Chapter 60: The Final Wish

1.1K 19 0
                                    

Chapter 60: The Final Wish

= Violet =

Yes! 10 nore freaking minutes and the eclipse will start and I can't get anymore excited.

It's time for them to have a competent ruler and there is no better way than letting me, the smartest of them all, rule.

I'm sitting in Sophia's golden throne while waiting patiently for the eclipse. Hindi naman kasi nakaupo ngayon dito si Sophia na nakikipag-plastikan ngayon sa mga taong hindi niya naman kilala at halatang napipilitan lang na sumunod ang kambal niya.

What if I also influenced her twin? There will be double the trouble and I'm pretty sure I would love it. But it doesn't matter.

Parehas ko lang naman silang itatapon pagkatapos maging successful nitong plano ko.

Anyway, since medyo na-bored na ako sa kaka-antay sa eclipse, pinagmasdan ko muna saglit ang paligid. Parehas lang sa loob ang color scheme ng mga bagay, may fog machine rin, mahahabang table na may lamang food and drinks, and speaker.

Actually, halos parehas lang naman lahat ng laman sa loob, may pinagkaiba lang ng konti ang set-up at ang napakalaking golden statue ni Sophia na nasa-likuran mismo ng tronong ito.

Out of all the wishers I influenced, I can safely say that Sophia is the most like me. Hindi ko kailangan mag-effort masyado kasi halos parehas lang naman ang mga gusto namin. Medyo pareho rin ang ugali namin kaya mas nag-enjoy ako sa pag-control sa kanya kaysa sa iba pang nauna.

As I was saying, despite the all of this food, music and decorations, this party is legit boring. Wala man lang ng magandang nangyayari tulad ng sabunutan, suntukan, or kahit na sampalan man lang. Lahat sila nakikipag-plastikan na parang mababait na tao and it is annoying me to a different new level.

This party needs some excitement.

Gumawa ako ng isang anino na nako-control ko para naman magkaroon ng excitement ang party na ito.

Pinapunta ko ito sa isang grupo ng mga babae na malapit sa table na puno ng pagkain, namely desserts. Kumuha ng isang cup ang anino at nilagyan ito ng chocolate mula sa kalapit na chocolate fountain at walang pagaalinlangang binuhos ito sa ulo ng isa sa mga babae.

Galit na napatingin ang babaeng 'yun sa likuran kung saan nagtatawanan ang tatlong babae at may hawak ang isa ng baso na may lamang chocolate and first fight just begun.

Sunod ko naman pinapunta ang anino malapit sa malalaking speaker kung saan naka-tambay at nagtatawanan ang isang grupo ng mga lalaki. Pumunta ito sa likuran ng isa sa kanila at ginaya ang boses nito at pinag-iinsulto ang iba pa niyang kasama and obviously, nag-suntukan sila.

Ganito lang ang pinagagawa ko sa iba ibang lugar and just like that, mas naging exciting na ang party. May time pa ng na may nakita akong dumudugong mukha kaya mas sumaya ako.

Nagtataka namang inilibot ng kambal ang mga mata nila sa mga nag-aaway at bakas sa mga mukha nila ang pagtataka.

And since nawala na ang pagka-bored ko, binalik ko na ang tingin ko sa buwan ngayon and I can't help but smile because...

It's starting.

= Blythe =

"Where are we?" tanong ko agad sa unang segundong makalabas kami sa teapot.

"I don't know." sagot ni Paige na inililibot ang mata sa paligid na ginaya ko.

Nasa-living room kami ng isang dorm na may malaking pinagkaiba kaysa sa dorm namin. Mas improved ito at mas spacious.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon