MICHAEL
Hindi ko naaya si Lianne na maging date ngayon. Naunahan pa ako ng hayop na si Dexter.Sila na kaya? Nanliligaw kaya siya? Pero alam ko magkaibigan lang sila.
"Michael let's go inside," aya sa akin ni Bianca. Dahil hindi ko naaya si Lianne siya na lang ang nahila ko.
"Sige mauna ka na muna sa loob may hininatay pa ako."
"Sino?"
Ahm hala anong sasabihin ko? Alangang sabihin kong hinihintay ko si Lianne.
"Ahm... si Andrew."
"Okay sige una nako sa loob," good thing Bianca didn't notice, na nagsisinungaling ako.
Mayamaya nakita ko na rin sila Andrew. Ang ganda talaga ni Matina. Naka tube siyang dress. Kung hindi lang gusto ni Andrew 'yan, niligawan ko rin'yan eh. Pero wala gusto ni bestfriend eh. Di bale meron naman akong Lianne. Pero teka meron nga ba?
"Oh Michael, b'at hindi ka pa pumapasok?"
"May hinintay lang ako."
"Sino si Lianne?" nang-aasar na tanong ni Andrew.
"Si Lianne?" naguguluhang tanong ni Matina. Oo nga pala hindi niya alam.
"He's courting her!" natatawa pa ring sagot ni Andrew.
"Seriously?"
I just nodded in respond. Yes I'm serious. Kung n'ong una. Niligawan ko lang siya dahil kay Andrew, ngayon seryoso na ako. Oo inaamin ko na rin sa sarili ko na gusto ko siya.
"How did it starts?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Matina.
"It just happened... accidentally."
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo. Hayaan muna natin si Michael. So, pare mauna na kami?" sabi ni Andrew
"Sige Pre." Tinapik ko siya sa balikat tapos pumasok na sila sa loob. I inhaled deeply and patiently waiting for her .
MATINA
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Andrew. Nanliligaw na nga si Michael kay Lianne. 'Yon ay dahil sa kagagawan niya. Kaya pala hindi na nangungulo sa amin si Lianne, dahil na-distract kay Michael.I'm happy for the both of them sana maging happy rin sila.
MICHAEL
Mayamaya ay dumating na si Lianne but to my dismay, kasama niya si Dexter. Inalalayan pa siya nito pababa sa sasakyan.Napakaganda ni Lianne. Turquoise 'yong kulay ng gown niya. Above the knee lang ang haba niyon. And her hair was styled into stubble curls and swept her overgrown bangs against the left side of her face.
I was mesmerize with her beauty. Napanganga talaga ako literally. Napadako 'yong tingin niya sa akin. Our eyes met. Parang naasiwa naman siya kaya bumaling siya kay Dexter.
Sabay silang naglakad dumaan sila sa harap ko. Teka paano ko siya i-approach? Dapat batiin ko siya.
"Y-ou lo-ok bea-utiful," nauutal na sabi ko
"Sino...ako?"
Patawa rin 'to si Dexter eh, Sorry hindi ko siya type.
"Lianne you look beautiful daw?" natatawang ulit ni Dexter.
"Thanks!"
Teka... did I heard it right nag thank you siya sa akin? Napatulala tuloy ulit ako sa kanya.
"May sasabihin ka pa ba?" mataray na naman na tanong niya.
"Ahm wala na,"
Naglakad na silang dalawa at umalis sa harap ko. Naiwan naman akong nangangarap.
💞💞💞
BINABASA MO ANG
My Prim and Proper Prince (Under Editing)
RandomHe's a book lover, She's a party goer. He's Nice, She's a certified Brat! He's smart, well She's pretty. She get what she wants, He don't let anyone to mess with him. So what will happen if their path crossed??? Song Joong Ki: as Andrew d...