Chapter 58. In Pain

56 1 0
                                    

MATINA
Halos madapa ako sa kamamadaling makalapit sa doctor. Lumabas na sila sa loob ng operating room. Agad-agad akong lumapit para tanungin kung kamusta si Andrew.

"Doc, kamusta na po si Andrew?" tanong ko at bahagya pang napakapit sa sleeve ng hospit al gown na suot ng doktor. He cleared his throath bago sagutin ang tanong ko.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," panimula ng doktor napalahaw ng iyak si Tita. "I have a good news and a bad one." Nagpapalit-palit muli ang tingin niya sa amin. "Successful naman ang ginawa naming minor operation sa kanya. Natahi na ang mga sugat sa labas ng katawan niya."

Minor operation? Ibig sabihin hindi naman pala ganoon kasama ang lagay. Akala ko kung anong klaseng opera ang sinasabi ng Doctor kanina at kailangan pang pumirma ng waiver ni Tita. Pero kinabahan ako sa sunod na sinabi niya.

"Pero may isa pang problema," sabi ng Dockor at napatingin nang diretso sa akin. Bigla namang lumapit si Mommy at Tita Leila at pinagitnaan ako. Maybe they're already knew what's happening, while I'm still clueless. Tinawag nga pala sila kanina ng doktor para pumirma ng waiver kaya alam na nila kung ano ang kondisyon ni Andrew.

"Tulad ng sinabi ko kanina successful ang minor operation na ginawa namin sa kanya, but he needs to go under a major operation."

Major Operation? Ano ba talagang nangyayari kay Andrew?

"After lumabas ng result ng mga test na ginawa namin sa kanya, We find out that he's suffering from brain hemorrhage." The Doctor cleared his throat bago ulit nagsalita. "Brain Hemorrhage is bleeding in or around the brain. If the bleeding is in the lower brain (brainstem) where the most of the automatic function are regulated, a patient may became unresponsive
or got into a coma."

Wala akong naiintindahan sa mga medical term na sinabi ng doctor. Ang malinaw sa'kin May hemorrhage siya and it will lead into a coma.

"Doc, anong gagawin natin? Anong pwedeng gawin para dito?" I asked wiping the tears running down to my face.

"Nagkaroon ng hemorrhage sa utak ng pasyente, may mamuong dugo sa ulo niya. Kapag tumagal ang namuong dugo sa ulo niya, mangingitim ang dugong iyon at mahihirapan ng alisin kapag tumigas iyon. Kaya naman kailangan niyang maoperhan sa as soon as possible." Napahigpit 'yong paghawak sa akin ni Mommy at Tita Leila.

"His mother already signed the waiver kaya bukas na bukas ipapadala na sa Maynila ang pasyente para maoperahan. Pero sinasabi ko sa inyo na ang operasyon sa utak ang isa sa pinakamahirap na operasyon at nakalulungkot mang sabihin ngunit tatapatin ko na kayo, ten percent lang ang tsansyang makaligtas ang pasyente."

10% percent lang ang chance na maging successful ang operation? Kung ang 50-50 nga ay napakahirap na tsanya paano pa kaya ang 10 percent? Hindi ko na naiintindihan ang sunod na sinabi ng Doktor. Nag-uusap sila ni Mommy pero wala akong naririnig. Bigla na lang akong nahilo at nawalan na rin ng malay.

•••
Nagising ako at nagulat nang mapansin na nakasuot ako ng hospital gown at nahiga sa hospital bed. Oo nga pala hinimatay ako kanina matapos marinig ang balita. Napabalikwas ako ng bangon at luminga linga sa paligid. Hinahanap ng mga mata ko si Andrew. Ano na kayang nangyari sa kanya. Is he okay? I hope he's fine.

"Mommy where's Andrew?"

"Nalipat na sya sa kwarto," sagot ni Mommy at lumapit sa akin para alalayan ako.

"I want to see him Mom."

Pinigilan akong tumayo ni Mommy at pilit na pinabalik sa higaan.

"Mamaya na, you also need rest. Magpahinga ka muna ngayon. Don't worry kapag nakapagpahinga kana sasamhan kita kay Andrew."

Labag man sa loob, sinunod ko si Mommy. Ayaw ko naman mahimatay ulit. Gusto ko ako ang unang makita ni Andrew pagkagising niya.

After an hour of rest I decided to go to him. Hindi na ako pinigilan ni Mommy at sinamhan sa kwarto niya. Halos magkalapit din naman pala yung kwarto namin. Naabutan ko sa loob si Michael na umiiyak.
My kness trembled when I saw him lying helplessly in a hospital bed. Kung pwede lang agawin ko yung sakit niya ginawa ko na. I don't want to see him that way. Parang pinipiga 'yong puso ko sa sobrang sakit.

"Andrew gumising kana!" palahaw na iyak ni Michael sa tabi niya. "Kasalanan ko to eh! Kung sana tinulungan kita hindi ka mabubogbog. Ako ang may kasalanan dapat sinamahan kita. Im sorry Andrew, feeling ko tuloy wala akong kwentang kaibigan."

With an teary eye I came to Michael and tapped his shoulder.

"Michael don't blame yourself, It's all my fault," he looked at me and wipe the tears on his face.

"Matina, how's your feeling? Hinimatay ka raw kanina sabi ni Tita."

"I'm okay," I answered. Yes, I'm okay physically, wala akong sakit. I'm fine outside but wounded inside. "Where's Tita Leila?" I asked and looked around.

"Inaayos 'yong mga papeles para sa paglipat kay Andrew bukas sa Manila."

Sa Manila ooperahan si Andrew. His operation scheduled tomorrow so, Tita Leila's busy fixing his paper.

"Iwan na muna kita," Michael said at lumabas ng pinto. Naiwan naman kami ni Andrew. I hold his hand and gave a quick kiss on his head.

"Andrew do you hear me?" the tears started to fall from my face again. "I'm sorry if I put you in this kind of situation."

I gently touched his face " Andrew I'm sorry. I'm really really sorry. I love you Andrew Please lumaban ka. 'Wag kang bibitaw." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. "Andrew. 'wag mo kong iwan, hindi ko kakayanin pag nawala ka. Kaya please lumaban ka. Lumaban ka Andrew," I can't explain what I'm feeling right now, seeing him in a hopeless situation makes me feel helpless. I closed my eyes and uttered a silent praying hoping that everything that gonna be alright.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon