Chapter 48: Vomiting Rainbows

613 16 0
                                    

Chapter 48: Vomiting Rainbows

❇ ❇ ❇

If plan A doesn't work, just remember there are still 25 letters in the alphabet.

❇ ❇ ❇

= Austin =

It's actually been a month already after Paige, Aria, and Blythe stopped existing and as much as I love peace, I kinda miss them already.

Hindi naman sa may problema ako kay Luke pero ang tahimik na ng dorm namin. Kaming lima na lang nila Summer, Marco, at Grae ang magka-kasama. Si Summer na lang rin ang natitirang babae tapos hindi pa maingay kaya ang tahimik at awkward ng paligid.

Alam na rin ng school staff ang mga pangyayari pero ang nakaka-inis ay wala silang ginawa! Hindi ko alam kung takot sila o walang-pakialam pero estudyante nila ang pinagu-usapan dito, for crying out loud!

But on the bright side, hindi pa nagkakalat ng lagim ang lecheng Sophia na 'yun simula ng mawala ang tatlo.

Hindi ko rin masabi pero parang may pina-plano si Summer ng hindi namin alam dahil palagi itong umaalis at random times tapos babalik ng may kakaibang ngiti sa mga labi. I know she's weird, but at least, not this weird.

"Anong gusto niyo?" tanong ni Marco.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. As usual. Hindi pa rin nawawala sa memorya namin ang Shit scene kaya hindi rin ako ginaganahang kumain.

"Kahit ano na lang." sagot ko dahil napansin kong ako na lang ang hinihintay ni Marco bago mag-order ng mga pagkain. Huminga na lang siya ng malalim at tinungo na ang mahabang pila.

Lately, palagi na akong nagspa-space out dahil sa mga nangyari.

Tinitingnan ako ni Luke at hindi ko mabasa ang mga iniisip niya. Obviously. Si Summer lang naman ang may kaya nun sa amin.

And again, dumating si Marco at Grae dala ang mga pagkain ng hindi ko napapansin. Carbonara, fried chicken, and soft drinks ang binili nila para sa akin dahil 'yun naman ang palagi kong kinakain.

Our conversations got a lot duller but I always try my best to get involved kasi maingay ako dati.

"Oh, look." sabi ni Summer habang naka-tingin sa likuran ko kay lumingon ako.

As expected, ang tatlo na naman. Missing in action na palagi ang tatlong 'yan pero may times rin na nakikita sila but meh.

= Lavender =

As usual, naka-sunod na naman kaming dalawa ni Cera sa kambal niya sa pag-hasik ng lagim. Minsan na lang rin kaming lumabas dahil may bagong pinagkaka-abalahan ang kambal.

Humiling kasi sila ng isang kwarto sa dorm nila na naglalaman ng napakaraming damit na sabay sa mga fashion trends.

Naka-sunod lang kami sa kanya ng bigla siyang tumigil sa isang lamesa sa gilid kung saan malungkot na kumakain si Marion. Ang unang nabiktima ni Sophia.

Binuhos niya ang isang milkshake sa ulo nito na hindi kinuha sa isang kalapit na estudyante na hindi na pumalag dahil alam niya na ang mga maaaaring mangyari. Yumuko na lang si Marion dahil sa pagkakapahiya at hindi malagyan ang mukha.

Mirror AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon