Chapter 56. Worst

61 2 0
                                    

MATINA
Agad kaming dumiretso ni Michael sa hospital pagkagaling sa presinto. Kailangan pa kasi naming magbigay ng statement kaya nauna si Andrew sa ospital dala ng ambulansya. Nagtanong si Michael sa sa nurse na nasa information desk habang ako ay nasa likod lang niya na naghihintay ng sagot. Hindi ko na narinig 'yong sagot ng nurse basta na lang akong sumunod kay Michael nang maglakad siya.

Malalaking hakbang na tinahak namin ang pasilyo patungo kung nasaan si Andrew. Naabutan namin si Mommy at si Tita Leila. Parang wala akong mukhang maiharap kay Tita, I felt guilty. Wala naman talagang dapat sisihin kundi ako. Ako naman talaga ang may kasalanan. Nilapitan ko si Tita tatanggapin ko na lang kung anong sasabihin niya.

"Tita I'm sorr---" Hindi pa man ako tapos magsalita ng aluin niya ako. She shushed me with her finger on my lips as if telling me to not blame myself.

"Don't blame yourself," she answered in between sobs. I looked up to prevent the tears threatening to fall from my eyes.

"Ano ba kasing nangyari Matina?" tanong ni Mommy. mas galit siya compared kay Tita Leila.

"Kasalanan ko Mommy.... " 'Yan lang 'yong nasagot ko sa kanya.

"Kasalanan mo?! Alam ko naman na ikaw ang may kasalanan dahil hindi naman pupunta sa ganong klaseng lugar si Andrew kundi dahil sa'yo."

"Don't blame your daughter Mel, This is not the right time to blame each other," pag-awat ni Tita kay Mommy. Patuloy lang ako sa pag-iyak at walang salita na gustong lumabas sa labi ko.

"Ano ba talagang nangyari Michael?" patuloy ni Mommy at bumaling kay Michael na umiiyak na rin ngayon.

Michael wiped his tears bago sinagot ang tanong ni Mommy.

"Sinundan po kasi namin si Matina sa bar at iyon nakita ni Andrew na binabastos si Matina n'ong lalakikaya pinagtanggol niya."

"Sinabi ko na nga ba at ikaw ang dahilan, ano na naman ba kasing pumasok sa kukute mo at pumunta ka na naman sa bar!"

Muling tumulo 'yong luha sa mata ni Michael at umiiyak na nagpatuloy sa pagsasalita. "Tita, 'wag n'yo pong sisihin si Matina, Oo siya 'yong dahilan kung bakit kami nagpunta sa bar na 'yon. Pero kasalanan ko kasi naduwag ako, hindi ko tinulungan si Andrew."

Imbes na pagalitan ako ay lumapit si Mommy kay Michael at hinaplos ang likod nito. Nakayuko pa rin ako at si Tita Leila naman ang nag-aalo sa akin. Buti naman at hindi niya ako sinisisi kahit ako ang dahilan kung bakit napahamak ang anak niya.

"Tulad ng sinabi ko kanina hindi ito ang oras para magsisihan tayo. Magdasal na lang tayo na Sana walang masamang mangyari kay Andrew."

Sa sinabi ni Tita Leila ay mas lalong lumakas ang iyak ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang mangyari kay Andrew.

•••
Naghihintay kami na lumabas ang doktor at tanungin kung ano ang lagay ni Andrew ngunit 'di siya lumabas sa halip pinpasok pa si Tita Leila sa loob. May kung anong kailangan daw pirmahan si Tita para matuloy ang operasyon kay Andrew. Siya lang ang pinatawag ng doktor pero nakiusap siya kay Mommy na samahan siya nito sa loob. Mayanaya dumating si Dexter kasama si Lianne. Siya 'yong may kasalanan nito. Kung hindi niya kami ginulo ni Andrew sana hindi mangyayari ito. Ang kapal pa ng mukha niyang magpakita dito.

"We heard what happened kaya pumunta kami---" hindi nanatapos ni Dexter 'yong sasabihin niya nang tumayo ako at humarap kay Lianne.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I'm sorry!" 'Yan ang sagot niya sa akin. Nakayuko siya at umiyak rin katulad ko. Ayaw ko namansanang sisihin siya sa nangyari dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Pero siya 'yong nagsimula ng lahat ng 'to. Siya 'yong ugat kung bakit nangyari 'to.

"Alam mo bang ikaw ang may kasalanan kung bakit andito ngayon si Andrew?"

"Alam ko, kaya nga andito ako para mag-sorry."

"Sorry, nay magagawa ba yung sorry mo? Tignan mo. "sabi ko at tinuro ang kwarto kung nasaan si Andrew "Nand'yan si Andrew sa loob at inooperahan tapos sorry 'yong sasabihin mo."

"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry...." paulit ulit na sabi niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Inaalo naman siya ni Dexter na hindi na rin nakapagsalita.

"Umalis ka na Lianne," sabi ko sa mas mahinang boses. Parang napagod na rin ako kakasigaw. Napapagod na akong magalit. Wala namang mangyayari kung sisihin ko pa siya.

"Please Matina, gusto ko lang makita si Andrew." Hndi ko inaasahan ang ginawa ni Lianne. She slowly bent her knee, and knelt down in front of me. I can't imagine na gagawin 'yon ni Lianne. Pinigilan siya ni Dexter pero nagpumilit siya. Si Michael naman ay parang hindi alam ang gagawin at papalit palitan ang tingin sa amin. Siguro ay naawa rin siya kay Lianne pero ayaw niyang ipakita sa akin na kinakampihan niya ito.

Lumabas naman si Tita Leila kasama si Mommy. Nakakita niya si Lianne na nakaluhod sa harap. Alam na nila kung ano ang nangyari. Pinilit nila kanina si Michael na magkwento kung bakit ako pumunta sa bar at nalaman na nag-away nga kami ni Andrew dahil kay Lianne.

"Tumayo ka na d'yan Lianne, tama si Matina mas mabuting umalis ka na."

Tumayo naman si Lianne at lumapit kay Tita. "Tita pati ba naman ikaw? Sinisisi mo rin ba ako sa nangyayari kay Andrew?" the tears running down through her face. Basang-basa na 'yong mukha niya sa luha niya. Nakikita ko namang sincere siya pero hindi ko lang talagang kayang makita siya ngayon.

"No... Lianne," Tita Leila answered and wiped Lianne tears. "Don't think that way, pero tama si Matina mas magandang umalis ka muna ngayon. Don't worry babalitaan kita na lang kita."

"Tita...." sagot ni Lianne at niyakap si Tita. After that bumaling ulit siya sa akin. "Sige aalis na ako Matina, Pero tandaan mo 'tong sasabihin ko...Andrew loves you so much! 'Wag mo isiping niloko ka niya. About that kiss, I'm the one who initiated it, he has no idea na gagawin ko iyon. Nabigla siya kaya hindi niya ako natulak kaagad. Yes, I kiss him, but he never responded. Maiintindihan ko kung magalit ka sa akin, pero 'wag na 'wag kang magagalit kay Andrew. Wala siyang kasalanan. 'Wag mo rin isipin na kaya ginawa ni Andrew 'yong kasunduan n'yo noon, just to win me back. Kasi alam ko na noon pa man wala na siyang nararamadaman para sa akin. Nabulag-bulagan lang ako at pinaniwala ang sarili ko na ginawa niya 'yon para pagselosin ako. Alam kong nagka-ayos na tayo bago 'yong birthday mo. I'm sorry kung bakit nagawa ko 'to sa'yo. I'm just overwhelmed nang marinig kong nag-uusap si Michael at Andrew. Pero ngayon alam ko na, at tanggap ko na hindi na ako ang mahal ni Andrew," mahabang paliwanag niya bago tuluyang umalis. Sumunod naman agad si Dexter at si Michael.

Kahit hindi sabihin ni Lianne ay alam ko at ramdam ko na ako ang mahal ni Andrew.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon