Chapter 44. Prom King and Queen

53 3 2
                                    

Dedicated to: Yanie027

MATINA
Konting sandali na lang ay matatapos na ang prom. Kung ako nga ang masusunod parang ayaw ko pang umalis. Pero syempre impossible naman na hindi matapos ang gabi.

Katabi ko si Andrew na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong halik na pinagsaluhan namin kanina.

I feel safe with his arms. Parang lagi akong nasa langit kapag mag-kayakap kaming dalawa.

"The female shining star of the night is none other than...." ani ng emcee. Nabanggit na kanina ang mga awards. At ako wala na akong pakialam d'yan. I'm happy and contented, basta kasama ko si Andrew

"Lianne Figueroa."

No wonder maganda naman talaga si Lianne. And she shines bright tonight.

Nakangiting umakyat si Lianne sa stage s'yempre inalalayan siya ng escort niya na si Dexter.

"Siguro ikaw ang prom queen," ani Andrew sa tabi ko. Ngumiti ako sa sumandal sa balikat niya.

"Hindi ko na inaasam 'yan, basta nasa tabi kita," he smiled back and showered my forehead with a little kisses.

"And the male shining star of the night is... "

Kundi si Andrew ay siguradong si Dexter iyon. Kaya nagulat ako sa sinabi ng emcee.

"Michael Facundo."

"Biruin mo 'yon, silang dalawa talaga 'yong nanalo?" natatawang komento ni Andrew sa tabi ko. Napailing pa siya habang nakatingin sa stage.

"Teka sabi mo kanina ikwekwento mo sa'kin kung anong meron sila?"

Ngumiti muna si Andrew at hinawakan 'yong kamay ko.

"Naalala mo ba n'ong sinabi ko sa'yo na napapansin ko na madalas sinusundan tayo ni Lianne?"

Tumango lang ako sa sinabi. Oo naalala ko 'yon. Natakot nga ako na baka mangulo siya sa amin.

"Pinabantayan ko siya kay Michael and iyon mukhang na in-love 'yong loko."

"Talaga? eh si Lianne nagkagusto ba sa kanya?"

"Hindi pa, pero sana," sagot ni Andrew at tumingin sa stage kung nasaan ang kaibigan. Gwapo naman sana si Michael kung hindi lang loko-loko. Sana nga ma-develop na silang dalawa para 'wag nang maging bitter si Lianne.

Sinuot na 'yong maliit na korona kay Lianne at shah's naman kay Michael.

"Kiss Kiss Kiss...." the crowd cheers.

Bahagya namang lumayo si Lianne kay Michael at napailing na lang ang binata. Nagtawanan ang mga tao. Michael is blushing parang hiyang-hiyang siya while Lianne is on her usual smirk. Maldita talaga.

Mayamaya pa ang in-announce na and Prom king and queen of the night

"The Prom King of the night is than other than the last year Jr. Prom King...

"Adriano De Vera."

"'Yon narinig ko na naman 'yong Adriano_" pang-aasar ko kay Andrew at tinulak na siya palapit sa stage.

Napapangiti naman siya na sinunod ako. Kumaway-kaway pa ang loko nang maakyat sa stage.

"And the Prom Queen of the night the very beautiful...."

"Hindi si Lianne kasi Shining star na siya."

"Sino naman kaya?"

"For sure 'yong girlfriend niya si Matina."

"Mas maganda si Lianne."

"Mas maganda si Matina."

Bulong-bulungan ng mga bitchesa sa likod ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Masyado akong masaya para pansinin pa 'yong mga ganoong bagay.

"Ma. Christina Aldeguer."

Teka Ma. Christina Aldeguer? Ako 'yon ah? Ibig-sabihin ako ang prom queen? I never expected it, but I'm happy ibig sabihin din kasi noon kapartner ko si Andrew. Kami pa rin dalawa. The universe has spoken destiny, talaga kami ni Andrew.

Well whatever, hinintay na ako ni Andrew sa stage. Tumayo ako at dahan dahang naglakad papuntang stage. Now I own the spotlight and I'm gaining everyone's attention. Pero wala sa kanila ang pansin ko, kundi nasa stage kung nasaan si Andrew. Sinalubong niya ako at inalalayan paakyat.

Lianne smiled at me. Wow himala parang genuine 'yong smile niya, so I smiled back. Sinuot na sa akin 'yong korona. And hell yeah it's perfectly fit to me. Parang pinagawa talaga para sa akin.

"Kiss...." sigawan ng mga tao.

Napangiti na lang ako ng lumapit sa akin si Andrew at hinalikan ako sa pisngi.

Sobrang saya ko ngayon gabing ito sana wala na talagang makasira sa amin. Kung pwede nga lang na 'di na matapos ang gabing ito.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon