Chapter 2: Mirror Academy

5.6K 157 2
                                    

Chapter 2: Mirror Academy

❇ ❇ ❇

Trying something new is always scary.

❇ ❇ ❇

= Blythe =

I was in a deep slumber until someone disturbed my sleep with an annoying voice.

"Hey, red head! We're here! Time to get up, you sleepy bag of lazy bones." gising saakin ni I-don't-care-who-he-is.

Ugh. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Itutulak ko na sana sa nagbabagang lava 'yung mga nanakit saakin kaso umepal naman ito lalaking ito.

Hayy, lahat na lang ng magagandang nangyayari saakin ay agad na napuputol. Wala na ba akong karapatang magsaya?

Anyway, tumayo na ako agad at binuksan ang pinto. Wala naman akong morning breath kaya confident akong magsalita kahit maaga pa. Kung umaga na.

"Thank god at nagising ka. I've been trying to wake you up for minutes." sabi niya. "Nasa baba na ang maleta mo. May kasama na rin 'yang kape para naman may makain ka." ayoko lang na makita niya pero deep inside, thankful ako. It's the nicest thing a person did to me in a long time. I mean, 'yung bukal sa kalooban.

"Thanks." sabi ko sabay ngiti.

Nung makababa na ako nginitian niya ako at sabi "You'll find out everything you need to know in here. Bye."

"Bye." at mas mabilis pa sa alas cuatro ang pag-alis ng bus mula sa kinaroroonan ko.

So, where am I?

Nilingon ko ang likuran ko and a pair of golden gates greeted me with these words above it:

MIRROR ACADEMY

So, in short, they left me in a school? But I don't have all my documents and my money is only enough for food, water and shelter in a month. What am I supposed to do?

"What the?" I asked surprisedly as the pair of golden gates reveals the paradise inside it.

Is this even a school?

Maze-like hedges occupied the grounds beside the wide bricked path leading to a gigantic castle piercing the sky as it glimmers like a mirror.

Well, there's no chance of me getting in here. Wala akong pang - tuition para ganito kagarang eskwelahan.

Ano ba kasing lalaki 'yun! Ba't dito niya ako binaba?!

Kahit anong pigil ko sa sarili ko, wala na akong nagawa dahil sa pang-aakit ng kastilyong ito.

Hanggang sa mapansin ko na lang na nasa-loob na ako ng gates na ngayo'y nakasara na.

Oh. My. Gosh.

What am I supposed to do now?

Sinubukan kong dumaan sa gitna ng mga bars pero hindi ako nagkasya. Hindi naman ako pwedeng mag-over the bakod kasi wala naman ng horizontal bars ang gates at puro lang vertical, plus ang bigat ng maletang dala ko na hindi rin kasya.

Well, patapon naman na ang buhay ko kaya mabuti pang puntahan ko na lang ang kastilyong iyon.

Muntik na akong madapa nung biglang gumalaw ang bricked pathway na parang kinokontrol ng teknolohiya.

Hindi na ako kumontra sa agos nito dahil doon rin naman na ako papunta. Plus, ang bilis kaya ng galaw kaya walang kwenta na talaga kung susubukan ko pa.

Seriously? Isang pares ng malalaking pintuan na gawa sa kahoy ang bumungad saakin at naka-ukit rito ang logo ng eskwelahan nung tumigil sa pag-galaw ang pathway.

Simpleng "MA" lang naman ang nakaukit sa loob pero sobrang detailed ng bilog na parang mamahaling frame ng salamin.

Bumukas ito gaya ng gate kanina ng walang taong gumagalaw. Automatic? Sensors? Don't care. I'm feeling excited and creeped out on the same time.

Pumasok ako kahit wala pang paanyaya dahil mukhang wala pang tao. Siguro school hours pa nila? O baka theme park lang ito?

Isang pares ng malalaking hagdan ang sumalubong saakin. Nakadikit ang higher part nito na naging balcony para sa pinto na one-fourth lang ang laki sa pinasukan ko. Naka-ukit rin ang logo ng school pero may isang salita pa ang nakaukit:

HEADMASTER'S OFFICE

Sa baba ng balcony ay makikita ang malaking screen na walang pinapakita kundi ang colored version ng logo na kumikintab ang salamin.

May malaking red-carpeted space na halos kasya ang 10,000 or more na katao at sa taas nito ay makikita ang napakalaking crystal chandelier. As in, ang laki!

Seryoso? Ba't ang hilig nila ng mga pares? Gates, grounds, doors, stairs, more doors? And ang la-laki rin. Siguro mga higante ang mga nag-aaral dito?

Nilakad ko na ang pagkalaki-laking espasyo sa pagitan ko at ng headmaster's office dahil gusto ko siyang maka-usap.

Ilang minuto rin ang tinagal bago ko marating ang malalaking hagdan. Buti na lang carpeted ang sahig kundi ang ingay na dahil sa tunog na magagawa ng maleta ko.

Gosh! Mas malaki pa pala sa malapitan ang hagdan na ito! Oh my gosh! Ang payat ko pa naman para madala itong mga dala ko!

*creek*

Bumukas na ang pinto kaya napalingon ako dito nang iluwa nito ang isang middle-aged na lalaki na naka-black tuxedo at red na necktie.

"Ahh, miss Blythe Britney Benson. I've been expecting you a little sooner so I taught I'd check things out. Is it your luggage that is slowing you down?" sabi nung lalaki na malamang headmaster ng paaralang ito. Nagulat ako nung malaman niya ang buo kong pangalan.

*clap clap*

Gaya kanina, muntik na akong mahulog nung nagsimulang umandar ang hagdan na parang escalator.

Breathe, Blythe Britney. Breathe.

Gosh. Pwede naman palang 'yun na lang ang gawin eh. Ba't walang nakalagay na "turns into an escalator when you clap twice" or whatever?

Nung marating ko na ang tuktok, inabot ko kaagad ang maleta ko bago pa man ito makuha ng headmaster dahil nakakahiya naman kung siya papunta ang nagbibit-bit nito.

Pumasok na kami sa office niya at naupo siya sa swivel chair na nasa-harapan ng lamesa sa gitna ng opisina. Salamin lang ang likuran na parte ng opisina kaya nakikita ko kung ano ito at nakita ko rito ang estudyanteng may kakaibang ginagawa.

Hindi ko alam kung paano pero, naglalaro sila but...

Using their extraordinary abilities...

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon