Chapter 10: The Team

3.2K 97 3
                                    

Chapter 10: The Team

❇ ❇ ❇

If you wanna win as a team, you gotta work as a team.

❇ ❇ ❇

= Blythe =

Fuck you, Austin. Fuck you.

Tinatanong ng maayos tapos sasagot ng "thank you!"?! Baliw lang? I know it is my fault dahil ako naman talaga nagsimula ng "thank you" shit na 'yan pero seryosohin niya naman sana ang pagiging seryoso ko.

"Luke, saan ba ang tinutukoy niyong Dark Forest?" tanong ko sakanya dahil busy si Paige sa pagtala ng mga ingredients mula sa libro at wala namang kwentang kausap ang Austin na 'yun.

"It's literally a dark forest even in daytime which can be found at the southern part of the school." sabi niya na lang.

Okay? A dark forest in the southern part of school. It's not so bad. Isn't it?

Pagkatapos ng potions namin dumiretso na agad kami sa cafeteria at kasama 'yung babaeng kagrupo namin kanina. Siguro close sila.

"Holy cow." nasabi ko na lang nung makita ang cafeteria.

Napakalawak nito! Oh my gosh! Anim na floors pa. Tig-iisang floor per year.
Oh my gosh! Kaya pala ang laki ng kastilyong ito.

Tinungo namin ang direksyon kung saan makikita ang mga malalaking at umaandar na hagdan at sinakyan ito.

Ba't hindi umaandar 'yung mga hagdan papunta sa mga dorms? Nakakainis naman.

Bumaba agad kami nung marating fourth floor ng cafeteria kung saan mga fourth years lang ang makikita.

Pareho lang ang disenyo nito sa mga naunang floors. Malalambot ang mga upuan, glass ang mga lamesa at may flower vase pa. Ba't mukhang café?

Hinila na lang ako ni Paige dahil hindi pa napo-process ng utak ko na mukhang pang-mayamang café ang cafeteria rito.

"Ano ang gusto mo?" tanong ni Paige nung nasa-dulo na kami ng pila.

Uhm. Ano nga ba ang gusto ko? Hindi ko alam kung ano ang available kaya hindi ko rin alam ang dapat bilhin at hindi ko rin alam ang presyo---

Oh my gosh. Nakalimutan kong dalhin 'yung mga cards ko. Tanging ID lang ang dala ko. T.T

"Uhm, Paige." tawag ko sakanya and I know that this will be embarrassing. "Pwedeng umutang? Naiwan ko kasi 'yung mga cards ko sa room eh."

Napatawa na lang siya. I know. Nakakahiya talaga ang ginawa ko.

"Baliw. Hindi naman nagbabayad dito sa cafeteria. 'Yung mga cards na 'yun at pangbili lang ng mga luho ng estudyante." sabi niya na pinipigilan ang pagtawa. Eh sa malay ko ba? First day ko pa lang naman ito at hindi ko naman alam na hindi pala rito nagbabayad ng pagkain.

Wait. Free ang food? Oh. My. Gosh. This is gonna be the best meal of my life so far.

Mabilis kaming nararating sa mga counters dahil maayos at mabilis ang kanilang service.

"I'll take a piece of the red velvet cake, a large cup of ice blended Oreo, and your specialty for today." sabi ko na lang dahil mukhang masasarap ang mga main courses nila. Main courses? What the?

Agad naman na nila itong binigay kaya naghanap kami ng upuan sa gilid. Ang awkward kaya kung sa gitna kayo kakain.

Nagsimula ng maging maingay ang cafeteria dahil sunod-sunod na ang pagpasok ng mga estudyante. Sabay-sabay naman na nag-uusap ang may mga pagkain na tungkol sa mga bagay-bagay.

"By the way, I'm Aria." nakangiting pagpapakilala nung babaeng nakagrupo namin kanina at nilahad ang kamay niya.

"Hi. I'm Blythe. Nice to meet you." nakangiti rin na sabi ko at shinake ang nakalahad niyang kamay.

"How's your first day of school so far?" tanong niya saakin.

"It's pretty good. Actually, a lot better than I expected." honest na sabi ko.

"Hmmm." sabi niya na lang at sinimulang lamunin ang isang Cordon Bleau.

Sinimulan ko na rin kainin ang main course, shut up, ko na 'di ko alam kung ano. Basta may karne, maanghang na sarsa, patatas, at hindi ko na alam ang iba pa. Hindi ko pa ito natitikman kahit ilang restaurant na ang napupuntahan ko. Siguro dito lang ito sa lugar na ito.

"Ugh. Ang rami na naman ng assignment natin." bagot na sabi ni Paige at nilantakan ang dessert niya na mukhang I don't know. Basta may iba't-ibang sangkap ito na hinalo-halo at yelo.

"I know." sang-ayon naman ni Aria.

"Anong subject?" tanong ko dahil parehas lang naman ang mga subjects namin maliban lang sa oras.

"Charms." maikling sagot nilang tatlo.

"Tell me about it." sarcastic na sabi naman ni Austin.

...

Bumalik na muna kami sa dorm namin dahil mamayang alas dos pa ang sunod na subject namin which is Charms. Based sa expressions nila kanina, it's rather boring  or mahilig magbigay ng assignment 'yung teacher. Either way, boring pa rin.

Agad na humilata si Luke sa couch at binuksan ang phone niya at si Austin naman na binuksan agad ang TV.

"Boys, stop that." sabi ni Paige kaya pinatay agad ni Austin ang TV at umayos ng upo si Luke. "We need to plan for making the aquabreathe potion. The earlier the better so, kailan free kayong lahat?"

"Friday afternoon?" sabi ni Aria.

"Yup." sang-ayon naman ni Austin.

"How about you, Blythe?"

"Oh, yes. I have nothing on Friday afternoon."

"So, Friday afternoon it is. We'll work on it in here at Saturday morning, so... Meeting adjourned." sabi niya at lumayas papunta sa kwarto.

Ganun lang 'yon? And dali naman. Dati kasi, angel hirap mag-decide sa dati kong paaralan dahil may mga kaartehan sila in that time or nagkakagulo sa pagpili ng mga bahay dahil sa pride nila.

Magpapalipas lang kami rito ng oras dahil tinatamad sila. Nakahiga ako ngayon sa kama ko dahil hindi ko feel manood ng TV or magbukas ng phone.

"Problema mo?" tanong ni Paige na kakalabas lang mula sa banyo ng room namin.

"Wala pa naman. Tinatamad lang talaga ako. Hindi ko feel manood ng TV or gumawa ng whatsoever kaya mahiga na lang ako." mababang sagot ko naman.

"Okay." sabi niya at nahiga na rin sa kama niya.

Wala naman kaming paki-alam kung mahiga kami ng naka-uniform dahil sabi ni Luke kanina, may kakayahan raw ang tela nito na iwasan ang gusot. Edi wow.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon