MATINA
Andito kami ngayon sa bahay nila Andrew. Nag-aya kasi si Tita Leila na mag-dinner kami together. Ngayon pa lang kasi niya nalaman na nanliligaw sa'kin si Andrew kaya gusto niya raw akong makita. Na-miss ko rin itong bahay. Kung dati ayaw kong tumira dito kasama si Andrew. Ngayon naman ay parang gusto kong bumalik rito."We're here!" I snapped back to reality when I heard Andrew speak.
He got out from his car ang opened the door for me.
"Thanks." Bumaba na rin ako ng kotse pero parang biglang kinabahan ako. Si Tita Leila lang naman ang haharapin ko. Sanay naman ako sa kanya. Pero iba kasi ngayon.
"Let's go inside?" tanong ni Andrew napansin niya kasi na biglang natahimik ako.
"Andrew kinakabahan ako." I keep rubbing my hand at the top of my skirt.
"Ha?" natatawang sagot ni Andrew. "Ba't ka na naman kakabahan si Mommy lang 'yon."
"Pero kasi...."
He squeeze my hand tightly as and looked straight into my eyes.
"Don't worry my Mom won't bite you," he said and accompanied me towards the door.
Ang tahimik ng buong bahay. Sila na lang kasi ni Tita rito. Maingay kasi kami noon ni Andrew rito. Lagi kaming nag-aaway.
"Mom? We're here!"
Mayamaya naman at lumabas si Tita galing sa kusina. Malamang ay naghahanda na siya ng hapunan.
"Tamang-tamang nakahain na ko. Let's go to the kitchen?" nakangiting bati ni Tita. Lumapit ako sa kanya at bumeso.
"Lalo ka yatang gumaganda ngayon iha."
"Thank you po Tita," kiming ngumiti ko.
Pumunta kami sa kusina. Pinaghila naman ako ng upuan ni Andrew. Magkapat kami habang nasa kabisera si Tita.
"So, how's school iha?"
"Okay naman po Tita, malapit na 'yong intramurals at kasama kami ni Andrew sa mag-peperform."
"Talaga? wala man lang nababangit tong si Andrew."
Ngumiti lang si Andrew at 'di nagkomento. Mayamaya ay nagsalita ulit si Tita.
"Nagtatampo ako sa inyo."
Isusubo ko na sana 'yong pagkain nang sabihin 'yon ni Tita.
"Nanliligaw pala siya sa'yo hindi n'yo man lang sinasabi sa'kin."
"Mom." Hinawakan ni Andrew ang kamay ng ina. "Sabi ko naman sa'yo hindi ko pa nasabi kasi hindi pa ako sigurado kung sasagutin ako ni Matina."
I smiled and took a bite on a food in mg plate. Lumiwanag naman ang mukha ni Tita sa sinabi ni Andrew.
"Oo nga naman Matina, kailan mo ba sasagutin si Andrew?"
Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Tita, buti naman at mabilis umagapay si Andrew at binigyan ako ng tubig.
"Mom, ano namang klaseng tanong 'yan?" reklamo ni Andrew sa ina.
"I'm sorry, I'm just asking, s'yempre ngayon lang ulit nanligaw ang baby ko kasi excited si Mommy."
"Mom... hindi na po ako baby."
"Basta, baby ka pa rin para sa'kin. "
"Mommy!" parang batang maktol ni Andrew.
"Bakit ayaw mo bang sabihan kita ng baby sa harap ni Matina?"
"Mom!"
"Okay lang naman sa'kin na magligawan kayo basta 'wag n'yong siraan ang tiwala ko. Ang tiwala naman ni Melinda sa inyo," mayamaya ay seryosong sabi ni Tita at napabapalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Andrew.
"Yes po Tita, naiintindihan po namin 'yon," sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Basta Matina, ikaw nang bahala sa baby ko."
"Mom stop it!" Andrew said in a warn tone. He's started to get piss.
"Alagaan mo ang Baby ko."
"Mommy! " Walang tigil na maktol ni Andrew habang si Tita ay nakangiti lang sa anak.
Natutuwa naman akong tignan ang pagkukulitan ng mag-ina. Natutuwa akong makita ang ganitong side ni Andrew. I know I have a lot of things to know about him and this is just a start.
💞💞💞
BINABASA MO ANG
My Prim and Proper Prince (Under Editing)
De TodoHe's a book lover, She's a party goer. He's Nice, She's a certified Brat! He's smart, well She's pretty. She get what she wants, He don't let anyone to mess with him. So what will happen if their path crossed??? Song Joong Ki: as Andrew d...