara please...'wag mo idamay dito ang mommy ko," pakiusap ko pero alam ko naman na hindi siya makikinig. Ako ang sinisisi nila sa nangyari kay Linnos.
"Matina!" hidi pa ako tapos magsalita nang marinig ko ang boses ni Andrew. Agad naman siyang lumapit sa amin nang makita niya kami.
"Kiara, Carla andito pala kayo?"
"Hmmm...yes Andrew, nakabalik na kami. But don't worry hindi naman namin inaaya sa kung saan si Matina kinakamusta lang namin siya."
"Ah...ganoon ba?"
"So, paano, we have to go. Nice to see you again Matina," mahina pero may diin na pagkakabigkas ni Kiara.
"Sige ingat kayo."
Ngumiti lang si Kiara kay Andrew at tumalikod kasama si Carla. Natigilan ako pagkaalis nila. Natatakot ako ng hindi ko maintindihan. Bakit ba ganoon kung kailan masaya kami ni Andrew. Kung kailan nawala na sa eksena si Lianne ay eto na naman may bago kontrabida sa buhay namin dalawa.
💞💞💞

BINABASA MO ANG
My Prim and Proper Prince (Under Editing)
RandomHe's a book lover, She's a party goer. He's Nice, She's a certified Brat! He's smart, well She's pretty. She get what she wants, He don't let anyone to mess with him. So what will happen if their path crossed??? Song Joong Ki: as Andrew d...