Chapter 48. Another Trouble

53 1 1
                                    

Dedicated to @StalkerThiz

MATINA
"Hi Matina," I lift up my chin and much to my dismay nakita ko 'yong impaktang mukha ni Kiara, and of course kasama na naman niya si Carla. Gusto ko siyang sapakin pero buti na lang napigilan ko 'yong sarili ko. Dahil sa kanila, ito magkalayo kami ni Andrew.

"Hindi n'yo ba talaga ako titigilan!" pinipigilan 'kong matimpi pero gusto ko na talaga siyang sabunutan.

"Hey...'wag naman masyadong maiinit 'yong ulo mo. We just came here to asks kung nagustuhan mo 'yong surprise namin sa'yo."

"Ano bang gusto mo Kiara? Ito oh, nakikita mo naman 'di kami magkasama ni Andrew. Masaya ka na? Hindi ba ito 'yong gusto mo, 'yong malayo ako sa boyfriend ko dahil malayo ka rin sa boyfriend mo!"

"Exactly buti naman pala alam mo."

Hindi na ko nakapag pigil. Itinaas ko 'yong kamay ko para sampalin siya pero pinigilan ako ni Carla

"Ano? Sasampalin mo ko?" Nakataas kilay na tanong niya.

"Hindi...." Itinulak ko 'yong kamay ni Carla na nakahawak pa rin sa kamay ko. "Sasabunutan kita!" Sagot ko at agad hinila 'yong buhok niya. Syempre gumanti silang dalawa ni Carla. Syempre mag-isa lang ako kaya hindi ako nakalaban. Kaya iyon, guidance office 'yong bagsak naming tatlo. At nakakainis pa, syempre tinawag ng Dean 'yong parents namin.

This is Another trouble. Siguradong magagalit talaga si Mommy.

•••
"Hindi na ba talaga kita masasaway Matina? Talagang sinugod mo sila Kiara porke alam mo na sila 'yong nagsumbong sa akin?" sermon agad ang narinig ko pagkarating namin sa bahay.

"Mommy,hindi nga po ako 'yong nanugod sila po 'yong lumapit sa akin."

"Ewan ko Matina, 'di ko alam kung maniniwala pa ako sa'yo," sagot niya at tumalikod sa akin.

Naiyak ako sa sinabi ni Mommy wala na siyang tiwala sa akin. Kasalanan talaga 'to nila Kiara. Kailan kaya matatapos ito? Napapagod na ako.

MATINA
"Andrew anong ginagawa mo dito?"

Tulog na si Mommy nang may marinig akong nag doorbell. Kaya agad akong bumaba dahil may hinala akong si Andrew iyon at hindi ako nagkamali sa akala ko. Siya nga 'yong nasa labas.

"Matina si Tita? I need to talk to her."

"Andrew umalis kana!" mahirap na baka makita pa siya ni Mommy. Siguradong magagalit yun.

"Matina, pati ba naman ikaw? Sumusuko ka na ba?" halata 'yong lungkot sa mata niya. God knows how much I miss him. Gustong-gusto ko na siyang yakpin. Pero pinigil ko 'yong sarili ko dahil baka makita kami ni Mommy.

"Andrew, hindi naman sa ganoon. Ang akin lang, palipasin muna natin 'yong galit ni Mommy."

"Pero ayaw kong patagalin 'to Matina. Don't worry I'll explain everything to her just let me."

"Hindi nga...." hindi ko pa natatapos 'yong sasabihin ko nang marinig ko 'yong boses ni Mommy.

"Andrew umalis ka na!" I tried to push him pero mapilit siya. Hindi siya gumagalaw hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya.

"Matina... anong ginagawa mo dito Andrew?"

"Tita please, let me explain."

"Andrew...." nakikiusap na tawag ko sa kanya.

"Umakyat ka sa taas Matina!"

"Mom...."

"Umakyat ka sa taas!" sinunod ko naman 'yong utos ni Mommy ayaw ko kasing madagdagan 'yong galit niya. Nilingon ko si Andrew at isang tipid na ngiti ang sinagot niya sa akin. Sana nga pakinggan siya ni Mommy.

ANDREW
We we're quite for a couple of minutes when Tita Melinda broke the silence.

"Okay I'll give you five minutes to explain everything. Siguraduhin mo lang na maguggustuhan ko yung paliwanag mo."

"Thanks Tita Melinda, thank you po," I said and hold her hand.

"Don't waste your time!" she said one eyebrow raised.

"Tita I'm sorry. Hindi ko na po itaatangi 'yong kasalanan ko. Hindi ko masisisi kung magagalit kayo sa'kin. Pero sana pakinggan n'yo ko. Hindi ko po sinasadyang hindi sabihin sa inyo. I tried pero kasi ayaw kong makagulo sa ibang problema n'yo. At ayaw ko rin pong magkagulo kayo ni Matina."

"Pero sa ginawa mo hindi mo ba naiisip na nagkagulo na kami ng anak ko?"

"Kaya nga po Tita nagsosorry ako. Tita I'm really really sorry. Please give me another chance and I promise babaguhin ko po 'yong mga mali please Tita. Hindi ko po kaya mawala 'yong anak. Wag n'yo po siyang ilayo sa akin."

We were quite for a couple of minutes when she speak again.

"Andrew...." sana naman makinig na siya sa akin.

"Tita!" very excited na sagot ko. Sana naman makinig na siya.

"Tapos na 'yong five minutes mo," she answered and turn her back on me.

Akala ko makikinig siya sa akin. Wala na talaga sigurong pag-asa.

💞💞💞

My Prim and Proper Prince (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon